I KNEW Verron was bluffing. Mukhang hindi naman ito iyong tipo ng tao na gagawa ng ganoong pangako ng ganoon ka-simple. But I still went with him, anyway. Nagpunta kami sa pinaka-malapit na palengke. Iyon iyong pinuntahan namin ni Caliban noon. Bumili kami ng ingridients. Nakasunod lamang ito sa akin at nagbibigay ng pera. Hindi manlang nagtatanong sa akin. Mabagal lamang ang pagpapatakbo noon. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa may kasama siya o sadyang ganoon lamang siya magpatakbo. At first I was scared because he look like a professional motor racer in his outfit. Mukhang kaskasero. But he was actually driving moderate. Hindi mabagal, pero hindi rin mabilis. Dahil iyong ingridients lang naman ang bibilin ay mabilis lang kaming nakabalik. Tuyo na ang pawis ko noon. Nakakaramdam na

