Chapter 9 [Serenity’s POV] “Austin?” Napatingin kami ni Austin ng sabay. Si Avery pala. Anong ginagawa nito dito ng ganitong oras? Sabagay, alas syete pa lang naman ng gabi kaya no worries. “Avery? Nice seeing you here!” “Anong ginagawa mo dito? May kasama ka?” “Ah,oo. Si Sere—wala pala.” “Loko yung isa mong kaibigan. Pinagtripan pala kanina si Revina. Pagsabihan mo yun dahil sa’kin sya lalo malalagot pag inulit nya.” “Tss, Bakit hindi mo sa kanila yan sabihin?” Mukha namang nagulat si Avery dahil for the first time, sinungitan sya ni Mr.AA. Hoho! Buti nga sa’yo! Pero teka... dapat pala kay Avery ko kumampi. Lagot kasi ako nito pag bumigay si Avery kay Mr.AA. Edi wala na kong tutuluyan? Hay. Sungit pa man din ni Mr.AA. Talagang ayaw akong patira

