WARNING!! SPG ALERT!! – Read at your own risk. Jelly’s POV Napalunok ako nang mabungaran ang gwapong mukha ni Sir Luke na payapang natutulog. Magkaharap kami habang parehong hubad ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakaunan pala ako sa braso nito habang ang isang kamay nito ay nakayapos sa may beywang ko. “Sh*t! Hindi panaginip ang nangyari.” Hindi na ako virgin. Naisuko ko na nga ang Bataan kagabi. Ang masaklap, naisuko ko sa lalaking malayo ang antas ng pamumuhay sa akin, langit at lupa ang pagitan namin, may mga anak na at higit sa lahat ay fifteen-year ang gap namin. Ilang taon lang ang tanda ko sa panganay nitong sa Camilla. Nanatili akong nakatingin kay Sir Luke, malaya kong nalibot ang mukha nito, mula sa mata, patungo sa matangos na ilong hanggang dumapo sa labi nitong nakatikom

