Kabanata 7
NAPAILING na lang ang manager ni Sabrina nang dahil sa ipinaalam niya rito. Halos dalawang linggo rin niyang pinag-isipan ang tungkol sa bagay na 'yon at kanina nga ay nakapagdesisyon na siyang itapon ang lahat ng nakaimbak niyang pills. Wala na kasi siyang balak na inumin pa ang mga 'yon.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Sabrina, you're still young and on the peak of your career. Kapag nagbuntis ka ay puwedeng mawala ang kinang mo," bulong nito sa kanya kahit silang dalawa lang naman ang nasa loob ng dressing room.
Malalim siyang napabuntonghininga. "Sigurado na ako. Titigil na ako sa pag-inom ng pills. Kung mabuntis man ako agad ay ayos na sa 'kin. Sa oras naman na mawala ang kinang ko kapag nangyari 'yon ay alam kong magagawa ko pa rin na maibalik 'yon balang araw," paniniguro niya rito.
Natampal naman ng manager niya ang noo nito. "Sa totoo lang ay tutol ako sa ginawa mong pagpapakasal agad noon. Pero wala kang narinig mula sa 'kin. After all, your life, your choice. Kahit kasal ka na ay pilit pa rin kitang hinanapan ng mga magiging proyekto mo." Inabot nito ang dalawa niyang kamay at mahinang pinisil 'yon.
"Pero ibang usapan na kapag nagbuntis ka. Maraming oportunidad ang dumadating sa ngayon at alam kong patuloy na darating para sa 'yo. Pero mawawala ang lahat ng 'yon sa oras na magbuntis ka. Naiintindihan mo ba 'yon?"
Bumitiw siya mula sa pagkakahawak nito at masuyo itong niyakap sa tagiliran. "I know. And I'm really thankful and grateful on you for that. Dahil talagang ginagawan mo ng paraan para lang magkaroon ako ng proyekto. Dumating pa nga sa punto na mayroon ng nag-aalok sa 'kin na gumanap sa isang teleserye." Napahiwalay siya rito at mariin itong tinitigan.
"But right now, I want to fulfill my duty as a wife to my husband," paliwanag niya rito.
Nalukot naman ang mukha nito. "Sabrina, hindi lang sa pagkakaroon ng anak masusukat ang pagiging asawa mo kay Tyler. Tandaan mo 'yan." Nagkibit balikat ito. "But still, it's all up to you. No matter what your decision is, I'll respect that."
Napangiti na siya. "Thank you."
Tumayo na ang manager niya at kunwari na nagpunas ng mga mata nito kahit wala namang luha.
"Tara na nga at magsisimula na ang photoshoot. Mamaya magkaiyakan pa tayo rito, eh," malandi nitong wika bago nauna ng lumabas.
Pinasadahan muna niya ng tingin ang sarili sa harap ng salamin bago sumunod rito. Tahimik niyang hinihiling na sana ay mapatawad na siya ng asawa sa oras na banggitin niya rito ang tungkol sa naging desisyon niya.
HAPON na ng matapos ang photoshoot ni Sabrina ng araw na 'yon para sa isang kilala na catalog. Nagyaya ang manager niya na kumain sila sa labas kasama ang ibang staff pero tinanggihan niya ito. Excited na kasi siyang umuwi sa mansyon.
Akmang sasakay na siya sa kanyang kotse nang may mahagip siyang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan.
Pinaningkit niya ang kanyang mga mata upang matitigan itong mabuti. Ngunit tinambol ng kaba ang kanyang dibdib nang mapagtanto na kotse ito ni Tyler. Nakumpirma naman ang hinala niya nang bumukas ang pinto sa likod nito at lumabas mula roon ang asawa.
Natulos siya sa kinatatayuan at nabitin sa hawakan ng pinto ang kanyang kamay. Samot saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon habang seryoso itong naglalakad palapit sa kanya.
What is he doing here?
Napaayos siya ng tayo at hinamig niya ang sarili nang tuluyan na itong tumigil sa harap niya.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay nasa opisina ka pa?" Bumaba ang tingin niya sa suot na relo. Alas-tres pa lang ng hapon.
Sa totoo lang ay kaninang umaga niya sana ito gustong kausapin. Kaya lang tulog pa ang asawa noong umalis siya.
Napalunok ito. "Sinusundo ka."
Napaawang ang kanyang bibig nang dahil sa naging sagot nito. "Why? I mean, really?" hindi makapaniwalang sambit niya.
His jaw clenched. "I saw the box of pills in the trash," he pointed out.
Kinagat niya ang ibabang labi. "Yeah. I have finally decided to throw all of it. Hoping that we can start a new marriage life," paanas niyang wika.
Halos pigil niya ang hininga habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang bigla siyang higitin ni Tyler at mahigpit na niyakap.
"I would love that, too. Let's start over again." Masuyo nitong hinimas ang kanyang likod. "And I'm really sorry for everything that I have done and said." Naramdaman niya ang init ng hininga nito na tumama sa kanyang batok.
Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry for hurting your feelings as well."
Right there and then, she knew she made the right decision.
KASABAY ng pagsara ng pinto ng kanilang kuwarto ay ang paglapat ng likod ni Sabrina rito. Bago pa man siya makahuma sa bilis ng mga pangyayari ay agad siyang sinalubong ng marubdob na halik ni Tyler. Madiin niyang sinabayan ang paggalaw ng mga labi nito bago niya ipinalibot ang braso sa leeg nito upang doon kumuha ng suporta.
Agad silang dumiretso sa mansyon pagkatapos ng naging pag-uusap nila kanina. Ni hindi na nila nagawa pa na batiin si Manang Salome na mababakas ang magkahalong gulat at saya sa mukha nang salubungin sila nito.
Naramdaman niya ang pananabik ng asawa sa mainit nitong kamay na humahaplos sa kanyang binti paakyat sa nais nitong patunguhan. Sabrina can't help but moan when Tyler's finger started to rubbed her sensitive part underneath her underwear. Bumitiw naman ito sa halikan nilang dalawa at habol ang hininga na ipinagdikit nito ang noo nila.
"I f*****g miss this. I f*****g missed you." Tyler's voice is hoarse and it sends tingling sensation all over her body.
Malamlam ang kanyang mga mata na tumuon dito. "I missed you, too."
Ngunit marahas na lang siyang napasinghap nang walang anu-ano ay pinunit nito ang suot niyang panty.
"That's Victoria's Secret!" imporma niya rito.
Tyler smirked. "No worries. We can replace it for as many as you want." Bago pa siya makapagsalita ay agad na sinalakay ng tatlong daliri nito ang basang-basa na niya na p********e.
"Ahhh!" Napaliyad ang kanyang katawan at walang inhibisyon na sinalubong niya ang bawat paggalaw ng daliri nito sa kanyang loob. Pabilis ito ng pabilis hanggang sa maramdaman niya ang pagsabog ng kung ano mula sa kanyang kaibuturan.
Hinuli ng paningin nito ang kanyang mga mata bago nito itinaas ang daliri at mapang-akit na sinubo 'yon na nababalutan ng kanyang katas. Wala sa loob na binasa niya ng dila ang tila natutuyo niyang mga labi kasabay ng panginginig ng kanyang mga tuhod.
Pero napatili na lang siya nang bigla siya nitong itinalikod pagkatapos ay binuhat. Awtomatikong nailapat naman niya ang dalawang kamay sa likod ng pintuan.
The next thing she knew is that Tyler is pounding hard and fast behind her as his hands made its way on her hardened n****e and pinched both of it. She bit her lower lip to suppress her moan.
Pero nang dahil sa lakas ng pagkalabog ng pinto ay nasisiguro niya na naririnig sila mula sa labas. But she doesn't care anymore. Maging siya ay sabik na sabik na rin sa kanyang asawa. And she likes it when he's being hard on her.
"Ahhh! Malapit na ako!" aniya sa paos na boses.
Mas naging agresibo naman ang bawat galaw ni Tyler at hindi niya napigilan ang bahagyang pag-awang ng kanyang bibig habang ninanamnam ang sarap na ipinapalasap nito sa kanya. Pagkalipas ng ilang linggo ay muli niyang natamasa na marating ang sukdulan.
Halos tumirik ang kanyang mga mata nang sabay nilang maabot ang r******************n. Hindi pa man siya nakakabawi ay muli siya nitong ipinaharap dito bago pinangko. Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ng asawa nang pumasok sila sa loob ng banyo.
Tyler took her in every position he knows at every corner of their room. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay roon lang niya napansin na madilim na pala ang paligid. Agad na hinagilap ng kanyang mga mata ang bilugan na orasan na nakasabit sa dingding at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagtanto na halos alas-dose na pala ng hatinggabi.
"Himala. Hindi ata tayo tinawag ni Manang para kumain ng hapunan?" takang tanong niya.
Kasalukuyan na silang nakahiga ni Tyler. Nababalutan ng kumot ang hubad na nilang mga katawan. Nakapatong ang ulo niya sa ibabaw ng dibdib nito habang pinaglalandas ang daliri niya sa tiyan nito.
"Maybe she's just giving us the time we need. Isa pa ay alam naman niyang magkakainan tayong dalawa." Tyler laughed.
Mahina niya itong tinampal sa braso. "Ikaw talaga. Puro ka kalokohan." Tiningala niya ito. "But I really missed you. I missed this." Napahugot siya ng malalim na hininga. "Kahit kasi magkasama tayo sa iisang bubong at natutulog sa iisang kama ay pakiramdam ko ang layo mo pa rin sa 'kin nitong mga nakaraang linggo."
Masuyo nitong hinaplos ang kanyang buhok. "Wag mo ng isipin pa ang tungkol sa bagay na 'yon. Ang importante ay ang ngayon."
Napatango naman siya bago napapikit. Naramdaman niya pa ang pagdampi ng mga labi ni Tyler sa tuktok ng kanyang ulo bago siya tuluyang nilamon ng antok.