Hindi sumama si Kecha sa dalawang kaibigan niya nang matapos ang klase may pupuntahan pa siya at iniwan siya ng dalawang kaibigan niya sa sakayan.
Sa iisang bahay nakatira sina Chie at Jia kasama ang kapatid na si Jeree.
Sumabat ang kapatid ni Jia nang marinig nito ang sinabi niya kay Chie. "Ate, bakit hindi n'yo sabihin sa school kung anong meron sa inyong dalawa ni kuya?" bungad ni Jeree sa kapatid niya.
"Gusto mo ba matagpuan tayo ng kaaway nina mommy at daddy?" sambit ni Jia sa kapatid niya nang nagka-titigan silang dalawa.
"Kaligtasan natin ang iniisip ng ate mo para sa atin, bro—" putol naman ni Chie nang magsalita si Jeree sa sinabi ng magiging bayaw niya.
Sinamaan na lang ni Jeree ang kapatid niya bago siya magsalita. "Hindi ako bingi sa narinig ko, kuya huwag kang pumayag sa hiling ni ate masasaktan ka at masasaktan n'yo ang taong lolokohin ni ate, hindi ka ba mahal ni ate?"
Hindi sumagot si Jia sa kapatid niya at tinignan naman ni Chie si Jeree. "Mahal mo ba si kuya o hindi na, ate?" tanong ni Jeree sa kapatid niya.
Tinignan ni Chie ang fiancee niya at ganoon rin si Jeree sa kapatid niya. Naghihintay sila ng sagot mula kay Jia.
Humalukipkip naman ng kamay si Jia at tumaas ang dalawang kilay niya, "Mahal ko ang kuya mo, bro maybe gusto ko lang ng bagong experience hindi dahil nagsawa na ako sa presensiya niya kundi, gusto ko rin malaman sa sarili ko kung siya na ba talaga ang para sa akin."
"Transferee tayo sa school na papasukan natin mapapa-isip sila kung magkamag-anak ba tayo si ate Kecha, dahil ang tingin nila—oo." sambit ni Jeree sa kapatid niya.
Umalis sina Jia, Chie at Jeree sa China dahil sa plano nilang mag-aral sa Pilipinas. Kasama sa planong ito ang dalawa pa—sina Kecha at Jong. Sumunod si Kecha sa dalawang kaibigan makalipas ng apat na taon.
Hindi rin alam nina Jia at Chie ang dahilan ng pag-hihiwalay ng dalawang kaibigan nila ang alam lang nila may niligawan ang kaibigan nila kahit karelasyon pa nito si Kecha.
"Wala naman akong pakialam sa tingin nila sa atin, huwag lang tayo paglalaruan as in bully kundi hindi nila makikita ang araw." seryosong tumingin si Jia sa dalawang kasama niya nasa sala sila may kasama silang dalawang katulong.
Tumatawa ng pabiro si Jeree at huminga na lang siya.
"Grabe ka, ate ipapakita mo kaagad ang ugali mong demonyo? Nag-lie low nga tayo para hindi makita ng mga kaaway gagawa ka naman ng pangalan," sambit ni Jeree sa kapatid niya tumingin siya sa bayaw niyang hilaw inisip niya kung ano ang nakita nito sa kapatid niya at minahal nito.
"Of course not, bro hindi ko gagawin 'yon ng walang dahilan." sambit ni Jia sa kapatid niya.
Tumayo na sila ng maamoy ang lutong ulam nagluluto na ang katulong.
Tanong ni Jia sa kapatid ng maglakad sila papunta sa dining area, "Kamusta ang first day mo?"
"Magulo? Maingay parang parehas lang sa dating school ko, ate ang kaibahan lang language at ugali talaga mabuti na lang may yaya tayong pinoy at sa kanya tayo natutong magsalita ng language nila." may lungkot sa boses ni Jeree ng sabihin niya 'yon.
Tumingin si Jia sa kapatid niya malapit ito sa dating yaya nila na umalis pagkatapos ng kontrata nito sa kanila. Hindi nila mahanap ang yaya nila makalipas ng ilang taon, kahit sobrang yaman nila at kaya nilang gawin ang lahat mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.
"Subukan natin ulit, bro?" udyok ni Jia sa kapatid niya.
"Huwag natin pilitin, ate kung saan siya ngayon sana masaya na sila ng pamilya niya," sambit ni Jeree sa kapatid niya.
Umupo na silang tatlo sa upuan pagkatapos nila makita na may pagkain nakahain doon.
Sa likod naman kumakain ang dalawang katulong nila kasabay kung anong oras sila kumakain ng tanghalian at hapunan maliban na lang kung nasa school sila. Nagpunta ang magkapatid sa basement kung saan may mga equipments na pang-martial arts at iba pa ang nakatago doon.
"Punta na ako sa study room," tawag pansin ni Chie sa magkapatid nang puntahan niya sa basement.
Parehas na lumingon ang magkapatid kay Chie at huminto sila sa kanilang ginagawa. Kinuha niya ang tumbler at inabot niya kay Jia hinagis naman ang isang tumbler sa bayaw niyang hilaw.
Umangal si Jeree ng muntik niya hindi masalo ang tumbler, "Gago ka, kuya—mabuti nasalo ko ang tumbler ko!"
Tumawa na lang sina Jia at Chie sa expression ng mukha nito.
"Ate, turuan mo nga si kuya ng basic self defense lang para kahit wala ka sa tabi niya mapagtanggol naman niya ang sarili," sinambit ni Jeree ng matapos siya uminom ng tubig sa tumbler niya.
"Every saturday at sunday ko lang siya matuturuan ng basic naturuan ko na siya noong nandoon tayo sa bansa natin, bro—hon, pakopya ako ng notes mo." bulalas ni Jia sa katabi niya.
"No, hon gumawa ka ng sarili mo parang pag-eensayo mo lang dapat ikaw ang gumawa at hindi ibang tao." sambit ni Chie at hinalikan niya ito sa labi bago siya tumalikod para umakyat.
"'Buti nga sa'yo sine-secret ni kuya ang kirot sa puso niya," wika ni Jeree sa kapatid niya umirap lang ito pagkatapos.
Nagsariling ensayo na lang si Jeree at hindi naman nagsalita si Jia sa sinabi ng kapatid niya.
Huminga na lang siya sa sinabi ng kapatid niya sa kanya.
"Kung hindi ka pa ready magpakasal kay kuya, ate hindi ka nag-oo sa kanya—aasa si kuya at kung gagawin mo ang balak mo mawawala sa'yo si kuya." pagsasalita pa rin nito sa kanya.
"Umo-o ako dahil siya ang papakasalan ko kapag nagtapos kami ng college, bro," sambit niya.
Binago siya ng kapatid niya ng boxing gloves, "Iiwanan ka ni kuya, ate hindi naman manhid si kuya, paano kung mahalin mo ang papatulan mo, paano si kuya? Saka, two timer ang gagawin mo sa relasyon nyo ni kuya."
"Ano ba!"
"Grabe ka, ate sana nakipag-hiwalay ka na lang kay kuya kaysa sinasaktan mo siya kahit hindi pa nangyayari ang balak mo, hindi ka sobrang ganda para habulin ka niya." wika nito sa kanya at tumalikod ito sa kanya.
Tumalikod na lang siya at iniwan sa basement ang kapatid niya. Naabutan niya si Chie sa study room nakasandal ang ulo sa mesa. Hinaplos na lang niya ang kamay sa buhok nito bago siya lumabas ulit hinayaan niya ito magpahinga doon.
Sa kwarto nila, doon siya gumawa ng notes niya at nang matapos nahiga siya sa kama.
Nagising siya sa taong humahalik sa pisngi niya bumungad ang mukha ni Chie.
"Almusal na tayong tatlo," bulong nito sa kanya at ngumiti na lang siya.
Naghalikan silang dalawa at kahit alam nilang may pasok sila—may nangyari sa kanilang dalawa.
"Oohhh..." umungol na lang siya sa sarap na ginagawa sa kanyang p********e.
"Ateeee!!! Kuyaaaa!!!!!"
Narinig nila ang tawag ni Jeree sa kanila mula sa labas ng kwarto.
"Pwede n'yo 'yan gawin mamayang gabi at hindi ngayon, kung kailan papasok tayo sa school!" sigaw ni Jeree kapatid at bayaw niya.
Nagkatinginan silang dalawa at parehas na tumawa nakalimutan nila na may kasama pa sila sa bahay. Naabutan nila si Jeree nakasimangot ang mukha tinuturo ang wall clock at ang suot na relo.
"Naiintindihan ko pero huwag ganitong papasok pa tayo sa school, ate at kuya," simangot na tumingin si Jeree sa kanilang dalawa.
Nag-commute na silang tatlo hindi nila ginagamit ang kanilang reputasyon para makilala ng mga tao. Nang dumating sila sa tapat ng blossom state university, bumaba na sila sa jeep at naglakad na sila naghihintay naman sa kanila si Kecha.