"Nathan!", sigaw ko nang bumagsak ito sa lupa. Napatingin naman ako sa lalaking sumuntok sakaniya at magkasalubong ang kilay na hinarap. "Ano bang problema mo?", naiinis kong tanong dito. Ramdam ko ang pandidilim nang mukha nito at matigas nitong tinitignan si Nathan. Kaya pinilit ko itong ipinaharap saakin. "Tinatanong kita diba." Sinamaan ako nito nang tingin. "What the f**k are you doing, Chelsea?" Pinanlakihan ko naman ito nang mata. Wow, siya pa ang may ganang magalit ngayon? Eh siya nga itong sinuntok nalang bigla si Nathan! "That's none of your concern.", tumayo si Nathan mula sa lupa at tumabi saakin. "None of my concern? Of course that's my goddamn concern!" "Carlo! Tama na. Umalis ka na, walang nangyayari saamin ni Nathan. He's just comforting me.", tugon ko dito. Masur

