Chapter 43 [Serenity’s POV] Napagplanuhan naming manatili dito ng tatlong araw pa. Pinipilit ko nga si Mr.AA na bumalik na muna ng Maynila dahil may pasok sila pero napakapasaway, hindi daw sya babalik dun hangga’t hindi ako kasama. Yung barkada naman nya, ayun, mananatili din dito, gusto daw nila ng konting bakasyon. At dahil good influence ako, pinabayaan ko na. Minsan nga lang naman silang makapagpahinga at makapagenjoy dahil sobrang busy ng mga 4th year sa term paper. Lumapit sa’kin si Casper at sinundot ako sa tagiliran. “Serenity, i-tour mo naman ako dito sa inyo.” Wow naman. Ano to? Feildtrip? Pero sige na nga. Boring pag dito lang sa bahay. “Sige ba. Pero hindi ko na din masyadong tanda ang pasikot sikot dito ah? Medyo gubat kasi. Hahaha!” “Ayos lang. Na

