HINDI makapaniwala si Themie sa kanyang narinig mula kay Makisig. Ano ba ang nasa isip nito at para itong nahihipnotismo habang nakatitig sa kanya? Mapungay ang bughaw na mga mata nito habang nakatingin sa leeg at balikat niya. Maypa kagat labi pa kaya mas lalo siyang kinabahan. "H-hubby, b-bakit?" aniya, napapalunok na. Totoong no kiss no touch si Themie. Pero alam niya kung bakit nagkakaganyan si Makisig ngayon. Hindi siya ganoon ka inosente pagdating sa bagay na iyon. Mula sa pagkakaupo niya sa magkabilang hita ni Makisig ay akma siyang tatayo nang maramdaman niya ang paghigpit ng pagkakayakap nito sa kanya. "M-Makisig," muling aniya, malakas na ang kalabog ng dibdib ni Themie lalo na at mas pumungay pa ang mga mata ng binata. Muli rin siyang napalunok nang maramdaman ang kanang k

