MINSAN INIISIP KO, PARANG TIMANG LANG ANG ARAW. Lulubog... Lilitaw... Tapos ganoon siya ulit bukas. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako, sawang-sawa na sa mga nangyayari. . . It had been months since Alexis took me to this place. Wala na akong natanggap na balita mula nang unang beses na umapak ako sa kwartong ito. Masama ang loob ko sa maraming bagay pero pinakamalala kay Cody. Hindi man lang niya ako maisip na dalawin. Hindi niya ba alam na malungkot ang maghapong tumulala sa bintana sa paghihintay na sana... kahit minsan... maalala niya ako? Buhay pa ‘ko. The room I had been staying in was bleak. Four tufted walls, one bed on the floor, one table, and a comfort room. Bukod sa mga ‘yon ay wala nang kahit anong klaseng gumagalaw ang makikita sa kwarto. Kahit maganda ang umaga sa

