MAGANDA ang naging gising ni Makisig. Pasipol sipol pa siyang bumaba ng hagdan matapos maligo para mag-almusal. He already texted the woman of his life. Naiiling pa nga siya sa sarili niya tuwing naiiisip ang mga naging reminder niya dito. Ganito pala talaga kapag umiibig. Napapansin niyang parang nagiging madaldal siya. But it's okay with him. Gusto niyang maging bukas sa dalaga. Gusto niya pa itong makilala kaya nararapat lamang iyon. Ang saya niya kagabi at nagkaayos na sila. Hindi niya na muna iisipin ang totoong rason kung bakit iniwasan siya nito. O baka nga ay totoong tinopak lang ito nung isang linggo. Pero ang importante naman ngayon ay naging maganda ang pag-uusap nila. Maayos na sila at liligawan niya ito. Huh there's now way na pakakawalan niya pa si Themie. She already stole

