CHAPTER 9 "YAYAMANIN"

2990 Words
ALESSANDRO Nang makalabas si Ava ang isa sa mga helper na pinadala ng Kaibigan ni Jessica ay agad akong pumasok sa Unit na inookupa namin. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko Si Penny. Nakatalikod ito ngunit likod nya palang ay talagang malakas na ang dating dahil bukod sa pinagpalang dibdib nito ay maganda rin ang kurba ng kanyang katawan at pang upo. Naramdaman nya ang pagdating ko kaya humarap sya. Kahit na di nya naman ako nakikita dahil naka piring sya. Binati ko sya saka ko sya at saka binulungan napailag naman sya di ko alam kung naiilang ba sya oh ano. Maya maya ay hinawakan ko sya sa kanyang kamay. Mabuti at di na sya tumutol. Medyo nagugulat nga lamang sya kapag nagsasalita ako. Inakay ko sya patungo sa mesa kung saan naroon ang aming pagkain. "Hindi na ako gaanong nag order ng ibang food baka kasi di mo Type. May iba ka pa bang gustong kainin?" Tanong ko sa kanya. "Wa..wala na..Nagtatagalog ka pala?" Tanong nito sa akin. "Yeah? Bakit? "Wala naman, panay lang kasi ang English mo sa chat kaya akala ko ay di ka po marunong magtagalog." Saad pa nito. Dahil nga naka blindfold sya ay di sya makakain ng Ayos kaya kinuha ko ang Kubyertos saka ako ang Nagsubo ng pagkain sa kanya. "Bakit kailangan pang naka piring ako? Hindi ko ba pwedeng tanggalin ang piring na ito?" Tanong nya pa sa akin. "No Young Lady, hindi pa nararapat" anya ko saka tinuloy ang pagsubo sa kanya. Matapos naming mag dinner ay saka ko sya dinala sa may Veranda ng Hotel. Dahil gusto ko naman na makita nya ang magandang lugar. Kinuha ko naman ang Full face Mask ko saka isinuot at ng Matiyak ko na ay saka ko sya tinangalan ng Piring. "Halos Magulat sya sa ganda ng Paligid na bumungad sa kanya. Saka sya lumingon sa gawi ko. Napakunot naman sya ng Noo saka lumapit sa akin at tila Sinuri ako. "And bakit mo ako Sinusuri.?" "Hmm...Bat parang nakita na kita, Oo nga, nakita na kita." Saad nya kaya medyo kinabahan ako. "Tama, ikaw yung Lalaki sa Bar! So ikaw si Alakdan tama ako diba ikaw si Master Venom?" Wika nya saka tumingin sa may table na nakalagay ang Reserved for Master Venom.Nakita kong para syang batang nanghuhuli. Wala na akong nagawa kundi umamin. "Haist, Yeah, at least you remember me huh?" Sagot ko dito. "Sabi ko na nga ba eh, ang hilig mo talaga magpaka misteryoso, Hindi ka naman siguro panget pero bat may pa mask mask ka pa?" Saad pa nito sa akin. "Dahil hindi ako basta basta nagpapakita! Masyadong Delikado." "Bakit? Pamilyado ka na ba? Tapos ganito nagsasama ka ng Babae sa ganitong lugar? Tapos siguro iba iba, after ko bukas iba naman, ganon ba?" "Shut Up Young Lady! Di mo alam ang sinasabi mo, May reason ako, pero hindi tulad ng mga sinasabi mo! Wala akong babae, ikaw lang." Sagot ko rito. "So bakit mo ako pinaparito, saka pinagbihis ng ganito kagara?" "Gusto ko lang, Gusto ko na matamasa mo ang ganitong Buhay, pero sa isang kondisyon? Anya ko saka palapit na humakbang sa kanya. Napa atras naman sya saka na corner sa may Veranda. "A..Anong condition Master? Nauutal na tanong nya. "Be With me, Sa mga oras at araw na sasabihin ko." Anya ko saka inilapit ang aking mukha sa kanya. Napaawang naman ang labi nya saka tila napapikit kaya natawa ako. "Hmm..Wala pa tayo sa exciting part Young Lady, nagsisimula pa lang tayo hehe." Anya ko saka bahagyang lumayo sa kanya at umupos sa may mesa. Nagmulat naman sya ng Mata saka napakamot sa ulo. "So Paano ko malalaman kapag Kailangan mo ako? Paano kung busy ako sa mga oras na yon?" "Hmm.. don't worry, I know your schedules. Kaya i make sure na darating at darating ka sa mga oras na kailangan kita. "Naipadala ko na ang 50,000 pesos sa Gcash mo right? Here's your Debit Card also. Gamitin mo kahit saan, mag shopping ka, bumili ka ng gusto mo? Pero Make sure na Darating ka kapag sinabi ko." Dagdag ko pa. Napansin ko na napatingin sya sa card, dinampot nya ito ngunit ibinaba rin sa mesa. "Ayoko, Oo may pagkakautang ako sayo, pero yung harap harapang parang binibili mo na ang pagkatao ko I'm Sorry Master Venom but my Answer is No!" Matapang na wika nya sa akin. "Talaga? Bakit? Ayaw mo ba sa akin? "Paano naman kita magugustuhan e di nga kita nakikilala at di ko nga nakikita ang Mukha mo." Palatak nito saka naupo sa tapat ko. "So pag pangit ako di mo na ako magugustuhan? Tanong ko rito. "Wala akong sinabi? Di naman ako Judger." Sige na tanggalin mo na yan mask mo." Anya pa nito "Sorry Young lady pero hindi pwede. Pero tinitiyak ko na Hindi ka magsisisi kapag sumunod ka sa utos ko, Wala naman akong ibang gagawin sayo, Basta Be with me sa mga Oras na kailangan kita at sumunod sa mga ipinag uutos ko Panigurado na magkakasundo tayo at Hindi ka mag sisisi." Anya ko dito habang nakalapit ang mukha ko sa mukha nya. Idinikit ko pa ang katawan ko sa katawan nya kaya ramdam ko ang malusog nyang dibdib na nakadikit sa akin. Aasahan ko naagkakaunawaan tayo Young Lady, Kaya from now on Sa akin ka na, hwag ka mag alala, Wala pa akong sisingiling kapalit ngayong gabi. Dinala kita dito para Mag Enjoy. Mauuna na ako, Hahayaan muna kita na magpahinga at sulitin ang gabing ito." Anya ko sa kanya saka Tumayo. "Be With Me daw pero iiwanan mo ko? Mag enjoy daw pero ako lang mag isa? Tingin mo ba Master Venom makakapag Enjoy ako? Kahit gaano pa kaganda to kung ako lang di ko rin to ma e enjoy no!" Wika nya sabay Irap sa akin. "Bakit? Sino bang May sabi na Mag Isa ka? Yan ang hirap sa inyong mga Babae? Ang bibilis ng mga bibig ninyo." Anya ko pa saka Tumayo at Lumapit sa Kanya. "Wear your Blindfold" utos ko sa kanya at kinuha nya naman ang piring saka isinuot. Lumapit ako sa kanya. "Gusto kitang Halikan.' anya ko dito saka sya hinalikan sa Leeg nakakakit Lalo ang natural nyang amoy na tila gumamit pa mg pambatang cologne. Matapos ko syang halikan sa leeg ay natawa ako ng makita na naman na nakaawang ang labi nya. Kaya inilapit ko dito ang aking daliri saka hinaplos iyon. "Close it Sweet heart, baka may pumasok na langaw hehe." Anya ko saka hinaplos din ang kanyang mukha saka ako lumakad palayo. Samantala. PENELOPE Pinasuot nya muli ang Piring sa akin. Ramdam ko na malapit na malapit ang mukha nya. Binulungan nya pa ako na gusto nya akong halikan, halos kumabog naman ang dibdib ko. Kung magkataon ay firsts kiss ko pa ang lalaking ito. Dama ko ang kanyang hininga malapit sa akin. Bahagyang napaawang ang Bibig ko ng maramdaman ko ang kanyang halik sa aking Leeg. Hangang sa marinig ko ang tawa nya saka hinaplos ang aking labi na nanatili palang nakaawang at naghihintay pa sana mg halik. Natawa na naman sya saka sinabi na isarado ko raw at baka pasukan ng langaw. Gago rin to..patatakamin ako tapos di naman itutuloy. Saka wala naman langaw dito. Nagpaalam sya saka ko narinig ang yabag nya papalayo. "Hoyyy Master Venom! Sa tingin mo ba mag eenjoy ako dito mag isa ha?" Sigaw ko pa rito. "Sino bang may sabinna mag iisa ka?! Tanong nito pero tuloy sa paglakad. Kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto rinig ang isang Pamilyar na tinig. "San nyo ako Dadalhin, Bitawan nyo ako Mga Hangal!" Napahinto lamang sya kakasalita ng makita nya kami ni Master Venom. "Wow, Putcha! Penelope ikaw ba yan? Ang bongga mo na lalo sa ganyang style, in fairness yung susuo mo nanapak." Anya nito saka pinindot pindot pa ang cleavage ko. Napaka sira ulo talaga ng babaeng ito. Doon lamang nya nabigyang Pansin si Master Venom ng tumikhim ito. "Ehem, So siguro naman makakapag enjoy ka na Sweet heart. Kasama mo na ang kaibigan mo." "Ikaw pala ang nagpa Kidn4p sakin Master, sana naman nagpakilala muna. Nakakahiya tuloy nagsisigaw pa ako sa may lobby dahil apat na bruskong lalaki ang kumuha sakin sa Pitx. "Siguro naman mag e Enjoy na kayong dalawa? Sige na enjoy the night. Kung may kailangan kayo i dial nyo lamang ang numero na ito at sasakot dyan si Ava." Saad pa nito. Naiwan kami ni Jhovell. Kita ko ang pagkamangha sa mukha ng kaibigan ko. Para kaming bata na sabay tumakbo patungo sa may kama. Pagdating namin doon ay meron na nakahanda na damit pamalit. May extra slippers din. Puno rin ng pagkain ang Ref talagang lahat ay naroon na. Nagpunta kami sa isang kwarto na tila may slide. Halos manlaki ang mata namim ni Jhovell. Akala namin ay isang simpleng kwarto lamang iyon ngunit tila isa iyong maliit na swimming pool na kasya ang 2 hangang tatlong tao. Mas malaki ito ng kaunti sa Bathtub. May harang iyon na glass na kita ang paligid. Napakaganda pagmasdan ng mga ilaw. "Besh excited na ako..walanf ganito sa atin kaya tara sulitin natin itong handog ni Master Venom. Halika na, mag shower muna tayo bago tayo lumublob dyan sa mini swimming pool." Anya ni jhovell. Nagpatulong ako kay Jhovell na hubarin ang suot ko nagulat ako ng tumahimik sya. "Besh? Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Hindi naman Binarubal ni Master Venom ang Kiffyroni? Tanong nya sa akin na tila nag aalala. Kaya natawa ako, kasi kahit maingay, pasmado ang bibig at walang filter ang bunganga nitong kaibigan ko ay mahal na mahal ako nito, at ganon din ako sa kanya syempre. "Haha..Hindi no, wala namang ginawa sa kin si Master Venom, kumain at nag usap lang kami." Anya ko dito. "Good..So Uuwi paring MASIKIP AT MAKIPOT sa Dimasupil. Hahaha" sagot nya pa saka kami nag tawanan. Mabilis kaming mag shower saka lumusong sa mini pool. Para kaming mga bata na nakawala sa Koral. Naglaro pa kami ng mga bubbles. "Besh, wala.namang ibang tao dito, pwede tayong mag hubo dito." Anya ni Jhovell kaya nagtawanan kami kaya nagulat ako ng totohanin nya nga. Pero dahil ma bubbles naman ay di naman kita masyado kaya gumaya narin ako. Hinubad ko ang suot kong Bra saka inilublob ang aking katawan sa maligamgam na tubig. Para kaming bata ni Jhovell. Sinasabunan namin ang ulo ng Isat isa. "Nakakainggit talaga yang s**o mo Besh, Padutdot nga Anya nito saka tila lobo ma sinundot sundot. "Tama na, nakakarami ka na, hehe anya ko dito kaya nagtawanan kami. Matapos namim maligo ay nag decide na kami umahon. Dahil maliit lang naman ang boobs ni Jhovell ay saglit lamang ito nakabihis. Habang ako naman ay kailangan pang tumayo ng bahagya para masuot ng ayos ang aking Bra. Nang maiayos ko ito ay saka ako umahon din at sumunod na kay Jhovell para mag banlaw. At after namin mag shower ay saka kami nahiga sa kama at nanood ng Movie sa napakalaking screen habang nag fo food trip. First time namin maranasan ni Jhovell ang ganito. Dahil alas nuebe pa lamang ng gabi ay Nag doorbell sa amin si Ava ang Babaeng Inutusan ni Master para mag assist sa amin. "Ms.Penny, baka gusto nyo rin pong lumabas? May mga Coffe shop din po sa ibaba or baka gusto nyo munaag sight seeing sa labas?" Nakangiting tanong nito sa amin. "Ahmm. Ganon ba? Ahm..pwede mo ba kaminh samahan? Ngayon lang kasi kami nakapasok nitong kaibigan ko sa lugar na ito. Baka di na kami makabalik kapag lumabas kami hehe." Wika ko rito. "Wala pong problema Ms.Penny, ibinilin naman po kayo sa akin ni Master Venom. "Ah, Ok salamat Ms.Ava." tugon ko. Mabilis nga kaming kumilos ni Penny kaya agad kaming sinamahan ni Ms.Ava sa ibaba. Dinala nya kami sa Starbucks, eto ang madalas kong marinig sa ka klase naming si Winnie at Miles. Java Chip ang pareho naming inorder. Habang nagkakape ay pinicturan pa kami ni Ava dahil nag request si Jhovell para daw may pang My day sya. "Ang bigtime talaga ni Master Besh, dati pahirapan lang tayo makatikim ng cofee sa KKOPI na store pero ngayon sa wakas nakapag SB na tayo hehe." Anyw pa ni Jhovell. Matapos iyon ay bumalik na rin kami sa Unit dahil bukas daw ay mag shoping kami kaya naman excited na maagamg natulog si Jhovell. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dinig ko pa ang munting hilik ng aking kaibigan. Nagulat pa ako ng may nakahanda ng Almusal. Hinatiran na pala kami ni Ava. Nabasa ko naman ang Chat ni Master. Gamitin ko daw ang Card sa pag sa Shopping mamaya. Nahihiya ako pero sige na nga, gagamit nalang ako. Pagka almusal namin ay nag ayos na kami para mag Malling. May saskayan narin na naka abang sa amin. Nagtungo kami sa isang Kilalang Mall. Pumasok kami sa Departmen store may mga nagugustuhan ako ngunit kapag lampas 500 ang halaga ay binibitawan ko. "Bakit mo binitawan Ms.Penny?" "Ha? Hindi na ang mahal eh..sa Tyanggi na lang may tag 150 hehe." Wika ko saka natawa. Lumipat kami sa kabilang Store. Kung sa kabila ay meron pang tag 500 pesos ngunit dito ay wala na. Mga Kilalang Brand kasi ang narito at talagang nakakalula ang mga presyo. Napunta kami sa Women section kung saan naroon ang mga Pangbabaeng mga gamit Mapa Damit, Jewelries, Perfume at marami pang iba. Hangang sa Mapadpad kami sa Undergarments section. Nakakatuwa pagmasdan ang mga Pangloob na naroon. Nanghawakan ko ang isa ay halos mapalunok ako ilang box na soen na ang mabibili. Akala ko ay ako lamang ang nakapansin ngunit di rin pala iyon nakalusot kay Jhovell. "Besh, ang ganda nito bagay sayo Oh..para pag nagkita ulit kayo ni Master Venom baka pag mall lin ulit tayo hehe." Anya ni Jhovell saka inabot sakin ang binibidang Thongs. "Hahaha talaga ba? Chineck mo ba ang Price?" Tanong ko rito. "Wait i check ko." Anya nya saka napamura ng makita ang price. "Aba King Ina, 800 na to? discounted pa? Hayop na salong Kiffy na yan..Eh di na nga to makakasalo ng Kiffy. guhit nalang ng Kiffy ang matatakpan nito. Mabuti pa hwag ka na lang mag Panty para matuwa pa lalo si Master kesa dito." Anya pa ni Jhovell na di maka move on sa 800 pesos na kapirasong Saplot. Narinig naman ni Ms.Ava ma mag uusap kami kaya lumapit ito. "Bakit Ms.Penny may napili ka na ba?" "Huh, naku wala Ms.Ava, ok lang tingin tingin lang." Anya ko ngunit umeksena na naman si Jhovell. "Meron na po talaga Ms.Ava, Bagay na bagay po sa kanya ang mga Salong Kiffy at Salong Su*o na to kaso ayaw nya po dahil mahal daw." "Naku, hwag po kayo mahiya Ms.Penny, kunin po ninyo ang gusto nyo, dahil ako po ang mayayari kapag wala kayong binili hehe" Tumango na lamang ako, nahihiya man ngunit si Jhovell na ang pumili para sa akin. Pati sa pabango. Lumabas kami ng Store na may tig dalawang paper bag na bitbit. After ng malling ay kumain naman kami sa isang kainan na WG STEAKHOUSE. Pinapili kami ni Ava. Ang sabi nya ay pumili lamang kami. Dahil nga first time namin ay gusto namin i try ni Jhovell ang iba. Nag order ako ng Fresh Mozarella & Beef steak tomatoes, samantalang si Jhovell naman ay sinubukan ang Wolfgang Salad. Pinapili pa kami ni Ava ng ibang order. Umorder naman si Ava ng Porterhouse for Three para sa aming tatlo. At nagpadagdag nalang kami ng Chicken Parmigiana at Grilled salmon. Nang okay na ang Order namin ay Kumain na kami. Masarap ang pagkain nila. Syempre Picture muna bago Kumain, Kita ang Background ng Wolfgangs Syempre para may pang IG naman daw. Matapos namin kumain ay nag banyo muna si Ava. Naiwan nya ang resibonna pinagbayaran. Halos Manlaki ang Mata ko ng makita ko ang Bill na Binayaran nya halos umabot ng 20,000. Nagtaka naman si Ava pag balik nya. "Oh Bakit Penny?" "Wala naman, Ava..Sana pala nag Jollibee na lang tayo.. siguro di pa tayo lalampas ng one thousand." "Hehee Ok lang yon, bilin ni Master, Hwag kana malungkot okay. Tara na sa Hotel para makagayak na rin kayo pauwi." Aya nito sa amin. Habang nasa sasakyan ay nag kwe kwentuhan kami. "Ava, ano bang Work ni Master? Bakit ganyan sya mag lustay ng pera?" "Hmm.. di ko rin talaga alam, Basta ang alam ko lang ay Malihim syang Tao. Mayaman at Makapangyarihan." Saad ni Ava. Nang makarating na kami sa Hotel ay inayos na rin namin ang aming mga gamit saka kami Hinatid ni Ava. Ayaw na sana namin magpahatid ngunit nag pilit sila kaya sa Labas ng Dimasupil nya kami ibinaba. Pagpasok pa lamang namin ay Nakaabang na agad ang Mga Tsismosa naming Kapit bahay na pinangungunahan ni Aling Taleng. "Aba, Penny ang dami nyong dala, Baka naman makakahingi na dyan?" Tanong nito ngumiti lang ako. "Siguro Mayaman ang Customer nyo ano kaya may pa shopping pa kayo, ganyan din si Janiz noon nagka Customer ng Afam, Aba binilhan ng Mga mamahaling Damit at Pabango." Bida pa nito. "Talaga Aling Taleng? Parang di naman. "Sa bagay nga naman para saan pa ang Magandang Mukha at Katawan kung hindi rin pakikinabangan, Haha sabi na at babagsak din kayo gaya ng Kay Janiz haha." "Ay mali parin kayo aling Taleng? Magkaiba po kami at Si Janiz, kasi po kung sakali man na Gamitin namin ang Kiffy namin eh sa iisang Lalaki lang po, Hindi tulad sa anak nyo na paiba iba ng lalaki. Siguro kung Pagsasamasamahin at ihahalera yung mga Hotdog na Pumasok sa anak ninyo baka simula sa Arko sa labasan hangang dito sa Tindahan ni Aling Ambrocia. Pano naming Di malalaman e ikaw mismong nanay ang nagbabalita, proud ka pa? Halika na nga Penny." Aya ni Jhovell kaya lumakad na kami at nilampasan ang mga Mosang naming Kapit bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD