Isang linggo. Isang linggo ko na siyang iniiwasan dahil sa nangyari. Bukod sa naiinis ako sa sarili ko na hindi man lang ako nagprotesta sa ginawa niya ay halos mandiri rin ako sa tuwing naaalala ko na nagawa niya nga iyon.
Bakit ba ako pumayag? Ni hindi ko siya tinulak. Puro ungol pa!
My gosh, Veron!
Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na pwede ang ganoon. Hiyang-hiya ako pagkatapos no'n. Iniiwasan ang matitigan siya. Kaya hanggang ngayon ay hindi ako makatingin sa kanya.
Kahit pa sabihing nakatulong ang ginawa niya ay hindi ko na hihilinging ulitin pa niya! Hindi na!
That is inappropriate!
Sinong lalaki ang masisikmura ang ganoon?
Si Drake lang, Veron!
Pinilig ko ang ulo sa naisip. Hindi na yata ako makamo-move-on. Sa susunod ay didiretso na akong ospital para hindi na maulit. Sa tingin ko ay hindi na ako makahihinga kung mangyayari pa ulit iyon. Idagdag pang nabawasan ang panty ko! Urgh!
'I'll give you another dozen of underwear.'
Namilog ang mga mata ko matapos sumagi iyon sa isipan ko.
Did he just say that? Talagang nag-english din siya?
Sa palagay ko ay iba ang rumehistro sa isipan ko. Baka naman guni-guni ko lang na sinabi niya iyon at sa wikang ingles pa. Baka naman naliyo lang ako noon sa nararamdaman ko kaya't hindi ko napag-tuunan ng pansin ang mga sinasabi niya.
Ngunit kusang bumalik ang nangyari sa isipan ko at maging ang paraan ng pagsasalita niya. Malinaw ko nang naaalala na sa durasyon noong nangyari ay ingles ang gamit niya.
Umawang ang mga labi ko. Ayokong mang-insulto. Baka naman nakapag-aral naman siya, bumagsak lang sa pagiging tindero.
Baka nga, Veron!
At kahit na naisip kong ganoon nga ay hindi ko pa rin lubusang matanggap. Kung hindi pa ako tinawag ni Christian para sa mga order ko ay hindi na iyon maaalis sa isipan ko. Hindi naman tuluyang nawala, naisantabi lang.
"Veron, heto na lahat. Gusto mo bang ihatid kita sa sakayan?" Ngumiti ito na nakapagpalabas sa biloy niya.
Alanganin akong ngumiwi at sinulyapan pa ang buhat nitong paperbag. Nagi-guilty ako na kausap ko siya ngunit ang isip ko ay umiikot kay Drake.
Tumikhim ako at ngumiti na ng tuluyan, "Hindi na. Kaya ko na. Salamat, Christian."
Mabilis ko pang kinuha ang paperbag. Wala siyang nagawa kun'di ibigay iyon sa akin at mapakamot sa sariling batok.
"Kahit sa terminal lang. Ayaw mo?"
Mabini akong umiling at ngumiti, "Hindi na."
Kaya ko naman at hindi na kailangan. Isa pa ay nakokonsensya ako kahit pa hindi ko naman siya boyfriend. Ayaw kong isipin niyang malaki ang pag-asa niya. Kahit mukhang malabo na.
Bumuntong hininga ako at tumuloy na sa sakayan ng Jeep. Dapit hapon na at kailangan ko pang sunduin si Mareng sa mango store.
And just like that, I cursed. Malaking kalbaryo na naman na makikita ko si Drake. With that, the fresh memory from last week flashed again in my mind. Pati ang pag-ungol ko ay bumalik sa balintataw ko.
What the heck, Veron?! Stop!
Wala sa loob na nasampal ko ang magkabilaang pisngi ko at mahinang umatungal. Gusto ko nang umiyak sa pabalik-balik na alaala!
Gusto ko nang burahin iyon! Wala na yata akong mukhang maihaharap pa kay Drake.
At bakit ako pa ngayon ang mahihiya? Siya dapat itong mahiya at ginawa niya iyon. Ni hindi ko hiniling 'yon!
Nababaliw na naman yata ako!
Bwisit na Drake!
Ilang beses akong huminga nang malalim matapos bumaba sa Palengke. Ngayong nasa bungad na ay kumakabog na ang dibdib ko.
Paano ba?
Kunin ko na lang kaya basta si Mareng at itakbo pauwi. O kaya naman ay iwasan ko na lang ang tingnan si Drake.
Fine! Hindi ko na lang siya titingnan at hindi kakausapin!
Iyon ang plano ko sana. Ngunit nang makarating sa fruit section ay malayo pa lang, tanaw ko na ang pangangatawan nitong puno ng tattoo.
Paano ka iiwas, Veron?
Bumagal ang paghakbang ko at pilit umiwas ng tingin. Minsan ay yumuyuko upang hindi ko siya mahagip ng tingin. Ngunit nang malapit na ay wala sa loob na napa-angat ako ng tingin.
At gusto ko ulit pagalitan ang sarili matapos masalubong ang mga titig niyang seryoso. Kunot pa ang noo at lumalalim ang titig.
Nanlamig ako at nangatog ang mga tuhod. Nagbukas-sara pa ang mga labi ngunit walang lumabas na salita sa bibig ko. Ni hindi ko mai-hiwalay sa kanya ang titig ko.
Veron, iiwas dapat!
Sa naisip ay mabilis akong nagbaba ng tingin. Ang kaso ay dumiretso ang titig ko sa mga kamay niyang may hawak na mangga. Kulang na lang ay mag-hello sa akin ang mga daliri niya.
Napapikit ako nang mariin sa bumabalik na alaala. How his finger played on my- on my-
Shut it, Veron!
Bumibigat ang hininga kong nilagpasan siya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mango store. Nahahapong nilapag ko sa counter ang paperbag at napaypay sa sarili.
Susmiyo! Paano pa ako nito makatutulog nang maayos?
"Mimi, are you sick?"
Marahas akong napalingon kay Mareng na nag-aayos ng tigbe-bente. Her baby blue eyes shouts curiosity. Maging ang labi ay nangunguso.
"No, Baby. Why?" Wala sa loob na napahawak pa ako sa noo ko.
"You are red like an apple, Mimi."
Ang kamay kong nasa noo ay mabilis na dumapo sa pisngi ko. Dinadama kung mainit iyon, ngunit hindi naman.
"Blush on lang 'yan, Baby."
Napangiwi ako. Kailan ka pa nag-blush on, Veron?
Mabuti na lang at tumango si Mareng. Nagpatuloy sa pagbibilang ng bente.
Ang akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag ngunit pagpihit ko pagilid ay matipunong dibdib ang sumalubong sa mga mata ko. Mas lalo yatang umakyat ang init sa magkabilaang pisngi ko sa nakikitang matigas na dibdib na puno ng tattoo.
Veron, ano na?!
Umawang lang ang mga labi ko at napahawak sa counter nang mas lumapit iyon. Pigil ko na ang paghinga nang maramdaman ang braso niyang kinukulong ako sa counter.
"You're red. Calm down," he whispered.
Ngunit hindi ako nakalma. Mas namula pa yata ang mga pisngi ko at mas kumabog ang dibdib ko. His natural heat is silently burning me.
Hindi na yata ako makakapag-isip nang matino sa tuwing malapit siya. At mas nagwala ang pakiramdam ko matapos dumikit ng dibdib niya sa braso ko.
Urgh, Veron!
"Mareng, suklian mo." Iniabot pa nito ang isang libo kay Mareng, ngunit hindi lumayo sa akin.
Mareng beamed. She even smelled the one thousand peso bill bago nagbilang ng walong daan at agad na binigay kay Drake.
Alam na niyang manukli?
"Pare, I want mango shake as my salary."
I heard Drake's chuckled, "Yes, sure."
Doon lamang siya lumayo at bumalik sa tabi ni Didoy.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ngunit ang traydor kong mga mata ay pilit siyang hinahanap. Sa huli, nasa kanya ulit ang tingin ko. Napakurap nga lang ako matapos niyang humarap at pilit inaabot sa akin ang limang daang piso.
"A-aanhin ko 'yan?" Napatitig pa ako nang matagal sa pera.
"Ipasukli mo kay Mareng." Lumalim pa ang titig niya.
Mabilis akong tumalima at kinuha ang limang daan. Pansin ko pa ang bahagya niyang pagngisi matapos dumikit ang dulong daliri niya sa daliri ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko at hinarap si Mareng.
Ngunit ang puso ko ay walang humpay sa pagkabog. At kahit na hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang paninitig niya.
I refrain myself from looking at him again. Kinunot ko ang noo ko at nilingon si Mareng na malalim din ang tingin sa akin.
Wala sa loob na napaatras ako. Looking at Mareng now, I felt like looking at Drake's eyes in a shade of blue.
Bakit ba parang sa paningin ko ay magkahawig sila? Is it because they are always together?
I mean, there's no doubt that Drake is good-looking. Mas lalo na ngayon na unti-unting tumutubo ang maliliit na buhok sa panga niya. Kung magiging asul lang ang mga mata niya ay kamukha na niya si Mareng.
Talaga bang pati iyon ay naisip ko? That is impossible, hindi sila mag-ama!
"Mimi, the customer is waiting. Akin na po ang five hundred, susuklian ko na."
Natauhan ako dahil doon. Tumalima ako at binigay kay Mareng ang pera. Pagkakuha ay inabutan ako nito ng three hundred. Napatitig pa ako roon.
"Is this right, Mareng? Paano mo nalamang three hundred ang sukli?" Nilingon ko pa siya at nilahad ang tatlong daan.
Humalukipkip siya, "Pareng Drake signaled three." Pinakita pa nito ang money sign, three fingers up. "So, that means, three hundred."
Naitikom ko ang bibig at sumusukong bumaling kay Drake. Nakatitig na ito at naghihintay na ang palad niya.
Patay malisyang nilapag ko sa palad niya ang tatlong daan at agad na bumaling kay Mareng.
Bakit ba sunod-sunuran si Mareng sa kanya?
Ang akala ko ay isang beses lang iyon ngunit para na akong robot na tumutulong manukli sa nakalipas pang oras.
Ang plano ko tuloy na pag-iwas ay nawala. Mas lalo ko lamang siyang nakasalamuha.
Ang tanga, Veron!
Nang wala nang customer ay nakahinga na ako nang maluwag at agad na binitbit ang paperbag. Balak ko na rin sanang buhatin si Mareng upang makaalis na ngunit umiling ito at matindi pa ang hawak sa bente.
"Uuwi na tayo, Mareng."
Napasimangot siya at marahas na umiling na kinaawang ng mga labi ko.
"No, Mimi. Hindi pa uuwi si Pareng Drake." Umiling siya lalo at mas niyakap ang hawak na bente.
Napirmi ang mga labi ko at liningon si Drake. Kausap nito si Didoy, inutusan pang bumili ng shake.
Mas lalo akong namroblema. Uwing-uwi na ako at ayaw kong makasama pa siya. Ngunit anong laban ko sa anak ko?
"Hindi ka pa ba magsasara? Magdidilim na." Nilingon ko pa ang orasang nakasabit sa dingding ng tindahan.
Sa muling paglingon ko sa kanya ay palapit na siya at tumigil pa talaga sa tabi ko. He even crouched a little and stared at me. Not minding if Mareng is watching.
Sa naisip na nanonood si Mareng ay ako na ang umiwas. Lumayo ako at linapag muli sa counter ang paperbag.
"Dalawang oras na lang. Uuwi na tayo," si Drake.
"Ngayon na. Magluluto pa ako."
"Kumain tayo sa labas-"
"Hindi. No. Sa bahay kami kakain."
Kita kong kumibit balikat siya, "Dalawang oras na lang."
Napairap ako at humalukipkip. Sinulyapan ko pa siya at isang beses pang inirapan.
Nahihirapan na nga akong makausap siya sa bawat minutong lumilipas pagkatapos ay dalawang oras pa?
Magtiis, Veron!
Bigo akong makumbinsi siya ulit na umuwi. Hindi ko rin maalis si Mareng sa pagbibilang ng pera. Wala akong nagawa kundi tumulong sa pagbebenta. Iilang customer pa ang namili ng mangga. Natigil lang nang bumalik si Didoy. May bitbit na apat na shake at apat na burger.
"Yes! Thank you, Pareng Didoy! Magwo-work na ako always dito," si Mareng na nauna pang kumuha ng shake.
Napailing ako at kinuha rin ang inaabot nitong shake. Maging si Drake ay lumapit sa counter. Nagsuot ng t-shirt bago sumimsim sa shake niya. Dumako pa sa akin ang mga mata niyang seryoso na naman!
Umiwas ako ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang shake at burger. Inabot ko pa ulit ang paperbag at nagkunwaring tinitingnan ang mga nakuha kong items.
Doon ko tinuon ang atensyon kahit pa ramdam ko ang pananatili niya sa gilid ko at panonood sa ginagawa ko.
Kinunot ko ang noo ko at nilabas ang isang lotion. Kunwaring binilang ko pa ang lahat ng items. Namula nga lamang ang mga pisngi ko nang mailabas ko ang feminine wash. Sa kaba ko ay naibalik ko ulit iyon sa paperbag kahit na alam kong nakita na niya.
Baka isipin niya gamit ko iyon kahit hindi!
Naramdam ko ang mas paglapit niya. Pigil ko ang paghinga at tinuon na lamang ang mga tingin ko kay Mareng na nakikisilip sa paperbag. Ngumiti ako nang mag-angat ito ng tingin.
"Mimi, wala iyong order ni Pareng Drake?"
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Pilit ko pang inalala kung anong order ng lalaking nasa tabi ko na.
Wala naman siyang order!
"What order, Baby?" Hinalughog ko pa ang paperbag para hanapin doon kahit alam kong wala.
"Iyong brief, XL, Veron," he whispered.
Natigil ako at naipagsalubong ang mga kilay. Namula nga lamang ang mga pisngi ko matapos maalalang nag-order nga siya. Hindi ko alam na seryoso siya.
Liningon ko siya at bahagya pang tumikwas ang kilay ko.
"Akala ko ay hindi ka seryoso."
Lumalim ang titig niya. Nahuli ko pa ang bahagyang pagpasada ng dila niya sa ibabang labi at pagkagat doon bago nagsalita.
"Seryoso ako, Veron," he said that without taking his eyes of me.
"Seryosong brief nga ang order mo?" Tinaas ko pa ang kilay ko.
"Seryosong XL din."
Nag-init ang magkabilaang pisngi ko at napainom sa shake.
Seryosong XL? Hindi makatarungan!
Nangatog yata ang mga binti ko at hindi na makatingin sa kanya. Mabuti na lang at siya na mismo ang lumayo ngunit minsan kong nahuhuli ang pasulyap-sulyap niya.
Masyado na yatang nadudumihan ang isipan ko dahil sa kanya! Kung pwede lang siyang itaboy ay ginawa ko na.
Sa loob ng dalawang oras tikom ko ang mga labi. I don't wanna talk anymore, kinakabahan ako na baka mas nakakaakit ang sagot at reaksyon niya.
I kept my mouth shut. Hanggang sa maubos ang mga mamimili ay tahimik ako. Sinubukan ko pang tumulong magligpit ngunit mainit na palad ang pumigil sa pagbubuhat ko ng basket.
Napapaso kong nabawi ang palad ko at pabagsak na nabitiwan ang basket ng mangga na walang laman.
"Ako na. Lumabas na kayo ni Mareng."
Sa taranta ko ay agad kong binuhat palabas ng tindahan si Mareng habang bitbit ko sa kanang kamay ang paperbag.
Pinanood ko na lang silang magligpit at magsara. Palingon-lingon pa sa amin si Drake ngunit pilit kong iniiwas ang tingin ko.
"Mimi, I'm sleepy." Humikab ito at siniksik ang ulo sa leeg ko.
Marahan kong hinagod ang likod niya at hinele. Muli ko pang sinulyapan si Drake na kinakandado na ang tindahan ngunit nasa amin ang tingin. Nagmadali pa itong makalapit at agad na kinuha si Mareng sa bisig ko.
Hindi na ako umalma at may kabigatan din si Mareng. Hinayaan kong siya na ang magbuhat. Nauna pa siyang naglakad at nanatili akong nasa likod nila. Takot na muling madikit sa kanya.
He looks very manly with a child in his arm. Kung hindi ko lang alam na binata siya ay iisipin kong may anak na siya.
Napatigil ako sa paghakbang. Hindi ko pa nga pala alam kung may asawa at anak na siya. Walang siyang singsing ngunit baka hindi pa sila kasal. Ayoko naman na makasira ng pamilya.
What, Veron? Ano'ng makasira ng pamilya?
Napapikit ako nang mariin. Bakit naman ako makasisira ng pamilya gayong hindi ko naman siya gusto. Mali. Hindi ko sigurado.
Napalunok ako sa naisip. Did I just consider liking him?
"Veron, may nakalimutan ka?"
Napakurap ako sa tanong niya at mabilis na lumingon-lingon sa paligid. Naghahanap ng mai-dadahilan. Saktong tapat ko ay nagtitinda ng kung ano-anong gamit.
"Bi-bili lang ako ng sinulid."
Halos kagatin ko ang dila ko sa nasabi. Aanhin ko ang sinulid? Ngunit sumagi sa isip ko ang sinira niyang panty ko. Am I really gonna weave that ripped underwear?!
"Ano'ng gagawin mo sa sinulid?" Kumunot ang noo niya at liningon din ang tindahan.
Tumikhim ako at kunwaring hindi apektado, "Tatahiin ko ang panty ko-"
"Didn't I tell you I will buy you another dozen?" putol niya sa sasabihin ko.
Nagpantig ang tainga ko at nanlilisik ang mga mata kong lumingon sa kanya. Akala ba niya, basta sinabi niya ay paniniwalaan ko? At bakit pa niya pinapaalala?
"Excuse me, may panty ako-"
"Hindi ko naman sinabing wala. Dadagdagan ko lang, baka sakaling marami ang masira ko."
Sa sinabi niya ay naglumikot muli ang isipan ko. Him ripping my panty away and diving in- stop!
Bwisit ka, Drake!