MAHABANG KATAHIMIKAN ang namuo sa pagitan namin ni Todd matapos ang insidenteng yon. Naging abala na siya sa pagmamaneho at manaka-manaka'y pagbuntong-hininga, habang ako naman ay pilit nilibang ang sarili para patigilin ang puso kong hindi kumakalma. Ano ‘yon? Sino nga kaya ang sakay ng kotseng ‘yon? Saglit akong napalingon sa lalaking ga-sinulid lang ang layo kay Kamatayan kanina. Nakatiim-bagang siya, halata ang yamot habang mahigpit na hawak ang manibela. I could see his veins prominently showing on his fist yet he never once talked or even tried to open-up about what happened. I took a deep breath while closing my eyes. God knew how thankful I was just to see him in one piece after what happened earlier. I couldn't help but pray. Hindi ko na napansin kung kailan ako napagod mag-i

