"CCCHHHHEEEELLLSSSS!!!" Napabalikwas ako sa aking hinihigaan nang dahil sa nambubulabog na ingay. Putchang ingay yan. 'San ba yun nanggaling? Ang panget panget at saka parang babasagin na ang eardrums ko. May nagbukas ng pintuan kaya tinignan ko 'to. Nakita ko si Yessa na suot na ang kaniyang uniporme at handa ng umalis. "Huy, che- ay.... Akala ko kasi ready ka na pumasok." Sabi nito sakin. "Hehe napahaba ata tulog ko?" "Sige sige. Hintayin nalang kita sa baba, Chels." Sabi niya at sinarado na ang pinto ng room ko at narinig ko ang footsteps niya na paalis na. Subukan mo kayang matulog alas-tres ng madaling araw, tapos magigising kang 6 o clock dahil 7 ang pasok mo. Nag ready na ako ng sarili ko at pagkatapos, kinuha ko na ang mga libro at linagay sa bag ko. Napasimangot ako nang

