"Magtigil ka nga, Drake," suway ko sa kanya bago binawi ang palad ko.
Isang beses ko pang sinulyapan ang tiyan niya bago umiwas ng tingin, "Hindi naman pandesal. Putok bread yata," mahinang usal ko ngunit agad ko ring natakpan ang bibig ko.
"Ano'ng sabi mo, Verona?" naguguluhang tanong niya.
Mabilis ko siyang sinulyapan at nang makitang salubong ang kilay niya ay mabilis din akong umiwas ng tingin. Ni hindi makapagsalita.
Ano ba kasing putok bread, Veron?!
"Fine. Huwag mo nang sagutin. Please go home. Mareng is waiting. Magluluto lang ako." Umahon siya mula sa pagkakadukwang at agad pa akong iniwan sa kwarto.
I even saw his massive back full of tattoos, making me feel the urge to touch it.
Urgh, Veron!
Pagkalabas niya ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Para akong pinagkaitan ng hangin at inagawan ng hininga. Noon ko lang din nalibot ang kwarto niya. It's plain. Ngunit agaw pansin ang kabinet niyang naliligaw ang disenyo. It's intricate design shouts elegance. It looks expensive, ngunit baka imitation lang din.
Maging ang higaan niya ay malambot kumpara sa kama namin ni Mareng. Kung dito ako matutulog ay baka abutin ako ng tanghali bago magising.
But no, hindi ako matutulog dito na kasama siya. Delikado.
Afraid of that thought, I hurriedly stood up and followed him to the kitchen. Hindi pa nakatakas sa paningin ko ang malinis at maayos na ayos ng bahay niya. He even has a long sofa and a love chair.
Bakit hindi ko iyon nakita kanina? Nevermind.
Maging ang mini ref niyang abuhin ay umagaw rin ng atensyon ko. It's similar to what he gave to us. Ngunit hindi nagtagal doon ang tingin ko. Lumipat din iyon sa kanya na hubad pa rin ang pang-itaas habang naghihiwa ng karne ng baboy.
Halos mag-init pa ang magkabilaang pisngi ko nang matanaw ang abs niyang nagpapapansin na naman.
Enough, Veron!
Mahina kong pinilig ang ulo at tinutok ang tingin sa mga kamay niyang mabilis kumilos sa paghihiwa. Tumikhim pa ako bago lumapit nang tuluyan at tumayo sa harap niya.
"Uhm, ano'ng lulutuin mo?" alanganing tanong ko, afraid to make him mad again.
From the chopping board, his sight moved to mine. Bumagsak pa ang tingin niya sa mga labi ko ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin.
"Go home, Verona. Walang kasama si Mareng."
Pansin ko ang pagkawala niya ng gana na naging dahilan pa upang manatili ako roon.
Is he still upset about Christian? But I am not dating Christian!
Lumalim ang titig ko sa kanya at sa hindi na niya paglingon sa akin. Staring at him right now made me realize again that I don't know anything about him, even his family background.
"Where's your family, Drake?"
That question popped into my head out of nowhere.
He stopped chopping and then looked at me immensely.
"Na sa'yo, Verona." Then he started to slice the meat again.
Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo sa sagot niya.
Na sa akin?
What?
"Huh? Hindi kita maintindihan, Drake. Saan nga ang pamilya mo?"
He stopped again from chopping. Hinuli niya pa ang tingin ko, "Na sa'yo ang pamilya ko, Verona. Bingi ka ba o baka gusto mong bumuo ng pamilya kasama ko?"
Agad akong napaatras sa tanong niya at natakot sa pagkabog ng dibdib ko.
Pamilya kasama siya? With Drake?
"Madali naman akong kausap, Verona. I am even willing to build a family with you-"
"Oh, shut up, Drake. Nilalayo mo ang usapan." Pigil ko sa mga sasabihin pa niya.
He's playing. Akala ba niya ay nakatutuwang sabihin na nasa akin ang pamilya niya? I didn't even know his surname!
"Are you afraid, Verona? You don't have to worry, I'm a gentle man when it comes to be-"
"Please stop! Shut it, Drake. Hindi ako nakikipagbiruan."
Tinalikuran ko siya at kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko ay minadali ko ang lumakad patungo sa pinto.
"Ilang anak ba ang gusto mo, Verona? We can make them all night, and all day-"
"Shut up, Drake!" malakas na sigaw ko bago malakas na sinarado ang pinto niya.
Halos hingalin pa ako nang nasa labas na kahit na hindi naman ako tumakbo nang mabilis.
He's making fun of me again! Akala ba niya ay nakatutuwa ang mga sinabi niya? Hindi!
Build a family with him? Na-huh. He's not my choice.
Marahas akong napailing at nagmadali pang umuwi. Tumatahip pa ang dibdib ko nang makarating. Nadatnan ko pa si Mareng na nanonood sa T. V.
She cringed when she felt me sitting beside her, "What, Mimi? What did you do inside Pareng Drake's apartment?"
I know her question has no malice ngunit sa nangyari ay iba naman ang tingin ko sa tanong na iyon. Pigil ko ang magalit at pinilit kinalma ang sarili ko.
"Nothing. May tinanong lang ako," na hindi nakakuha ng magandang sagot.
I tsk. Agad din akong tumayo at humakbang patungo sa kwarto, "Matulog ka na after that," bilin ko pa sa kanya.
"But, Mimi. Hindi ka naman lalayo kay Pareng Drake di ba?" habol na tanong niya pa.
I stopped walking and looked at her from behind. Why did she ask that?
"Hindi naman ako lalayo."
Hindi lalayo ngunit iiwas lang. For the past few days, ganoon nga ang ginawa ko. Umiwas kahit pa nakakasama ko siya. Maybe, he noticed it, but didn't argue about it. Ang hindi ko nga lang maiwasan ay ang pagtatrabaho ko sa store katulad ngayon.
"Mimi, why are you not talking to Pareng Drake?" si Mareng.
Kusa akong tumigil sa paglalagay ng pera sa belt sa tanong niya. Nalingunan ko pa siyang kumakain ng mangga. Maging ang malisyosong tikhim ni Didoy ay narinig ko pa.
"Right, Pareng Didoy? Mimi is not talking to Pareng Drake." Nilingon pa nito si Didoy.
"Mareng, stop that. I'm busy." I looked at her with warning but she pouted.
Natutok pa ang tingin niya kay Drake na nagbaba ng basket. Maging ako tuloy ay napalingon kay Drake na sa akin na ang tingin na malalim.
"Your Mimi is busy, Mareng. She doesn't have time to talk to me."
I sensed resentment in his voice that made me furrow my brows.
Ngayon siya na naman ang galit? Napakagulong Drake!
"Even so, she should talk to you, Pare. My birthday is near. I want both of you to be in good terms that time." Mareng pouted her lips more and even sobbed a little.
Agad siyang nilapitan ni Drake at pinunasan pa kuno ang mukha niyang wala namang luha. Napamaang na lang ako at tinalikuran silang dalawa.
Hindi na ako makukuha sa acting na ganyan! Is she using Mareng against me?
Na-huh. That can't be!
Nanunulis ang mga labing inasikaso ko ang lolo na bumili. Taranta pa ako nang mag-abot ito ng isang libo at kulang ako sa barya.
Umakma pa akong hahakbang sa counter ngunit natigilan nang makitang nandoon na si Drake at nasa gilid niya si Mareng na hawak ang cellphone niya. Kusang tumikwas ang kilay ko sa nakita.
He's letting Mareng play on his phone?
"What, Veron? Don't make me cruel. What do you want?"
Nawala ang atensyon ko kay Mareng nang magsalita siya. I have no choice but to come closer, ngunit ayaw ko siyang kausapin. Kusa ko na lang na binuksan ang kaha at kukuha na sana ng panukli ngunit pinigilan niya ang kamay ko. Halos bawiin ko pa iyon sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko mula roon.
"Hindi ka ba magpapaalam man lang?" he mocked.
Napamaang ako at napa-angat pa ng tingin sa kanya bago marahas na binawi ang kamay ko.
Why would I? He is not the Boss!
Umingos ako at basta na lang kinuha ang sapat na sukli bago siya tinalikuran. Nasalubong ko pa ang tingin ni Didoy na nanunukso.
Ilang beses na ganoon ang nangyari. Akala ko ay hindi na matatapos. Mabuti na lang at natanaw ko si Christian na palapit sa tindahan. Mabilis ko pa siyang kinawayan at tinawag.
"Christian! Mangga?"
Nasalubong nito ang tingin ko na agad na kinalabas ng biloy niya. He looks so charming with his pink shirt and white khaki short. Idagdag pang clean cut ang buhok.
Bakit kasi hindi na lang ikaw Christian?
"Veron, musta? Wala ka bang ipapakuhang order?" tanong nito nang makalapit.
I smiled timidly and shook my head, "Wala pa, Christian. Iipunin ko muna. Bili ka na pala ng mangga. Baka naman," biro ko pa sa kanya.
Mahina siyang tumawa at napahagod pa sa batok niya bago linibot ng tingin ang tindahan. Nawala nga lamang ang pagtawa niya at nauwi sa pagtikhim. And I know why. Hindi na ako magtataka kung umaani na naman siya ng masamang tingin mula kay Mareng at Drake. But I do not care. He is my savoir as of now.
"Pasok ka, Christian. Ikaw na ang pumili," nilahad ko pa sa kanya ang basket.
Walang alinlangan siyang lumapit at bahagya pang lumuhod sa basket. Agad ko siyang linapitan at tinulungan pang mamili.
"Lahat naman iyan matamis, pero ikaw baka may gusto ka kung gaano kalaki."
"Itong sakto lang, isang kilo lang naman, Veron. Ibibigay ko lang sa'yo."
Hindi ko mapigilang mapakurap at mamilog ng mata sa sinabi niya, "Huwag mong ibigay sa akin. Iuwi mo na lang. Hindi naman ako mahilig sa mangga. Si Mareng lang ang kakain niyan."
"Kaya mas lalong dapat kong ibigay, baka pumasa na ako kay Mareng."
Mahina pa siyang tumawa na kinatawa ko rin. Bibiruhin ko pa sana siya kung hindi ko lang narinig ang malakas na pagtikhim ni Drake. Ngunit hindi ko siya nilingon, kay Christian lang ang tingin ko.
"Ayos na 'yan, Veron. Kumuha ka na lang ng extra pang isang kilo para sa'yo," si Christian.
Tumayo siya at nilahad pa sa akin ang kamay upang tulungan akong tumayo, "Bibisitahin pala kita sa makalawa," dagdag pa niya.
Hindi pa man ako nakasasagot ay malakas na pagtikhim na naman ni Drake ang narinig ko ngunit inignora ko.
"Punta ka na lang sa birthday ni Mareng-"
Ngunit natigilan ako nang maramdaman ang mainit na palad ni Drake na sumalikop sa palad ko.
"Verona, can you lend me a hand?" hiling pa ni Drake na kinatulos ko sa kinatatayuan.
"Verona-"
Nagtitimping nilingon ko siya sa muling pagtawag sa akin, "What, Drake?!"
"Can you wipe my sweats?" He even waved the white, thin towel in front of me.
Marahas akong napabuntong hininga at pigil ang inis na kinuha ko iyon sa kamay niya. Pagkatapos ay nagpapasensya pa akong humarap kay Christian.
"Pasensya na Christian, pupunasan ko lang sandali ang likod niya."
Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya at masamang tingin na ginagawad kay Drake.
At kahit nakita ko iyon ay patay malisya pa akong sumulyap kay Drake na pareho ang reaksyon kay Christian. I tried to clear my throat to get his attention, but it was useless.
"Drake, akin na. Pupunasan ko na ang likod mo."
Hinawakan ko pa ang braso niya upang maitalikod siya ngunit hindi naman siya natitinag.
"Not in my back, Verona. Wipe my sweats on my stomach."
Pagkasabi'y walang seremonyas niyang hinubad ang sariling t-shirt at bahagya pa iyon tinapon sa balikat ko. Nasamyo ko pa ang amoy pawis ngunit nakahahalinang bango niya.
"In my stomach, Verona," he repeated, then held my hand with towel and maneuvered it by wiping his stomach.
Kusang umawang ang mga labi ko sa ginawa niya at sa nararamdamang tigas ng mga iyon kahit may maliit at manipis na tuwalya.
Ang akala ko ay tapos na ngunit inangat niya pa ang kamay ko at mula sa dibdib niya ay pinadausdos niya iyon hanggang sa ilalim ng tiyan niya. I couldn't help but be magnetized by what he made me do, but then I realized what I was doing when Christian grabbed my hand away from Drakes' body.
"Ganyan ka ba tumrato ng babae? Papahaplos ka kung kailan mo gusto?!" maangas na tanong ni Christian.
But Drake didn't even look bothered, ngumisi pa at walang pasabing kinuha ang t-shirt niyang nasa balikat ko.
"Where did that anger come from? She's not yours as far as I know," maangas din nitong sagot kay Christian.
"Kahit na. Hindi rin naman siya sa'yo kaya wala ka ring karapatan na ipagawa 'yan sa kanya!"
Even I, myself, realized that I had become a fool. Pinahaplos lang ay nadala agad. Kung hindi siguro ako pinigilan ni Christian ay iba na ang nagawa ko.
"You don't dictate to me what am I and Veron will do, dumbass!" Inangat ni Drake ang ulo niya at bahagya pang lumapit kay Christian.
And now I'm breathless. I'm breathless from being torn between them.
"Sa tattoo mo pa lang ay hindi ka na katiwa-tiwala. Bakit ka ba dikit nang dikit kay Veron?"
"Because I'm an asshole, dumbass." Mas lalo pang lumapit si Drake at walang pasabing kinabig ang bewang ko.
I am speechless. Unable to speak or to stop them. Ni hindi ko pa maproseso ang mas lalong paghigit sa akin ni Drake palapit sa kanya.
"Hahanapan kita ng butas nang mawala 'yang yabang mo!" banta ni Christian.
Kita ko pa ang daliri niyang nakaduro kay Drake na hinipan lang ng huli. He doesn't even look scared.
"Do it then. But Veron will stay by my side, Mokong! Hindi ka invited sa birthday ni Mareng-"
And there I found my tongue to stop his childishness.
"Stop, Drake! You're acting childish!" Tinitigan ko siya nang malalim at pilit kumawala sa hapit niya.
Dinig ko pa ang pag-alma ni Christian, "Ganyan ba ang gusto mo, Veron? Marunong lang mag-english, wala naman sa ugali ang nakapag-aral-"
But Drake didn't let him finish his words, "Ikaw na ang matino. But you can't never kiss Veron like I always do." Niyuko niya ako ng tingin at tinitigan nang malalim, "Right, Verona? How many times did I kiss you?"
Tila ako nahilo sa tanong niya at tuluyan nang nawala. At imbis na pagsalungat ay kusa pang bumalik sa balintataw ko ang bawat eksena nang panghahalik niya.
But then, he asked again the question that wakes me up, "Do you want me to kiss you now, Verona?"
Kusang nagising ang diwa ko at naitulak siya. Hindi na ako papayag na basta na naman mahalikan ng isang Drake.
Iyon lang ba ang maipagmamalaki niya? Ang manghalik ng babaeng walang laban?
I thought he was more than that. I forgot that he was worse.
Sa naisip ay sinamaan ko siya ng tingin bago binalikan ng tingin si Christian. Alanganin pa akong ngumiti nang makita ang madilim niyang awra.
"Uhm. Sorry Christian. Tatawagan kita sa birthday ni Mareng. Pasensya na talaga. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi," hinging paumanhin ko.
Wala siyang sinabi o binigkas. Binagsak niya lang ang isang supot ng mangga sa sahig na nakasira-sira bago tumalikod.
Nang hindi ko na siya matanaw ay agad kong hinarap si Drake at pinaningkitan ng tingin.
I don't like what he did. Naliyo lang ako ngunit matino na ako. Hindi ko lang maiwasang magdamdam na kaya niyang gawin ang ganoon kahit nasa publikong lugar. With the rage I felt, I spit fire on him.
"Ano ako sa tingin mo, Drake? Alipin ako? Alipin ng mga halik at haplos mo?! Drake, babae ako! Disenteng babae!" Tinuro ko pa ang sarili ko.
Hindi ko lang matanggap na lagi siyang ganoon. He does what he wants. Hahalik kung saan at pahahaplos kahit kailan.
"Please, Drake, have mercy on me. I am not a toy," I tiredly said.