MABILIS akong naglakad pababa ng hagdan habang nakahawak sa banister. Basa pa ang buhok ko’t wala pang ayos pero kumakaripas na agad ako ng lakad palabas para masalubong ang mga magiging bisita. It was almost three. Kaya’t tiyak na marami ng tao ang naroroon. Kaninang umaga ay nagpahanap ako ng mga upuan at lamesa na pwedeng rentahan. Kung gaganapin ang pagsasalo sa harap ay wala silang magiging komporableng pwesto kaya naman nagpahanda ako ng pwede nilang gamitin. Mabuti na lang, mayroon sa malapit. We have table and chair cloth in the maid’s room so we used it. Ngayon ay excited akong makita ang mga taong nakaupo roon. I bet Caliban’s already there as well. “Liberty!” Rinig kong malakas na tawag ni Manang Selly sa pangalan ko. “Nasa labas na sila, hinahanap ka!” Lumingon ako sa gawi

