Hinatid ako ng boss ko sa harap ng bahay ni Tita Angie kagabi. Nagsinungaling akong doon ako matutulog muna kina Tita dahil namimiss ko siya. Alibi ko lang. Buti na nga lang at tulog na si Tito Jude noong mga oras na iyon kaya nailagay ko sa bintana ang perang ibibigay ko sana ng personal kay Tita bilang pagkupkop nila sa akin noong mga nagdaang araw at sa mga naitulong niya sa akin sa mga nakalipas na panahon. Ayaw kong gisingin sila Tita kaya doon ko na lamang iniwan ang pera na nakasobre pa. Tinext ko na lang sa kaniya ang ginawa ko. Heto nga pala ako ngayon sa nirerentahang kwarto na malapit pa rin sa subdivision namin. Pansamantala lang sa araw na ito. Wala na akong choice kagabi at kinuha na ito dahil ayaw ko rin namang magpalipas ng gabi sa kalye. Napahilamos ako gamit ang m

