62 DI AKO MAPAKALI hindi sinasagot ng girlfriend ko ang mga tawag ko. Alam ko na darating ang mga kapatid ni Andrei ngayon. Malubha na si Tita. Naghihintay ako ng update mula sa girlfriend ko pero wala, di nito siguro hawak ang kanyang telepono. Kaya nagpasya na akong bumalik sa bahay nila kaysa nandito ako pero ang isip ko nandoon naiwan sa bahay nila Alex. Di ko na dinatnan na buhay si Tita. Nakita ko ang mahal ko, iyak ng iyak. Ayaw pang bumitaw kahit nandyan na ang kukuha sa bangkay ni Tita. Kaya hinawakan ko na ito. Masakit sa akin na makita ko si Alex sa ganitong sitwasyon. Umalis ako sa bahay nila Alex pagdating ng labi ni Tita. Ayaw ko sanang iwan si Alex sa ganoong sitwasyon pero kinakailangan. Nagluluksa ang best friend ko kaya sinabihan ko na siyang 'wag ng mag-alala sa sh

