“IHAHATID ko ba kayo bukas, Andra?” Kaswal na tanong ni Caliban. Andra looked back to him and nodded. Nginuya muna ang nasa bibig bago tuluyang sumagot. “Oo. Kayo ni Liberty. May dala kaming kotse pero sumunod pa rin kayo kahit hanggang sa highway.” “You know how to drive?” “Oo. Ako ang nagmaneho papunta rito.” “Do you have your driver’s license?” Andra nodded again. “Yup!” Kumakain kami ngayon sa labas. Doon sa may tabing na lona. Nagluto si Anton ng adobong atay, piritong isda, at buro. The latter was something I only knew that exists, today. Tinikman ko kanina at masarap naman iyon. Even my friends thinks the same. Malamig na tubig lamang ang inumin namin. Sa dessert. Kinakain namin iyong manga na kinuha kanina. Nag-uwi rin kasi si Caliban dito. Inilagay niya iyon sa cooler kaya’

