NANG makapasok siya sa guest room ay kaagad siyang naligo. Hindi niya alam bakit bumalik kaagad ang binata dito at may mga kasama pang bwisita. Samantalang ang sabi nito kanina ay baka gabihin o hindi na makauwi ngayon. Pero ilang oras lamang ang lumipas ay nandito na rin kaagad ito.
Hindi pa niya nai-enjoy ang katahimikan niya sa bahay ngunit heto at may mga asungot pa na kasama. Tumayo siya sa harap ng closet at pumili ng isusuot.
Sabi ng binata kanina huwag raw siyang magsusuot ng sexy na damit. She was curious why. Wala naman itong pakialam dati kung sexy ang outfit nya o hindi.
Pero bakit niya ba ito susundin? Ang init ng panahon ngayon. And she is comfy by wearing crop top and shorts.
Kinuha niya ang isang white crop top na blouse at shorts. Iyon ang isinuot niya.
She checked herself infront of the mirror after. Hinayaan niya na lang na nakalugay ang lagpas balikat niyang buhok. At saka naglagay ng manipis na make up. Para hindi naman siya mag mukhang slave talaga ng hambog na binata.
And speaking of the hambog. There he goes knocking on her door.
" Zerynne..." tawag nito after few minutes.
Lumapit siya sa pintuan at pinagbuksan ito.
" What took you so long?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
" I'm done, Master." sabi niya at akmang lalabas pero pinigilan siya nito sa isang braso.
Kaagad niyang tinanggal ang isang kamay nito sa braso niya. Weird pero bahagya siyang nakuryente sa paghawak na ginawa nito.
" What?" asik niya rito.
" What are you wearing? I said do not wear any sexy clothes!"
Tinaasan niya ito ng isang kilay saka tumingin sa suot niya.
" There's nothing wrong with my outfit. I am not wearing two piece!"
Umiling ito.
" Get inside and change again. Don't wear shorts. Wear long sleeves and pants."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
" Are you freaking kidding me? You want me to wear long sleeves and pants on this hot weather?! May I remind you that its not winter anymore? Its summer already and its annoying hot today!" galit niyang sabi.
" Are you gonna change or you will leave my house now?”
Sandali silang nagsukatan ng tingin. He looks serious. She sighed and just followed what he wants. Ano ba'ng laban niya sa trip nito? She can't afford to leave his house. Not now atleast. Because she doesn't have enough money to survive alone.
Muli siyang pumasok at isinara ang pinto. Tiningnan niya ang closet niya. At pagkatapos ay naglabas ng mga damit na naaayon sa gusto ng binata.
Isang black na long sleeves ang isinuot niya at jeans. Itinupi niya na lamang iyon sa may dulo.
" Remove your make up also." narinig niyang sabi pa ng binata. Buong akala niya ay umalis na ito. Nasa may labas pa rin pala at mukhang hinihintay siya.
Naiinis na tinaggal niya ang make up na nilagay at pagkatapos ay lumabas na. Tiningnan siya ng binata from head to toe as she opened the door again.
" Okay great. Now follow me." sabi nito saka dumiretso sa back yard.
Nakita niya ang mga bwisita nito. Iyong dalawang lalake kanina pati na rin ang dalawang brunette na babae na nakaupo sa lounging chair.
" Guys, this is my maid Kuracha. They are my visitors Jordan, Zachie, Kaitlene and Mitchel." introduced nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama.
" Where the hell did you get the kuracha? Its not my name!" mahinang bulong niya rito. But he just smiled at her.
" Kuracha? As in ang babaeng walang pahinga?" sabi ni Jordan.
" Sorry to say but your name doesn't suit you." dugtong pa nito.
Tipid lang siyang ngumiti. Bawal ma-beast mode. Baka mapalayas siya ng wala sa oras.
Nang tumingin siya sa isang lalake na ipinakilalang Zackie ay ngumiti iyon sa kanya. Gwapo ito pero hindi siya gumanti ng ngiti.
" So guys, if you need anything just tell her. Any drinks you want?"
" Do you have any beer or wine here, honey?" tanong ni Kaitlene.
" Yes I do. But its too early to drink."
" There's no early time for her when it comes to drinking, Cj." sabi naman ni Mitchel.
" The early we start the better. And besides we have pool here. Its nice to drink while swimming." si Jordan.
" We gonna go swimming? We didn't bring any clothes." si Zackie.
" Swim with your undies sweetheart. We all didn't bring a swimsuit."
" Okay. I like that idea."
Napatingin siya sa lalake. Sinabi lang na maliligo na naka-undies pumayag na kaagad ito. Tsk!
" Get us a drink. I have some beer in the fridge. Bring it all here." utos nito sa kanya.
Kaagad siyang tumalima at muling pumasok sa loob. Tiningnan niya ang fridge at kinuha ang lahat ng alak na nakita niya. Inilagay niya iyon sa tray saka lumabas.
Nang lumabas siya ay nakita niyang nakatingin ang dalawang binata sa dalawang dalaga na naghuhubad ng mga damit para makapag-prepare sa pag swimming.
Halos lumuwa ang mga mata ng dalawa nang makitang naka-thong lamang ang mga babae.
Napailing siya saka ibinaba sa mesa ang mga dala.
" Thank you, Kuracha." sabi ni Zackie.
He smiled at her again. Bukod tanging ito lamang ang hindi tumingin sa dalawang babae na naghuhubad kanina at ngayon ay nasa pool na.
" You’re welcome." this time she smiled back at him. Mukha naman kasi itong mabait at gentleman.
" What are you waiting guys? Take out your clothes and jump here!" sigaw ng isang babae.
Lumapit muna si Cj sa kanya at muling nag-utos.
" Get us some junk foods also." sabi nito.
Tumalikod na siya at kumuha ng ilang junk foods na nakita niya sa cabinet. Nang magbalik siya sa likod ay halos magdikit ang mga kilay niya sa mga underwear na suot ng mga lalake. Akala niya daring na ang undies na suot ng dalawang babae maging ang mga ito pala ay hindi rin papatalo.
Nakatayo na sa may gilid ng pool side ang tatlong binata. Nasa unahan si Cj na sobrang naiskandalo siya sa suot na green undies. Maayos iyon sa harapan pero sa likod ay may malaking butas. Nag-briefs pa ito kung ganoon lang rin naman sa likuran.
Nasa gitna si Jordan na naka-sky blue na boxer. Nakakaloka rin ang undies nito dahil butas-butas iyon na tila net. At ang nasa huli ay si Zackie. Transparent naman ang briefs nito. Hiniling niya na sana ay huwag humarap ang mga ito sa kanya.
Pagkalapag niya ng junk foods ay mabilis na siyang pumasok muli sa loob. Pumasok siya muli sa silid niya at naupo sa kama.
Mula sa silid niya ay naririnig niya ang malalakas na tawanan ng mga ito sa pool. Napatingin siya sa bintana at pasimpleng sinilip ang mga ito.
Nakita niya si Cj at Jordan na yakap ang mga babae at nakikipaghalikan. Habang si Zackie naman ay nasa harap ng mga ito bumibilang. Mukhang naglalaro ng kissing game.
Napailing siya saka isinara ang bintana. Ang sarap na ng buhay niya kanina dito. Tahimik at walang istorbo. Tapos biglang dumating ang mga ito.
Sinubukan niyang umidlip pero biglang tumunog ang tiyan niya. Napatingin siya sa wall clock. Two thirty na ng hapon. Saka niya lang naalala na hindi pa nga pala siya nagtatanghalian.
Tumayo siya at muling pumunta sa kusina. Naghanap siya ng makakain. At dahil walang luto ang binata sa frozen foods na naman ang bagsak niya.
Kinuha niya ang pizza flat bread at mozarella sticks sa freezer. Nilagay niya iyon sa toaster. At habang naghihintay ay kumuha siya ng ice cream. Naglagay siya sa bowl saka kumain sa mesa.
Nang makaupo siya ay nakita niyang pumasok si Zackie sa loob. Naka-bath robe ito.
" Hi..." bati nito sa kanya.
Nginitian niya rin ito.
" I want cold water please." sabi nito.
Tumayo siya para ikuha ito. Pero inawat siya kaagad.
" I'll get it. Just continue from eating." at tumungo na ito sa harap ng fridge saka kumuha ng bottled water.
Binuksan nito iyon saka uminom. Nang makainom ito ay lumapit sa may mesa. Tumayo ito sa may harapan niya.
" Is that your lunch?"
" No. I'll eat pizza and mozarella sticks for lunch."
Napatango ito.
" Late lunch. By the way, My name is Zackie. I know Cj introduced us before but just incase you don't remember." at inabot nito ang kamay sa kanya.
Nakipag-shake hands siya rito dahil mukha naman itong mabait.
" Is that really your name? Kuracha?"
Umiling siya.
" No. My name is Zerynne."
Tumawa ito saka marahang binitiwan ang kamay niya. Hindi niya maiwasang pansinin ang kagwapuhang taglay nito. Lalo na kapag nakangiti.
" Why Cj introduced you as Kuracha before?"
" I don't know. Your friend is crazy."
Nagkibit-balikat ito.
" Where do you from, anyway?"
Sandali siyang hindi umimik. Ang sabi ng binata sa kanya kanina ay huwag siyang magbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili niya kapag tinanong siya ng mga kaibigan nito.
Pero bakit ba siya pinagbabawalan nito?
" Sorry. I am not allowed to give some information about myself."
Bumakas ang pagtataka sa mukha nito.
" May I know why?"
Nginitian niya lang ang tanong nito at hindi siya sumagot.
" Alright. I will respect that. But atleast answer my last question about you. What's your nationality? I'm just curious. Because we are all half Filpino here except with those two ladies."
" Fil-Am. My Dad is American but he passed away when I was two years old. My Mom is Filipina."
" So, I guess you are from Philippines. You are not residing here. Because if you do, you not gonna work as a maid for my friend."
Natahimik siya. Bigla niyang na-realized na parang sinagot niya na rin ang unang tanong nito kanina.
" Don't worry. I'm not gonna tell Cj that you gave some info about yourself. I know it was him who told you not to answer questions from us." sabi pa nito.
Sandali silang nagkatitigan nito at maya-maya ay nagkangitian sa isa't-isa.
" Nice meeting you again, Zerynne. You are the most beautiful maid that I have ever seen."
" Thank you and nice meeting you too."
" Okay. I gotta go outside. See you around." nang lumabas ito ay siyang pasok naman ni Cj sa loob.
Nakita pa siya nitong nakangiti at napansin niyang nag-iba kaagad ang aura ng mukha nito.
" So, you were flirting with my friend already, huh!” akusa kaagad nito nang makalapit sa kanya.
" Excuse me. I was not flirting with him. He just went here to get some cold water."
" Oh really? That's why he's been here for almost fifteen minutes already. And when he came out, he got this smile on his face.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit ba ang laki ng problema nito kung makipag-usap siya sa mga kaibigan nito?
" I'm telling you, Zerynne. Stop flirting around my friends."
" I am not flirting with anyone! He came in here and asked me for a cold water. He did asked some questions but I didn't answer all. We were just talking. And talking is totally different from flirting, FYI. Flirting is what you were doing with that lady outside." inis na sabi niya rito.
" It's not your business if I am flirting with that lady outside. What I am saying here is that you don't flirt with my friends."
" And why suddenly you have that rules? If its not my business about you who you flirt with. Then its also not your business who I talk with. And besides it was your friend who approached me first. So, you should tell that to him and not to me." saka siya tumayo at tumungo sa toaster dahil tumunog iyon hudyat na luto na ang pagkain niya.
" Gandang-ganda ka naman sa sarili mo na nilapitan ka niya?"
She raised her one eyebrow and looked at him.
" Well, he just said that I am the most beautiful maid he has ever seen. Which is true I think." pang-iinis niya rito.
" Pity you, binobola ka lang naniwala ka na."
" Well, he seemed sincere when he said that to me. So, I took it as a compliment. At saka alam ko naman na MAGANDA talaga ako. Ikaw lang naman itong kontra sa kagandahan ko." at saka niya ito nagpapa-cute na tiningnan.
Napansin niyang sandali itong natigilan sa ginawa niya. At pagkuway napatitig ng husto sa mukha niya. Gusto niyang matawa.
" So, aminado ka na ba na maganda talaga ako?" pang-aasar niya pa.
" Yes. Maganda ka nung hindi pa uso ang tao."
Inirapan niya ito saka bumalik na sa mesa. Maya-maya ay pumasok ang babae na kahalikan nito sa pool kanina.
" Honey, I was looking for you. Why you're here?" tanong nito sabay lapit sa binata.
Kaagad nitong ipinulupot ang mga braso sa leeg ng lalake saka hinalikan sa mga labi. Nakita niyang dumako kaagad ang kamay ng lalake sa matambok na puwitan ng babae.
Hindi man lang siya inisip ng mga ito at sa harapan niya pa naglampungan. Nang tumingin siya sa lalake ay nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya habang nakikipaghalikan saka siya kinindatan.
Naiiritang tumayo siya bitbit ang pagkain niya at pumasok na sa guest room.
' Ang babastos! Nakakainis!' galit na sabi niya sa isip.
Muli siyang kumain at hindi na muna siya lumabas ng silid niya. Hanggang sa hindi niya namalayan at nakaidlip na siya.
DAHAN-DAHAN siyang nagmulat ng mga mata nang maramdaman niya na tila may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali dahil nakatayo ang binata sa may paanan ng kama niya.
Mabilis siyang bumangon at sinita ito.
" Why you entered in my room? Don't you know how to knock?"
" I knocked the door many times but you didn't response. That's why I decided to open it and here you are taking a nap."
" What do you want?"
" We're leaving now. Clean the mess outside. I'm not sure what time I'll be back. You have to lock all the doors and windows after we leave." sabi nito saka lumabas ng silid.
Sumunod siya rito at nakita niya ang kalat sa living room kung saan naghihintay ang mga kasama nito.
" Let's go guys." aya na nito sa mga kasama.
Nagsitayuan na ang mga ito. At nang makalabas ay kumaway sa kanya ang dalawang lalake.
" 'Bye, Zerynne. Have a good night." sabi ni Zackie.
Nginitian niya ito. Nakita niyang tiningnan siya ng masama ni Cj nang ngumiti siya sa kaibigan nito.
" Zerynne? I thought her name is Kuracha." takang sabi naman ni Jordan.
" Let's go guys. And you, get inside and close the door." sigaw ni Cj sa kanya. Isinara na niya ang pintuan at ini-locked. Ganun rin ang mga bintana.
Nang bumaling siya sa living room ay parang gusto niyang magwala sa nakitang kalat. May natapon na beer sa sahig, nagkalat ang mga basyo ng bote at ilang popcorn at junk foods sa sofa at sahig.
Naiinis na dumiretso na siya sa storage at kinuha ang mga cleaning materials saka nagsimula nang maglinis. Nang matapos siya sa living room ay dumiretso siya sa back yard.
Kinolekta niya lang ang mga bote saka itinabi. Bukas na siya ng umaga maglilinis dito dahil medyo madilim na.
Nang muli siyang pumasok sa loob ay tiningnan niya ang fridge. Kay bilis ng oras at dinner time na naman. Ano'ng kakainin niya?
Kinuha niya ang chicken nuggets. Iyon lang ang nakita niyang madaling lutuin. Ito na lang uulamin niya kesa kumain na naman siya ng pizza.
Pagkatapos niyang kumain ay nanuod muna siya ng TV sa living room. Ngunit nang sumapit ang alas nuebe ay pumasok na rin siya sa silid niya at natulog. Hindi na niya hihintayin ang binata. Baka hindi na iyon uuwe at sa hotel na matutulog kasama ang maharot na babaeng bisita nito.
GAYA ng araw-araw niyang nakagawian gumising siya ng maaga kinabukasan at inayos muna ang sarili bago lumabas ng silid. Tiningnan niya ang drive way. May dalawang kotse doon na naka-garahe.
Napatingin siya sa may hagdanan. Napakunot ang noo niya nang makita ang ilang saplot sa bawat baitang. Lumapit siya doon.
Nakita niya ang bestida na suot ng babae kahapon. Maging ang bra at thong nito ay naroroon rin at maging ang mga damit ng binata mula sa shirt nito pantalon, sinturon at briefs.
Napailing siya. Hindi ba nakapaghintay ang mga ito at hindi na lamang sa kwarto naghubad ng mga kasuotan. Naiirita siya sa nakitang kalat na mga damit. Ang sarap lagyan ng dinikdik na sili at paminta ang mga underwears ng mga ito.
Bumalik na siya sa kusina at nagluto ng breakfast niya. Nag-prito siya ng itlog at bacon. Saka naglagay ng tinapay sa toaster. Gumawa rin siya ng kape.
Ilang sandali pa ay kumakain na siyang mag-isa. Pinagtyagaan niyang kainin ang luto niya. Prito na nga lang nasunog niya pa. Saklap!
Nami-miss niya na ang masarap na luto ng binata. Napailing siya bigla. Kailangan niya ng matutong magluto talaga.
Katatapos niya lang kumain ng makarinig siya ng mga yabag mula sa hagdanan. Napalingon siya. At parang gusto niyang magsisi kung bakit lumingon pa siya.
Nakita niya ang binata na kakadampot lamang ng briefs nito sa hagdanan. Hindi pa nito iyon naisusuot at nakatabing lamang sa harapan nito.
Ngumiti ito sa kanya pero bigla niyang binawi ang mga mata niya. Knowing him baka bigla nitong ihulog ang briefs na hawak at sumalubong pa sa mga mata niya ang buhay na hot dog nito.
" Good morning, princess! Fresh hot dog for breakfast. Do you want some?" pang-iinis nito.
She didn't look at him. Dumiretso na siya sa back door. Maglilinis muna siya sa pool side. Ayaw niyang masira ang umaga niya pag nakitang bumaba ang babaeng ikinama nito kagabi.
Bigla siyang nandiri nang maisip na siya na naman ang maglilinis ng silid nito. Sana naman this time wala siyang dadamputin na condom sa sahig.
Nagsimula na siyang magwalis. Pati tubig sa swimming pool ay pinalitan niya na rin. Baka mamaya may kung ano pang bacteria ang dala ng dalawang higad na babaeng kasama ng mga ito kahapon. At baka pati siya ay mahawaan pag gumamit siya ng pool.
Matapos niyang magwalis ay narinig niyang may tumawag sa kanya mula sa itaas. Nang tumingala siya ay nakita niya ang binata na nakadungaw sa bintana ng bedroom nito.
" Come up here. Clean my room." sigaw nito.
" I'm filling up the pool. I'll clean later."
" That will take an hour or so. That's why while waiting come up here and clean my room first. Faster!" at nawala na ito sa bintana.
' Kainis talaga ang m******s na unggoy na iyon!' reklamo niya sa isip. But as usual wala rin naman siyang nagawa but to follow what he wants.
She went to storage room to get the cleaning materials and went straight to his room. His bedroom door was open that's why she went in.
Bumungad kaagad sa kanya ang magulong higaan nito. At gaya ng dati nagkalat na naman sa sahig ang mga damit at ilang unan nito.
" Change my bedsheet, blanket and all the pillow cases." sabi nito nang makita siya.
Hindi siya sumagot pero sinimulan niya ng tanggalin ang bedsheet nito at ilang pillow cases. Tatanungin niya sana ito kung saan nakalagay ang mga pamalit na cover pero saktong paglingon niya ay inihagis nito ang bedsheet sa kanya.
Nasalo niya iyon. Pero nang muling ihagis nito ang pillow cases ay tumama iyon sa mukha niya.
" Why can't you give it nicely to me?" galit na sigaw niya rito. Saka ibinagsak sa sahig ang bedsheet na nasalo niya kanina.
Hindi ito sumagot at sa halip ay ibinato na naman ang comforter sa kanya. At dahil medyo makapal iyon ay na-out balance siya at natumba sa sa kama.
" You're not a good catcher. Tsk!" narinig niyang sabi ng lalake na ngayon ay nasa harapan na niya.
Mabilis niyang ibinagsak ang comforter at saka galit na tumayo. Sumusobra na ito sa kabastusan.
" Bastos ka rin talaga ano?!" bulyaw niya rito saka ito pinaghahampas. She was reaching his face para bigyan sana ito ng sampal peo maagap ang mga kamay nito at panay ang salag.
" Hey, relax. I'm just playing around." tumatawang sabi pa nito.
" Play mo ang mukha mo! It was not funny at all!" at pinagsisipa niya naman ito. Nanggigigil siya sa ginawa nitong paghagis ng mga cover sa kanya. Ngunit tila balewala rito ang galit niya.
Maya-maya ay nasukol siya nito. Nahuli nito ang dalawang mga kamay niya at pilit siyang inihiga sa kama. Hinawakan nito iyon pataas. At dahil panay pa rin ang galaw at pagsipa niya ay kinubabawan na siya nito.
" Get off me!" sigaw niya rito. Hindi siya komportable na nasa ibabaw niya ito. Lalo pa at naka-cotton shorts lamang sila pareho at topless pa ito.
" I will. But stop punching and kicking me." sabi nito.
Huminto siya saka huminga ng malalim. Nang muli siyang tumingin sa mukha nito ay seryoso na itong nakatitig sa kanya. Bumilis ang pintig ng puso niya.
Dahil ba iyon sa pagod niya sa pakikipaglaban dito. O dahil sa closeness ng mga katawan nila?
Sandali siyang napatitig sa mukha nito. This is the first time na natitigan niya ng malapitan ang mukha nito. Mas gwapo pala ito sa malapitan.
Ang makakapal nitong mga kilay, mga matang tilang nang-aakit, matangos na ilong at ang mga mapula nitong labi. Parang napaka-perfect ng itsura nito. No wonder na maraming babae talaga ang nahuhumaling dito. Idagdag pa na parati itong mabango.
Napalunok siya nang makitang dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha sa kanya.
" W-what are you doing? L-let me go."
Huminto ito saka tumitig sa mga mata niya.
" What if I don't?" pabulong na sabi nito. Para siyang inaakit nito sa way nang pagtitig sa mukha niya. And honestly, tila may something dito na parang nadadarang siyang ilapit ang mukha niya.
' You gotta do something, Zey. Don't let him kiss you and insult you for giving in later." sigaw ng isang panig ng isip niya.
" I'm going to kiss you now, princess..." tila nakikiramdam sa kanya na sabi nito.
Nang muli nitong inilapit ang mukha sa kanya ay umiwas siya. Kung kaya't sa pisngi niya tumama ang mga labi nito.
" Oh come on. Don't play hard to get.”
" Let me go now, Cj. I'm telling you." banta na niya rito.
" I know you want my kiss also. Just give in. Set aside your pride for now."
She took a deep breath again. Sinasagad talaga nito ang pasensya niya.
" You don't wanna listen to me? Fine!" sabi niya saka buong pwersa na iniangat ang mga binti niya at tinuhod ang alaga nito. Iniangat kasi nito ang katawan kaya naging madali para sa kanya na matuhod ito.
Hindi niya alam kung saan tumama ang mga tuhod niya. Kung nasapol niya ba ang target niya o hindi. Pero bigla na lamang ito bumagsak sa kama at namilipit na dumadaing.
Mabilis siyang bumangon at nakapamewang na tiningnan ito.
" s**t! W-why did you do that?!" namumula ang mukha na sigaw nito.
" I warned you but you didn't listen to me. Now deal with your actions. Next time don't be over conceited. Hindi lahat ng babae magkakagusto sa'yo!"
Hindi ito sumagot at namimilipit pa rin sa sakit.
" Sa susunod hindi lang yan ang aabutin mo! I told you already maintain your distance from me. See now, the p*****t gets what he deserves!" at lumabas na siya ng silid nito.
Mamaya na siya maglilinis. Magpapalamig muna siya ng ulo niya sa ibaba. Akala yata ng mokong na iyon papahalik na lang siya ng basta-basta.
Masyado itong mayabang na akala yata ay lahat ng babae maiisahan nito. Aaminin niyang muntikan na siyang madala ng kagwapuhan nito. But she was really thankful that she was suddenly back to her senses.
Napabuntong-hininga siya saka kumuha ng cold water sa fridge. Pagkatapos ay tumungo sa back yard para icheck ang tubig sa pool. Doon na muna siya magpapalamig ng ulo para makalanghap na rin ng sariwang hangin.