Kabanata 5
MUNTIK ng mabitiwan ni Sabrina ang hawak na plato na naglalaman ng sinangag nang dahil sa pagmamadali na mailapag ito sa ibabaw ng mesa. Pumasok na kasi si Tyler sa loob ng dining room.
“Hubby, kaen ka—”
“I’m not hungry.” Pagputol nito sa anumang sasabihin niya bago bumaba ang tingin nito sa suot na relo. “Kailangan ko ng umalis. May meeting pa ako ng alas-otso ng umaga.”
Ngunit bago pa man siya makapagsalita ulit ay dali-dali na siya nitong tinalikuran. Laglag ang balikat na bumaba na lang ang tingin ni Sabrina sa mga pagkain na nakahain ngayon sa mesa.
It’s been a week since Tyler discovered about her taking pills. Ganoon katagal na rin siyang tinitiis ng asawa. Magmula kasi ng araw na ‘yon ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit magkatabi pa rin silang natutulog sa iisang kama ay ni hindi man lang siya nito magawang hawakan o tapunan man lang ng pansin.
And it’s making her heartache each single day.
“Wag ka ng malungkot. Kung gusto mo ay sasabayan na lang kita kumain. Paniguradong masarap ang lahat ng ‘yan.”
Nilingon niya si Manang Salome na mayroong malawak na ngiti sa mga labi. Napatango naman siya kaya nagsimula na silang kumain. Maging ang ibang mga katulong ay niyaya na rin niya. Dahil wala naman siyang photoshoot at iba pa na schedule ngayong araw ay balak niyang maghapon lang na manatili sa mansyon.
Pagkatapos nilang kumain ay naisipan naman niyang labhan ang damit nilang mag-asawa. Noong una ay ayaw pa siyang payagan ni Manang Salome. Maging ang iba pa na mga katulong ay niloloko rin siya na baka mapaalis ang mga ito dahil inako na niya ang trabaho ng mga ito.
“Nagkataon lang din po kasi na wala naman akong trabaho ngayong araw. Somehow, I just like to feel how it is to become a full-time housewife. Kahit paminsan-minsan lang po,” paliwanag niya sa mayordoma.
Ginawaran naman siya nito ng mapang-unawa na tingin. “Sige na nga. Ikaw talagang bata ka. Basta wag mong pipilitin kung hindi mo na kaya, hah.” Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito.
“Opo.” Napangiti na siya at inabala na ang sarili sa nakapila niyang labahan.
PASIPOL-SIPOL si Sabrina habang isa-isang inilalagay ang mga tupperware na naglalaman ng inihanda niyang pagkain sa dadalhin na lunch bag. Dahil hindi kumain ng agahan ang kanyang asawa ay nasisiguro niya na gutom na ito. Kaya naman ay naisipan niya na ipagluto ito ng tanghalian kahit halos wala pa siyang pahinga nang dahil sa mga ginawa niya kanina. Madalas din kasi kung magpalipas ito ng tanghalian. Ayon na rin sa secretary nito na si Rodel nang minsan na matanong niya.
Sa loob ng ilang taon nilang relasyon at isang taon na pagiging mag-asawa ay ngayon lamang niya ito gagawin. Kaya naman ay tahimik niyang ipinapanalangin na sana ay mapatawad na siya ni Tyler.
“Nasisiguro ko na hindi na ‘yan magagawa pa na tanggihan ni Sir Tyler. Bukod sa niluto mo ‘yan ng may pagmamahal ay ikaw pa ang personal na magdadala niyan sa kanya sa opisina. Ewan ko na lang kung hindi pa siya bumigay,” nakangiting komento ni Manang Salome habang sinusundan siya ng tingin.
Kinagat niya ang ibabang labi. “Sana nga po, Manang.” Nilingon niya ito at binitbit na ang lunch bag. “Aalis na po ako.”
“Sige mag-iingat ka. Talagang masosorpresa ‘yon sa pagpunta mo sa opisina at baka sabayan ka pa nga uwuwi,” buong kumpiyansa na wika ng mayordoma.
Hindi na siya umimik pa at hinayaan na lamang ito na ihatid siya hanggang sa labas ng pinto.
Sa pagsakay ni Sabrina ng sasakyan ay malalim siyang napahugot ng hininga bago tuluyang pinaandar ang kotse paalis. Marunong naman siyang magmaneho. Pero sa totoo lang ay hindi pa siya ganoon kasanay dahil mayroon naman silang family driver at madalas na hinahatid at sinusundo naman siya ng asawa magmula ng maging sila.
Muling kumirot ang kanyang puso sa isipin na iba na ang pakikitungo ng asawa sa kanya ngayon. Pero hindi siya susuko hanggang sa muli silang bumalik sa dati nilang pagsasamahan.
Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko. Kaya ilang minuto lang ang lumipas ay narating din niya ang kumpanya na pinamumunuan ng kanyang asawa. Pagpasok niya sa matayog na building ay nakangiting binati siya ng mga guwardiya at bawat empleyado na nakakasalubong niya. Kahit bibihira lang siya na pumunta roon ay kilala naman siya ng mga ito.
Dire-diretso siyang sumakay sa elevator at pinindot ang 11th button kung saan ay nandoon ang opisina ni Tyler. Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto at agad siyang dumiretso sa mesa ng secretary nito na si Rodel na nasa labas lang ng opisina ng kanyang asawa.
“Good noon, Rodel,” nakangiti niyang bati rito nang makalapit. Sa pagkakaalala niya ay apat na taon na itong naninilbihan sa asawa.
Natigilan naman ito sa ginagawang pagtitipa sa keyboard at mula sa pagkakatitig nito sa harap ng laptop ay napaangat ito ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at agad na napatayo.
“Magandang tanghali po, Ma’am Sabrina,” magalang nitong bati sa kanya. Ngunit bakas pa rin ang gulat sa mukha nito.
Napakunot noo siya. “Bakit parang nakakita ka ng multo riyan?” natatawa niyang biro rito.
Napakamot naman ito sa batok. “Pasensya na po. Bihira lang po kasi kayo mapapunta rito kaya hindi ko rin po inaasahan ang pagdating n’yo ngayon. Bukod roon ay wala rin pong nabanggit sa ‘kin si Sir Tyler na pupunta kayo ngayon.”
Napatango-tango naman siya. “Wala talaga siyang mababanggit sa ‘yo dahil wala rin siyang alam. Balak ko kasi siyang sorpresahin.” Itinaas niya ang dala na lunch bag. “Kumain na ba siya?”
Sa pagkakataong ‘yon ay napangiti na si Rodel. “Ganoon po ba? Kaya lang ay hindi pa po tapos ang meeting ni Sir, eh. Dinalhan ko naman po sila ng pagkain. Pero kanina pa po ‘yon.”
Nagkibit balikat siya. “Mukhang sakto lang pala ang punta ko. I’ll just wait for him here.”
Ngunit bago pa siya tuluyang makaupo ay bumukas na ang pinto sa opisina ni Tyler. Handa na sana siyang pakawalan ang matamis niyang ngiti pero nabitin ito nang makita niya kung sino ang kasama na lumabas ng asawa mula sa loob.
It’s none other than his ex, Tanya Arnaiz. And she’s laughing hard, so is her husband.
Just what kind of meeting do they have?
Ayaw sana niyang mag-isip ng kung anu-ano. Pero ano nga ba ang ginawa ng babae sa opisina ng asawa niya?
Natigilan lang ang dalawa nang matuon ang atensyon ng mga ito sa direksyon niya. Tanya faked a shock expression upon seeing her. She can tell.
“Oh. Your wife is here. Hindi mo naman sinabi sa ‘kin na may darating ka pala na bisita. Sana ay minadali ko na lang ang meeting natin,” malandi nitong wika sa kanyang asawa. Ngunit nananatili sa kanya ang tingin nito.
Mariin niyang ipinagdikit ang mga labi. Sa paraan ng pagkakatukoy nito sa kanya na bisita ay tila ba isa lamang siyang normal na kaibigan na dumadalaw kay Tyler.
Hindi na lang niya ito pinansin at itinuon na lang ang atensyon niya kay Tyler. She didn’t speak. But her questioning eyes says it all. She’s demanding for an explanation.
Balewalang napamulsa naman si Tyler at nilingon si Tanya. “I didn’t know that she will come, either. Anyway, I’ll just call you once everything has been settled.”
“Alright. I’ll be expecting your call, then.” Napangisi si Tanya bago siya hinagod ng tingin nito mula ulo hanggang paa.
“I’ll go ahead, Sabrina. It seems that we will be seeing each other around most of the time now.”
Napakuyom siya ng kamay nang lampasan siya nito. Hindi naman siya bayolenteng tao pero parang gusto niyang pilipitin ang leeg nito nang dahil sa inis na nararamdaman niya ngayon.
“What are you doing here?”
Napalunok siya bago itinaas ang dala na lunch bag nang sa wakas ay kausapin na siya ng asawa.
“Ipinagluto kita ng lunch. I didn’t bother to tell you because I want to surprise you. Pero ako pa ata ang nasorpresa.” Pagak siyang natawa.
“Hindi ka na sana nag-abala pa. Isa pa ay hindi pa naman ako nagugutom.” Tumalikod na ito at dire-diretsong pumasok sa opisina.
She excused herself to Rodel who seems stunned because of what he witnessed, before she went after her husband.
“Pero baka magkasakit ka naman niyan,” wika niya rito pagkasara niya ng pinto.
“Alright. Just leave it there. Kakainin ko na lang mamaya. May mga kailangan pa akong tapusin.” Pagsuko nito sa wakas.
Naglakad siya palapit dito at inilapag ang dala sa ibabaw ng mesa nito. Ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa harap nito. Naghihintay na magpaliwanag ito sa nasaksihan niya kanina. Pero naging abala na ito sa pagpirma ng papeles at hindi na muling umimik pa.
“What is that woman doing here?” Sa wakas ay nagawa rin niyang isatinig ang tanong sa kanyang isipan.
“She came here for a business proposal,” he answered without even looking at her.
“A closed door meeting, huh?” she pointed out.
“Kung wala ka ng ibang pakay pa ay puwede ka ng umalis dahil marami pa akong gagawin,” pagtataboy nito sa kanya.
Napakurap siya upang pigilan ang nagbabantang pagtulo ng kanyang mga luha.
“Fine.” Pinatatag niya ang kanyang boses bago walang lingon likod na umalis siya sa opisina nito na mayroong sugatan na puso.