SINUBUKAN kong alisin sa isip ang napag-usapan namin ni Verron kanina. Although is it clear to me now that he knows I have something for his cousin. Alam niya at ayaw niya roon. Hindi ko lamang makuha kung sa anong dahilan. Hindi ko rin ikinatuwa. Ang tanginang bagay lang na pinanghawakan ko ay alam kong hindi niya iyon masasabi kay Caliban. At least, not just yet. Hindi na ako ganoong nagsalita noon. Hepe and Verron’s the only one talking. Gustuhin ko mang kausapin si Caliban para hindi ito mabored ay hindi ko rin alam ang sasabihin. Nawalan na ako ng ganang magsalita noon kaya naman nang may ilang trabahador ang dumating ay kinuha ko ang pagkakataong iyon para ayain si Caliban. Hepe decided to stay, kasama iyong golf cart. Siya na raw ang magsasabay kay Verron pabalik, pumayag ako roon

