"Kuya!" Masayang salubong ni Hillary sa kanya nang makauwi si Romano. Magdamag na naghintay si Hillary, sa binata dahil nangako itong uuwi kagabi pero hindi naman. Gusto niya sanang magtampo sa Kuya niya, pero mas nangingibabaw ang kanyang pagkasabik sa kapatid. Mahigpit niyang niyakap si Romano. "Sabi mo kagabi uuwi ka," pabulong na sabi nito. Niyakap rin siya ni Romano pabalik. Hinaplos ng binata ang kanyang likuran. "Doon ako natulog kay Van," nakangiting sagot rin ni Romano. Kumalas si Hillary sa kanya. "Talaga?! Hindi kay Stacey?" paninigurado nito. Umiling si Romano. "Hindi!" "Ano naman masama kung matutulog ang Kuya mo sa kasintahan niya, Hillary?!" malakas na boses ni Don Miguel. Umatras si Hillary ng kaunti palayo kay Romano. Ngayon lang niya napagtanto na magkasama pala sil

