51 PAGPASOK ko ng building, binati ako ng guard. "Good morning ma'am!" Bati nito sa akin. "Good morning din po." Magalang kong tugon dito. "Mukhang maganda ang gising ni Ma'am ah." Dagdag pa nito. Isang napakatamis na ngiti ang isinagot ko na lang dito. Sa office naman nasalubong kong papalabas si Miss Cristy. "Good morning po Miss Cristy!" Ani ko dito. "Mas maganda ka pa sa morning. Blooming ka yata ah." Tugon naman nito sa akin. Iba talaga kapag in love, gumaganda ang paligid. At ngayon lang yata ako madalas nakatanaw sa phone ko kung may messages. Sabagay ganoon din naman dati dahil malayo ako kanila Lola kaya from time to time sinisilip ko ang phone ko kung may messages at calls. Nag-message kanina si Hubert pagkadating niya sa shop nila ni Tito. Bago ito sa akin, dahil nga

