Jeree POV Pababa na ako ng makarinig ako ng mga boses. Sumilip ako sa siwang kung saan makikita ang tao. Bakit nandito ang babaeng ito? "Nakakahiya naman, wag na uuwi na ako." wika nya sa ate ko. "Hindi ah!" aniya. "Sorry sa lahat!" wika niya. "Wala 'yon! Matagal na 'yon." aniya. "Hon, halika na!" aya ni kuya Chie sa kanila. "Nasa kwarto ba si Jeree?" tanong ni ate kay kuya Chie. "I'm here, ate why she's here?" tanong ko nang makababa sa hagdanan at nakita ko siya. "Inimbitahan ko siya dito sasama siya at sina Kecha pati kuya Jong mo sa atin," wika ni kuya Chie inakbayan niya ako. "Kasama rin si Vhenno?" tanong ko sa kanya. "Yes." sabat ni ate sa amin. "Okay," wika ni kuya Chie napangiti na lang sa ate ko. After 2 hours "Uuwi na ako," sabat niya nang tumayo sa dining table.

