40 PUMASOK na si Alex sa building at dahil maaga pa, sya ang unang applicant na dumating. May taga HR naman na inassist na sya. Naniniwala si Alex na first impression last kaya kailangan maaga pa sa takdang oras ay naroon na sya. Pinaupo sya sa isang gang chair dahil may mga dadating pang aplikante. Inalok din sya ng coffee o kaya tubig. Malaking company ito kaya talagang maganda ang pamamalakad. Maganda din ang benefits nila dito. May mga news papers at magazines din na pwedeng basahin habang naghihintay sa takdang oras. Maya maya ay may dumating uli na aplikante tulad nya. Nginitian nya ito at ganon din ito sa kanya. "Hi! Applicant ka rin ba?" Tanong ni Alex. Mukhang parehas nya ito na newly graduates din. "Oo, applicant ako. Ang saya nga at nasama ako sa for interview. I'm Wendy

