MAKISIG was so excited to give the flowers to Themie. Pero bukod sa nasasabik siya ay gusto niya ring malamang kung sino mang nanliligaw pa sa dalaga. Paniguradong mapapa away siya oras na malaman niya kung sino ito. Oo nga at wala pa siyang karapatan sa dalaga. Pero kasi ay nahalikan niya na ito. He marked her already. Hindi pa official pero alam niyang kanya ito. Kaya naman nang makabalik kaagad ang magde-deliver sana ng mga bulaklak sa Olongapo ay agad silang nagtungo sa bahay nila Themie. Naabutan niya ang mga magulang nito at hindi ito makapaniwala nang bumungad siya sa bahay nila at may dala pa siyang napakadaming bulaklak. Of course nagpapakitang gilas siya. Ito ang unang beses na haharap siya sa pamilya nito bilang pormal na manliligaw ni Themie. He's Makisig Recto pero kinakabaha

