CHAPTER 30 "POLICE CAPTAIN FARRIZ"

2065 Words
ALESSANDRO Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng dumating dito si Ali. Noong unang sunod sunod na gabi nya dito ay umiiyak sya. Malamang hinahanap nya ang kanyang Mommy Penny. Dumating naman ulit sila Mama at Papa at sa unang pagkakataon ay nakita at nayakap nila ang anak ko. Sa una lamang nanibago si Ali ngunit sumunod na lingo ay nakaka adjust na sya. Ang dami ko narin natutunan sa pagdating nya. Ako ang nagpapakain at nagpalaligo sa kanya. Alaga ko rin na di sya pagpawisan at hindi mababaran ng diaper. Sobrang natutuwa ako sa kanya dahil para bang alam na alam nya agad na ako ang Daddy nya. Unang pagkikita pa lamang namin noon ay tinawag nya agad akong Daddy, suguro ay lukso ng dugo ika nga. Nagkakatuwaan kami dito sa bahay ko sa Germany Aliw na aliw ang lahat kay Ali. Excited na sila Mama dahil malapit na ang birthday nito. Napatingin naman ako sa Cctv sa aparment ni Penny. Masaya ako na nalaman ko kay Mad na bumalik na ang saya ni Penny at nag focus na ito sa eskwelahan. Pero kapag nasa apartment ito ay kita ko parin ang lungkot sa kanyang mukha. Kapag nasa apartment ito ay ilang minuto pa itong nakatulala habang nakatitig sa picture namin ni Ali. Saka palang sya mag luluto o kaya minsan ay umiinom na lamang ng Gatas saka mag aaral. Hangang sa pumasok sa kwarto. Alam ko na miss na nya si Ali pero ginagawa ko ito para sa amin. Hindi parin ako nakakalakad ng Ayos pero mas nagiging ok na ito kumpara dati. At Dahil mag bi birthday na nga Si Ali ay naisipan namin na dito na lamang sa bahay maghanda. Pupunta na lamang dito ang Aking kapatid pati ang aking Mga lolo at Lola. Pagkakita pa lamang ni Thalasa sa anak ko ay halos pang gigilan nya na ito. "Hala Kuya ang Pogi ng anak mo, Kakatuwa naman Akalain mo na nakapagtanim ka ng isang napaka gwapong bata? Nasan nga pala ang Mommy nya?" Tanong nito. "Nasa Pilipinas, nag aaral pa, sa isang taon ga graduate na rin." "Na kwento sakin nila Mama ang Storya nyo, Ang Bad mo Kuya, hangang kelan ka magpapnggap? Kawawa naman sya." "Thala, sasabihin ko rin naman, hinihintay ko lamang na maging maayos ang lahay, gusto ko na handa sya, handa ako, handa kami pareho. Gusto ko na matupad nya muna ang pangarap nya, ayoko na magkandaloko loko ang mga pano nya dahil sa akin." Sagot ko pa rito. "Ikaw ang bahala Kuya, pero sana Hwag mo na patagalin dahil naaawa ako sa kanya, Nangungulila na sya sa akalang pagkamatay mo tapos nag durusa pa sta sa pag aakalang na benta si Ali sa Iba." "Sorry na Thala, Magiging maayos kami pangako Yan." "Aba dapat lang, isipin mo kawawa naman ang pamangkin ko, Kaya dapat ayusin mo ang gulong ginawa mo." "Oo na nga, darating kami dyan Thala, sa ngayon hahayaan ko muna sya na sundin ang pangarap nya at matupad ang mga plano nya sa buhay. At Kapag okay na sya doon ko aaminin sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad nya ako, pero bahala na. Basta gusto ko muna na mapabuti sya." Anya ko sa aking kapatid. Sumapit ang Birthday ni Ali, Napaka cute nya sa suot nyang damit. Tuwang tuwa din sya sa mga Cake at Balloons na hinanda namin. Samantala kung gaano kami kasaya ay Kabaligtaran naman kay Penny. Nakita ko syang umuwi ng Bahay may dalang cake at lobo at Laruan. Meron din syang bitbit na pansit. Tahimik nya hinain ang handa saka nya sinindihan ang Kandila sa cake saka sta pumalakpak na tila kumakanta ng happy birthday. Tila nakaramdam ako ng habag. Ilang minuto pa ay dumating din sila Kuya Arman, Ate Salome, Mad at Jhovell. Saka sinamahan ng mga ito na Mag celebrate si Penny ng birthday ni Ali. Kahit papano ay may kasama sya. Pinapanood ko lamang sila sa Video. Maya maya ay tumawag si Mad kaya lumabas ito sa may terrace. "Hello Insan, andito kami kina Penny, birthday ni Ali diba." "Oo alam ko, kitang kita ko kung paano mo kainin yung handa." Wika ko pa dito. "Hehe, Syempre insan, ang sarap ng handa ni Ali, gumawa rin ng Bicol express si Tita Salome kaya napadami kain ko." "Sus, palusot mo pa, Nga pala..Mad, Pwede mo bang bilhan ng bulaklak si Penny ?" "Oo naman, kelan ba?" "Gusto ko bukas pag gising nya nasa labas ng pinto nya." "Ok kopya Insan" sagot naman nito. Matapos namin mag usap ay nagpaalam na rin sya. Bandang ala singko y media ng hapon ay umuwi na rin sila. Nakaupo naman si Penny sa sofa habang nakaharap sa Laptop. Maya maya ay napatingin ako sa Cam sa may Terrace. Napakunot ang noo ko ng Makita ang isang Figura ng lalaki. Nakasuot pa ito ng Battle uniform. Kita ko pa na ngumiti ito kay Penny saka inabot ang nasa paper bag. Nagulat ako ng papasukin ito ni Penny saka inaya sa mesa at Pinakain. "Hmm..At Sino ka namang lalaki ka? Bakit parang close kayo ng Baby ko?" Tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kumakain lamang naman ang lalaki at tila nagkwe kwentuhan din sila pero bakit parang inis na inis ako? Hangang sa matapos na itong kumain ngunit hindi parin ito umuuwi. Inabot pa ito ng alas syete y media bago umuwi. Na ki birthday na nga lang pero inabot pa ng isat kalahating oras.? Inis na bulong ko habang nakatingin parin sa camera. Mabuti at umalis na rin. Kailangan ko malaman sino ang lalaking ito at bakit sya nagpunta sa Apartment ng Baby ko para maki birthday, Gaano sya ka close dito?" sunod sunod na tanong sa isip ko. Samantala PENNY Dahil Birthday ni Ali ay naisipan ko parin syang paghandaan. Bumili ako ng cake, Pansit, at Laruan na gift ko para sa kanya. Sinindihan ko ang kandila ng cake saka ako kumanta ng Happy birthday. Unang birthday ito ng anak ko ngunit hindi ko sya kasama. Bago ko hipan ang cake ay nag wish muna ako. Wala akong ibang hiling kundi sana ay nasa mabuti syang kalagayan, na sana ay inaalagaan sya at Minamahal ng taong bumili sa kanya. At Sana ay makasama ko syang muli. Nang masabi ko ang wish ko ay hinipan ko na rin ang kandila. Ilang sandali pa ako naghintay hangang sa dumating sila Tito at Tita, halos kasunuran nila si Mad at Jhovell. Masaya silang kumakain, tulad ko ay may bitbit din silang laruan para kay Ali, kahit na wala naman ito. Matagal din sila nag stay at bandang ala singko ay umuwi din sila. Sila Jhovell naman ay ala singko y media umuwi. Lumabas pa si Mad at tila may kausap ito sa kabilang linya saka sila nagpaalam ni Jhovell. Nang makauwi sila ay binuksan ko ang aking laptop at nag aral muna ng aking takdang aralin. Maya maya lamang ay nakarinig ako ng katok. Pagbukas ko ay walang iba kundi si Farriz. Sa ilang linggo namin na magkakilala ay naging kaibigan ko na rin sya. Nakita nya kasi ako na bumili ng cake kaya ininvite ko na rin. Hindi ko naman akalain na pupunta sya talaga, pero laking gulat ko na narito nga sya at pumunta. "Hi Penny, Happy Birthday kay Ali " bati nito saka iniabot ang paper bag. "Oh Farriz tuloy, salamat dito ah." "Walang ano man, wala kang ibang bisita?" Tanong nito. "Nakagaling na dito saka apat lang naman sila pang lima ka hehe" "Talaga? Ang swerte ko naman at kasama ako sa lima hehe." "Haha, sya kumain ka na dyan Police Captain, May Bicol express dyan dala ni Tita" aya ko pa dito. Habang kumakain sya ay nagkwe kwentuhan din kami. Nabanggit nya na meron silang bagong assign na Promoted Police Colonel. Matinik daw ito at Magaling. Galing daw ito sa kabilang District noong Major pa lamang ito at ngayon nga ay inilipat na sa Head quarters nila. Kaya kanina daw ay napaka busy nila dahil winelcome nila ito. Hindi rin naman na nagtagal si Farriz at nagpaalam na rin ito. Pagkaalis niya ay napatingin ako sa picture ni Alessandro. "Baby, Kaibigan ko yon si Farriz, mabuti syang tao don't worry." Saad ko rito saka inabot ang larawan nya. Pagkatapos ko ayusin ang mga natirang pagkain ay nagpahinga na rin naman ako. Masakit parin sa part ko na mawala si Ali, pero wala din naman mangyayari kung magpapakain ako sa lungkot. Kaya sinikap ko nalang na mabuhay ng normal sa araw araw. Sa ngayon ay wala akong magagawa. Basta nag focus ako sa pag aaral at pagnaka graduate ako ay saka ako mag iipon ng bongga. Wala akong ibang inatupag kundi mag aral. Kapag minsan na inaaya ako ni Jhovell at Mad ay sumasama rin naman ako. Nagugulat ako minsan na kapag umaga ay may flowers sa harap ng aking Bahay. Ilang beses na ito. Kapag tinatanong ko naman si Mad ay nangiti lang ito. Ayaw ko man maniwala na di nya alam pero parang nakakatunog ako. Minsan ay inaya ako ni Mad at Jhovell na lumabas, habang kumakain kami nila Mad ay naitanong nya sa akin ang tungkol kay Farriz, nagulat lamang ako ng magtanong sya. Pero sinabi ko sa kanya na na invite ko lang nung birthday dahil nakita nya akong akong bumibili ng cake, since kakilala ko na naman at isa rin sa tumulong nung naghanap kay Ali. Di naman na sya nag usisa pa. Isang araw pag out namin sa school ay aksidenteng nakita ko si Captain Farriz kasama ng ibang Police, madalas kasi ang mga ito na mag meryenda sa mga Kainan malapit sa school namin pero ngayon ko lamang nakita dito si Farriz. Kay Aling Nena kasi kami kumakain ni Alessandro noon pero sarado kasi ngayon si Aling Nena. Kaya dito sa kabilang karinderya ako nagtungo. Hindi ko din inaasahan na makikita nya ako. "Hi Penny, Out nyo na? Tara meryenda" aya nya sa akin, dahil gutom na rin ako at balak ko rin naman talaga mag meryenda dahil di ako nakapag lunch ay sumabay na rin ako. Habang kumakain kami ay di naman maiwasan na manukso ng mga kasama nya. "Captain Farriz, kaya pala dito mo napili kumain ah, kasabay mo pala si Miss." "Loko loko hehe, dito talaga ako nakain no kahit tanong mo pa kay aling aning 5 months ago." Dagdag pa nito. "Haha oo na, oo na, pano mauna na muna kami Captain, maiwan na muna namin kayo ni Miss." Wika pa ng mga ito. Habang kumakain kami ay nagulat pa ako ng magsalita sya ulit. "Penny, invite sana kita kung Free ka, Birthday ko kasi Next week, may konting salo salo sa bahay, Don't worry mga Kapamilya at mga malalapit ko lang na kaibigan ang invited." Wika nito sa akin. "Anong araw pala yon Farriz?" "Friday Penny, may pasok parin ako non pero undertime ako ng 3pm kaya sana makapunta din kayo." Aya pa nito. "Hmm..Ilang taon ka na pala Captain Farriz? Tanong ko rito. "Ako..hmmm..hulaan mo?" Wika nito saka nangiti." "27? "Wrong hehhe." "28 sure na." "Mali parin hehe..30 na ko sa Friday hehe hindi ba halata?" Wika nito saka tumawa. Halos kasing tanda pala siya ni Alessandro, matanda lang si Aless ng dalawang taon." "Hmm..Bakit closer naman yung 28 sa 30 ah hehe." Wika ko saka din natawa. "Ikaw Penny, ilang taon. Ka na?" "Mas matanda ka ng sampung taon Kuya." Natatawang wika ko saka ko sya tinaasan ng kilay." "Wow Kuya Talaga? Grabe naman sa Kuya haha, Bakit ilang taon ba yung Tatay ni Ali?" "Hmm..33 na sya ngayon, bakit?" "Oh kita mo Mas Matanda pa pala sakin yung Tatay ni Ali haha." Natatawang sabi nito. Bigla tuloy akong natahimik, bigla ko naalala si Alessandro. "Penny, Ok ka lang?" "Huh? Ahmmm..oo ayos lang, naalala ko lang si Aless." "Ang aga mo rin palang na byuda Penny, Nasa Same circle pala tayo no.?" Anya ni Farriz saka biglang tumingin sa Malayo. Nabanaag ko naman ang lungkot sa kanyang Mata. Saka ako napatingin sa daliri nya nya na suot parin ang isang sing sing. Magsasalita pa sana ako ngunit biglang tumunog ang telepono nya saka sya biglang tumayo at nagpaalam. "Penny, may emergency kailangan ko na muna umuwi, Mag iingat ka ha, See you on Friday, aasahan ko ang Pagdalo mo." Nakangiting sabi pa nito saka nagpaalam at lumabas ng karinderya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD