CHAPTER 18 "GALAWANG MASTER VENOM"

2309 Words
ALESSANDRO (Master Venom) Pagkaalis ni Penny ay napainom ako at napasalampak sa swivel Chair. Alam ko na mag aalala sya ngunit wala pa muna akong magawa sa ngayon. Suguro marami ang mag tataas ang kilay kapag nalaman na iisa lang naman ako at Si Master Venom pero hindi pa talaga pwede, masyado pang magulo at ayaw ko na pati sya ay madamay. Umalis din ako agad at nagtungo sa apartment na tinutuluyan ko, doon ay muli kong ikinabit ang kulay Brown kong contact lense. Saka ko pinahiran ng Browning lotion ang aking buong katawan. Oras na naman para lumabas ang katauhan ko bilang Alessandro. Pagdating ko sa Talyer ay naroon na si Kuya Arman. Binati pa ako nito, ganon din ako. Hindi ako nag oopen ng usapan ngunit sya ang nagsimula sa usalan about kay Penny. "Nag alala pa kami Kay Penny, hindi kasi agad nakauwi pati si Jhovelle. Na lowbat daw sya, dumiretso daw sila Part time." Anya pa nito. Tumango na lamang din ako. "Nga pala Alessandro, nagpaalam ako kay Sir Wacky na halfday ako, may lakad lang kamj ni Salome.' "Ganon po ba? Wala pong problema kuya Arman." Sagot ko naman dito. Nagsimula na rin ako sa trabaho, mga minor lang naman ang mga aayusin ko ngayon kaya ilang motor agad ang natapos ko bago mag Tanghali. Pasado alas Dose ng magpaalam si Kuya Arman kaya ako na lang ang naiwan. Ngunit bandang alas dos ay nagulat pa ako ng pumunta roon si Penny, may dala itong Tupperware. "Oh, Baby, nariyan ka pala? Kumusta hmm? Nag enjoy ka ba sa Party nyo kagabi?" Tanong ko rito sa natural at tila excited na tanong. "Ahmm.O..Oo Alessandro, masaya naman yung party, saka alam mo, ako yung nakuhang Ms. Masquerade kagabi, Sayang pala, Kung sana pala sinama kita. para sana tayo nalang yung magkasama." "Hmm..pwede ba ang Outsider Baby? "Ahmm..di ko Sure Aless, pero andon kasi si Mad, kasama nya si Jhovell. Oh kaya baka kaya nakapasok si Mad kasi .Kasi andon si Master Venom, Boss nya kasi yon." Anya nya sa akin saka biglang umiwas ng tingin. "Ah talaga naroon ba si Venom? E di nagkita kayong dalawa?" Tanong ko sa kanya ngunit halata ko ang tila pagkailang nya. "Ahm, Oo Aless, naroon sila Master Venom kasama nung President ng school." "Ah ganon ba? "Ahmm.Oo Aless, Nga pala.. ahm binalik ko na kay Master Venom yung hikaw at kwintas. "Anya nya sa akin saka sya bahagyang ngumiti, ngunit ganon pa man na kita ko sa kanya na hindi sya comfortable. Nangyayakapin ko sya ay parang nagulat sya at bigla syang umiwas. "Bakit Babe? May problema ba?" "Huh? Ah eh wala naman Babe, ahm kainin mo na itong meryenda baka lumamig pa." Anya nito saka inihain ang dala nyang Bilo Bilo." Magkasabay kaming kumain ngunit pansin ko na tila lutang sya. Kapag hinahawakan ko sya ay bigla syang nagugulat. Hindi kaya marahil epekto ito ng gamot na pinainom sa kanya?" Tanong ko sa aking Isip. Nang mapansin ko iyon ay inalalayan ko sya at inilapit sa akin. Saka ko sya kinandong sa aking harapan. "Baby, may problema ba? Parang kanina kapa balisa?" May di ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ko rito. Ngunit tumingin sya at tila pilit na pinasaya ang sarili. "Ah..ahm Hindi Aless, wala naman, napagod lang siguro ako." Anya pa nito saka pinilit na ngumiti. Mga ilang minuto lamang din syang nagtagal at pagkatapos ay nagpaalam na rin na uuwi na sya. Nanga araw ding iyon ay maaga naman akong Umuwi. Pupunta ako sa isang Mall. Bumili ako ng Pares ng hikaw at Kwintas. Dahil ibinalik nya na ang Kwintas na bigay ko sa kanya bilang si Venom noong nakaraan. "Sir, narito na po ang Kwintas at Hikaw na sinabi ng Kapatid mong si Thalasa. "Salamat Alma, Na transfer ko na ang payment. Thank you ulit." "Welcome Sir, 44,000 lang po yon sir. Salamat sa Tip." Anya nito saka nagpasalamat ulit sa akin. Isang Analisa Diamond Necklace ang binili ko sa kanya na nagkakahalaga ng twenty seven thousands at ang Moissanite 18k white gold earrings na nagkakahalaga naman ng Seventeen Thousands. Syempre hindi ko ipapaalam sa kanya na mamahalin din ito, dahil sigurado ako na tatanggi sya kapag nalaman nya. Kaya nilagay ko lamang ito sa simpleng plastic na tulad ng nabibili sa mga Palengke saka ko bukas iaabot sa kanya. Alam ko na mababaw lamang ang kaligayahan ni Penny. Kaya sasabihin ko na simpleng jewelry lamang ito sa mall. Nang gabing iyon ay Lumabas naman aki at nagtungo sa isang Bar. Sa pagkakataong iyon Isa akong Natural na Tao, Ang totoong Ako. Si Alessandro na tagapagmana at Taga pamahala ng mga Business na nasimulan ng aking magulang. Sa pagkakataong ito Ako Si Venom na Walang Maskara ngunit magkasing Tulad ng Postura. Sa ganitong pagkakataon tulad ni Alessandro na Nagtra trabaho sa Talyer Ay nakakalakad ako mag Isa. Ang kaibahan ko lamang sa Pagiging Talyer boy ko at sa Totoong ako ay Malayo ang Katayuan nila sa Bawat isa. Habang nasa Bar ako ay hindi ko inaasahan ang babaeng Makikita ko. Nagulat pa ako ng mabangga aki nito dahil sa Kalasingan. "Oh . I'm so sorry, Di ko sinasadya." Anya nito saka tumingin sa akin. Halos magulat ako ng Makita ko sya. "Oh..A..Alessandro?" "Sarita?" "Yes, Oh Alessandro, ikaw nga kumusta?" Tanong nya saka biglang yakap sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya kaya bigla akong kumalas." "Ayos lang naman, Teka, wait bitaw." Anya ko saka inalis ang pagkakayakao nya sa akin. "Bakit? Bat parang ayaw mo na, e diba dati nagmakaawa ka pa sa kin na ikaw ang piliin ko.?" Sagot nito. Naalala ko na naman ang dati ay pag mamakaawa ko sa kanya, pero isang beses lamang yon. Para pa nga akong sinampal ng katotohanan na Hindi nya ako pipiliin dahil sa kalagayan ko at ng aming Pamilya ng mga panahong iyon. "Oh come on Sarita, ang tagal na non, hehe di ka ba nag gro grow? It's been 10 years. Baka nakakalimutan mong mas pinili mo sumama kay Muriel at iwan ako. Sa bagay so Muriel na kayang ibigay sayo ang lahat ng Panahong iyon. Pero ayos lang naman." "Bakit Alessandro? Hindi mo na ba ako mahal? Natawa naman ako sa Tanong nya. "Hindi na syempre, Masaya na rin ako sa kung anong Meron ako ngayon." Saad ko dito. "Talaga? "Yup, Kung wala ka nang ibang sasabihin Mauuna na ako." Saad ko dito saka sya iniwan. Ayoko na masundan nya ako kaya sa ibat ibang daan ako Dumaan. Pagdating sa Bahay ay Dumiretso ako sa kwarto. Nakita ko pa na may Mensahe si Penny kaya agad ko itong Binasa. Nag good night lang naman sya sa akin. Sinabi ko na lamang na susunduin ko sya bukas. Nang araw ding yon ay natangap ko naman ang balita na mula kay Mad. Ang sabi nya ay ubos na ang mga business ng mga magulang ni Clint at Mas lalo na ang kina Arwin. Dahil kasi sa ginawa nila kay Penny ay mas lalo akong Nainis kaya talagang sinabi ko kay Mad na ubusin na lahat. "Insan, inubos ko na lahat, Mukang nakakaawa parin sila kasi kasama nila sa Bahay ang lola ni Arwind kaya tinira ko yung Junk shop na pinapataknbo ng kamag anak nila sa Probinsya na sila ang Financer." Anya pa nito. "Sige, iwan mo na ang Junkshop nila. Ok na yan para Matutong mangakalakal ang mga Yan. Kung wala lang apektadong Matanda kahit isagad mo na." "Hahays Insan talaga, grabe talaga ang Galit mo San." Anya ni Mad sa Kabilang linya. "Sino ba ang hindi? Paano kung di ako dumating? Paano si Penny Bababuyin nila? Mga Hangal sila. Pinalampas ko ang Pagsira nila sa motor ko, kahit papano nag tira ako pero dahil sa ginawa nila kay Penny ay Mas lalo lang nila ako binigyan ng dahilan na sairin ang meron sila." Sagot ko naman. "Pero Mad, aside sa kanila alam mo ba na sa babaeng ka klase nila Penny at Jhovell nanggaling ang gamot. Sa Kamag aral nilang si Miles ay Winnie. Ang mga ito ang pinanggalingan at nag lagay ng gamot nakipag deal ito kay Clint at Arwind para magawa ang plano para kay Penny." Halos makuyom ko ang aking kamao sa aking narinig. "Mad, alam mo na ang gagawin sa Dalawang Yan." Utos ko dito. "Sige Insan, ako na bahala, dating gawi." Sagot nito saka ko pinatay ang tawag. Napahinga na lamang ako ng Malalim saka Pinagmasdan ang Magandamg Mukha ni Pennt na ginawa ko pang Wallpaper ng Cellphone ko. Miss ko na sya ulit, hindi bale bukas magkikita naman kaming dalawa. Samantala PENNY Kinabukasan pag pasok ko ay usal usapan sa eskwelahan ang nangyari kay Clint at Arwind noong gabi ng party. Nakita na lang daw kasi ang mga ito na nakabulagta malapit sa banyo. Dinala daw sa hospital at na diskobre din na gumamit ang mga ito ng party drugs. Kaya pinatawag daw ang mga magulang ng mga ito. Ngunit di daw agad makakapunta dahil na bankrupt daw ng sabay ang negosyo ng Pamilya ng mga ito. Hindi ko na lamang din pinansin ang mga bulong bulungan na aking naririnig sa mga Haka haka sa biglaang pagbagsak ng mga negosyo ng mga ito. Nanatili lamang akong tahimik sa Upuan ng marinig ko ang iba ko pang ka klase. "Hoyy...Wala pa sinl Winnie, medyo malapit kami sa Bahay nila. Alam nyo bang may nangyari kahapon? May pumunta sa kanila at pinaaalis sila sa Bahay. Wala sila nagawa dahil hinakot na yung mga gamit nila. Ginawa nila nag rent sila sa Apartment na binabantayan ng Tita ko kasi nga Ang daming tao sa bahay nila na kung di sila aalis ay ipahahakot lahat ng gamit at walang pake kung may masira." Anya pa ng iba naming ka klase. Hindi pa nakaka move on sa kwento about kay Winnie ay Dumating naman si Miley pero hindi daw Kotse ang naghatid dito kundi Tricycle. Kilalang Mayaman at Maarte ito sa lahat ng bagay pero Sa Hygiene ay ligwak. Pero first time nito mag trycyle. "Oh Miles, bat naka trycycle ka? Asan ang sasakyan nyo.? Tanong ng isang kaklase namin. "Wala, basta ang sabi ni Mommy mag commute nalang muna ako. Hindi ko alam basta wala ng natirang sasakyan sa Bahay." Sagot nito na parang walang alam. "Ano nangyari sa inyo? Buti kayo sasakyan lang, sila Winnie Pati bahay wala, nabalitaan nyo rin ba yung kay Clint at Arwind? Bakit pare pareho kayong Apat? Akalain mo yon Apat na mga Bigating estudyante parang naghirap sa isang iglap." Anya pa ng ka klase namin. Tila napaisip naman ang iba maging ako ay ganon din. "Hmm..bakit nga ba? May atraso silang apat sa akin, hindi kaya may kaugnayan iyon? Si Miles at winnie ang nag abot sa akin ng alak bago ko maramdaman ang kakaibang pakiramdam ng gabing iyon. At nang nasa banyo ako ay naka abang na sila Arwind at Clint. Malamang na pinlano nga nila iyong Apat. Pero sino ang gagawa noon sa kanila?" Tanong ko sa isip nang bigla pumasok sa isip ko Si Master Venom. "Master Venom? Hindi nga kaya sya ang nasa likod ng sabay sabay na pagbagsak ng mga negosyo ng aking mga kanklase? Wala agad akong ibang ma i react. Kakausapin ko na lamang si Master Venom at itatanong kung sya ba ang nasa likod ng mga ito kapag nagkausap kami. Matapos ang klase ay lumabas na ako. Nakita kong hinihintay ako ni Alessandro sa labas. Ngumiti sya saka ako kinawayan. Tumawid naman ako saka lumapit sa kanya. "Kumusta? Akin na ang mga gamit mo." Nakangiting wika nya saka inabot ang aking gamit. "Salamat Aless, kanina ka pa? Ang aga nyo magsara ng Shop." Anya ko dito saka tumabi sa kanya. "Oo Baby, nagpaalam naman ako kay Wacky. Sinabi ko na susunduin kita hehe." "Sinabi mo? Baka i kwneto kay Tito Arman." "Hehe ok lang Baby, sinabi ko din kay Kuya Arman na may lakad ako malapit dito, at kapag nag abot tayo ay isasabay kita pauwi kaya wag ka mag alala." Anya nya pa sa akin. Natawa na lang din ako. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa may Boulevard. Tumambay muna kami doon saka kumain ng mga streetfoods at saka kami naupo sa may batohan at pinanood ang palubog na araw. Nagulat pa ako ng may ilabas syang plastic. "Babe, sinauli mo na kay Master Venom yung kwintas at Hikae diba.?" "Opo, binalik ko na nung nakaraang araw bakit po?" Tanong ko ngunit sya naman ay binuksan ang mallit na box na galing sa supot. Saka tumambad sa akin ang necklace at pares ng Hikaw. "Heto Babe, kapalit ng binalik mo sa kanya. Simple lamang ito at Di mamahalin gaya ng bigay nya sayo. Pero galing ito sa puso ko." Sagot nya saka isinuot sa akin ang Kwintas. Simple iyon ngunit maganda sa paningin. Sinubukan ko ring isuot ang hikaw at napakaganda rin nito at bagay na bagay ka pares ng hikaw. "Salamat Aless, nag abala ka pa, san mo to binili? Baka mamahalin to ah?" Anya ko dito hababg hawak ang maliit na pendant ng necklace. "Hindi naman masyado Baby, nabili ko lang sya ng 1800." "1800? Ang mahal na nito Aless, sabi ko naman sayo di mo ko kailangang bilhan ng mga mamahaling bagay." "Ok lang naman Babe, saka pinag ipunan ko talaga yan." Nakangiting wika nya. "Sige ikaw ang bahala, ikaw lang kasi ang inaalala ko, Nagpapadala ka sa inyo, may hinuhulugan ka pang motor. Tapos nag re rent ka pa dito, kaya baka wala na matira sayo." Anya ko naman. Ngunit imbes na sumagot ay yumakap na lamang sya sa akin. "Ok lang Baby, basta para sayo. Saka don't worry pinag ipunan ko naman yan. I love you." Dagdag nya pa saka tumingin sa akin. "I love you too Alessandro." Sagot ko naman saka ngumiti at yumakap din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD