Jeree POV Hindi kaagad ako nakatulog pagkatapos nangyari sa party ni kuya Chie. Bumangon ako para magpahangin sa labas ng bahay namin dahan-dahan ako naglakad pababa ng hagdanan. Sumandal ako sa poste katabi ng malaking gate namin napatingala ako sa kalangitan. Tama naman siya kaso, dun lang ako takot. Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko napangiti na lang ako. Nang biglang umilaw ang screen at nakita kong tumatawag siya. Calling... Jeree: He— Chielle: Aalis na kami mamayang madaling araw. Jeree: Ah? Chielle: Aalis na kami mamayang madaling araw. Jeree: Ingat ka! Chielle: Salamat sa tulong mo nung hinatid-sundo mo ako, ingat ka. Jeree: May sasabihin ako sa'yo, pwede ba magkita tayo ngayon? Chielle: Oo, nandito ako sa hotel. Jeree: Sa lobby lang tayo magkita. Chielle:

