KINABUKASAN ay maaga akong gumising para sa paghahanda. Ganoon din si Manang na naghahanda na agad ng agahan pagkababa ko ng kusina. Masaya ako dahil sa mga nangyari kahapon. Alam iyon ni Manang dahil siya ang pinagsabihan ko pag-kauwi. Caliban took me home and said he’s going to come today. Si Vanessa rin yata ay pupunta para makisalo sa amin. Si Verron, hindi ko alam. Pagkatapos kasi ng parada ay bigla na lang nawala. Si Sunshine ay siguradong hindi dahil may handa rin ang pamilya pero dadalaw naman kami ni Vanessa mamaya roon. Pagkatapos kumain ay tumulong agad ako kay Manang sa kusina. Caliban told me that the men will be the one to find the leaves we’ll use to eat. Iyong dahon ng saging daw. Marami naman sa farm kaya sinabi kong doon na lang kumuha. Mas mapapabilis kasi ang ganoon

