Nasa kwarto na si Jayden habang naglalaro sa cellphone niya habang ako nasa kusina at gumagawa nang cookies. Hapon palang pero sobrang nakakaumay na dito. Mas maganda pa nga atang sa Crimson Academy mag bakasyon eh. Pero hindi ko magagawa dahil aalis na 'rin naman ako. Pagkatapos nang bakasyon, may hahatid saakin paputang Leighton Academy at hindi ko alam kung paano at saan niya ako hahanapin dahil hindi naman niya alam ang bahay nina Tita. Pero pinagsawalang bahala ko nalang, sana nga hindi matuloy. Ilinagay ko na ang tray sa oven at ilinagay ang timer sa 30 minutes saka ko pinahid ang pawis na namumuo sa noo ko. "Chels!" "Ay anak nang tipaklong!" Agad akong napalingon sa pintuan nang kusina at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Hesly na papalapit saakin. Halatang nagmamadal

