Kinakabahan ako habang naglalakad kami ni Yessa sa hallway papunta sa training ground. Yessa was back to her old usual self simula kaninang umaga. 6:51 ay papunta na kami marahil magsisimula ang laban alas-sieyete ng umaga. Nakatrack suit kami ngayon also known as our P.E. uniform. Hindi ko naman inakala na ganito pala ang tawag nila sa P.E. uniform nila. Track suit. Hinimas-himas ni Yessa ang likod ko habang naglalakad kami, "Chill out, Chels. Exam lang naman 'yon.", saad nito. Natigilan ako sa sinabi nito. "E-Exam?" "Why? I thought you know already. Our show-off for today is an examination. The points that would be given to us is equivalent to our grades." Para naman akong mabibilaukan sa sarili kong laway dahil sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi kung ngayon mo lang nalaman na

