Jelly’s POV Dahan dadan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ng ginaw, agad bumungad sa akin ang maamong mukha ni Luke na himbing na himbing sa pagtulog, bahagya pang nakaawang ang mapulang labi nito. Nakalantad naman ang itaas na bahagi ng mga hubad namin na katawan, kaya pala nakaramdam na ako ng lamig dulot ng aircon. Gusto ko pa sana na magtagal na humiga habang nakaharap kay Luke at nakaunan sa matipunong braso nito, pero kailangan ko nang bumangon. Dahan dahan akong gumalaw at inalis ang kamay nito na nakapulupot pa sa beywang ko. Tinignan ko ang oras, at mag-aala sais na ng umaga. Kailangan ko nang umalis ng kwarto na ito dahil baka kapag nagising na itong boyfriend ko ay paniguradong aangkinin na naman ako nito. Boyfriend, ang sarap sabihin. Biglang nag-init ang mukha k

