PENNY Mabilis na lumipas ang Araw, Linggo at Buwan ay katuwang ko parin si Master sa pag aalaga sa mga bata. May pagkakataon na kailangan nyang umalis ng halos 1sa Hangang dalawang Linggo pero pagbalik nya ay halos ayaw nya nang iwan ang mga bata. Talagang binibigay nya ang oras nya dito. Sobrang mahal na mahal nya ang mga anak ko. Hindi ko alam, ngunit kapag nakikita ko silang tatlo ay tila kay gaan ng puso ko. Hindi ko akalain na ang masungit at supladong si Master ay kasama ko na ngayon sa iisang bubong kasama ang aming mga anak. Kasalukuyang Buhat nya si Baby Alleine na ngayon ay nasa ikatlong buwan na. Girl Version ito ni Ali. Si Ali naman ay nag do drawing habang pinapanood ni Master at habang buhat si Baby Alleine. "Daddy, Danda po?" Wika ni Ali saka inabot ang coloring book k

