AFTER 2 YEARS Jelly’s POV “Shall we go?” Nakangiting bungad ni Rome ng pagbuksan ko ito ng pinto. Agad kong sinuklian ng matamis na ngiti ang bagong dating na lalaki na bahagya pang natigilan at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napayuko ako at nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng tingin nito sa akin. Alam kong litaw ang hubog ng katawan ko sa suot kong uniform at lantad pa ang makinis kong legs na nagtagal ang tingin ng lalaki dito. Nakita ko pa ang pagtaas baba ng adam’s apple nito. Tumikhim ako para mabaling ang tingin nito sa mata ko, nang magtama ang tingin namin ay muli akong ngumiti dito. “H-hindi ba bagay?” “Of course, bagay na bagay nga eh.” Nag buntong hininga ito. “I’m just worried na marami lalong titingin sa’yo na mga lalaki at baka marami akong matanggal at

