Jelly’s POV Sabay kami napalingon sa kadadating lang na si Sir Luke na galit at madilim ang mukha na nakatingin sa amin, agad nitong nilapitan si Xena na umiiyak pa rin hanggang ngayon habang takip ng magkabilang kamay ang tenga. Kinarga nito ang anak na nag-tantrums habang buhat buhat. Agad akong kumawala mula kay Sir Rome at lumapit sa mag-ama. “Sir, akina- po si Xena at papatatahanin ko siya,” Akmang hahawak ako ng hawiin ni Sir Luke ang kamay ko. “Just stay here, dahil busy ka pa sa ibang bagay kesa gawin ang trabaho mong alagaan ang anak ko!” matalim ang tingin nito sa akin. Hindi na ako nakasagot pa nang agad itong umalis habang buhat ang umiiyak na si Xena. Naiwan akong tulala, hindi ako makapaniwala na parang pinaparating nito na pinababayaan ko ang anak niya. “Jelly, hayaan

