Third Person's View Napasilip si Yessa sa kwarto ni Chelsea nang makita niyang bahagya itong nakabukas. "Kaya mo ito, Chelsea!", pagsuporta ni Chelsea sa kaniyang sarili. Nasa bintana ito at kasalukuyang nakaharap sa isang halaman. Napakunot-noo si Yessa habang nakatingin kay Chelsea na nakatapat ang mga kamay sa isang halaman na para bang pinilit niyang palabasin ang kaniyang mahika. "Yo, Chelsea. Need a hand?", biglang sulpot ni Yessa dahilan para magulat si Chelsea. "A-Anong..." "Mali naman kasi 'yang ginagawa mo!", suway ni Yessa at umupo sa tabi ni Chelsea. "Ang gawin mo ay mag pokus ka." "Sure ka ba---" Sinamaan ito ng tingin ni Yessa, "Hindi ka naniniwala saakin?", tanong nito. Walang nagawa si Chelsea kung hindi ay ang maniwala. "Now, for starters this is hard but you'l

