47 NAKABIHIS na ako ng mag ring ang phone ko. Si Christine! Agad kong sinagot ang tawag nya. May usapan kami ngayon na pupunta ng Mall. Nagpapasama ako sa kanya. Di pa ako nakabili ng pang regalo ko kay Hubert para sa kaarawan nya bukas. "Good morning best! Patapos na ako. Daanan kita dyan. Magtaxi na tayo para mabilis. See you!" Naka ready na daw sya at hinihintay na lang ako. Nagpaalam ako kay Lola at di ko na inabala si Tito. Gusto ko rin isurprise si Hubert. Baka pag kay Tito pa ako nagpasama eh ibuking pa ako. Kaming dalawa lang ni Christine. Di ko rin sinabi kay Hogan. Wala namang issue pero para girls bonding na rin. Matagal na rin kaming di nakalabas na kami lang dalawa. Tinawagan ko si Christine ng malapit na kami sa bahay nila. Kaya pagdating namin sa tapat nila naroon n

