"BASTA ay mag-iingat ka d'yan, anak..." It was six in the evening when Makisig decided to drive Themie's home. Pero bigla namang kumulog at kumidlat at nasundan na nga ng pagbuhos ng malakas na ulan. Ang akala ni Themie ay agad lang na titila ang ulan. Pero lumipas na ang dalawang oras at mas lalo pa nga iyong lumakas. Alas otso na nang gabi at nasisiguro ni Themie na baha na pauwi sa kanila. Pwede pa naman siyang umuwi ang kaso ay si Makisig ang iniisip niya na baka mapano ito sa daan kapag pauwi na din ito matapos siyang maihatid. Isa pa ay gusto rin ng huli na sa kanila na siya magpalipas ng gabi. "Sige ho, Tay. Maraming salamat ho," sagot naman ni Themie sa tatay niyang si Matias mula sa kabilang linya. Tinawagan niya kasi ito at sinabing hindi siya makakauwi dala ng malakas na u

