"DADDY?!" Halos lumundag si Hillary nang mukha ng kanyang Ama ang bumungad sa kanya pagkabukas nito sa pinto ng kwarto niya. Ang buong akala ng dalaga ay si Romano iyon. Pagkatapos niyang magtampo kagabi dahil nahuli niya itong may kandong na babae, nawalan siya ng mood na harapin si Romano. Ayaw niya rin makipag usap sa kanyang Kuya. Masyado siya nitong iniinis at pinapaamin na nagseselos siya. "Are you surprised, Hillary?" tanong ng kanyang Ama rito habang nakangiti. "Y-Yeah! Miss na miss na kasi kita." She said disappointed. Hindi niya talaga inaasahan na uuwi na pala ng Pilipinas ang kanyang Ama, nang walang pasabi. Mabuti nalang at mukha siyang disenteng dalaga sa suot nito. Mahigpit siyang napayakap sa kanyang Ama. "Bakit hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka pala?" tanong pa ni

