‘COME ON, NICOLETTE. It was an accident. Sabi ni Todd, ‘di niya sinasadya ang nangyari. Don't be judgemental. Challenge lang ‘to. Challenge lang--’
"Grabe namang challenge ‘yan! He killed a man!"
Hindi ko napigil ang malakas na paghampas ng kamay sa kaharap na dashboard. Ramdam ko ang lakas noon batay sa ingay na umugong sa loob ng sinasakyan at kirot na nadama ng aking palad. But dàmn, how would I contain this thing that just keeps sipping in my head?
‘Ang anghel kong si Todd...
May napatay na tao.
At sa lahat ng tao...
Kapatid pa nito.’
Huli na para maalala kong nakasakay nga pala ako sa isang taxi pauwi at hindi nag-iisa. Katunayan noon ang gulat na tinging ibinibigay ngayon ni Manong Driver sa akin na tila ba nahihibang na ko.
"S-sorry po." Napapahiya ko nalang na nasabi bago binalik ang kamay sa kandungan at nag-iwas ng tingin. May isang linggo na rin mula nang maospital si Alvaro, pero pakiramdam ko, kanina lang nang aminin ni Todd sa akin ang pinakamalaking kasalanang nagawa niya sa buhay.
‘Lord, bakit di nalang nagnakaw? Bakit aksidenteng nakapatay pa?’
Nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya naipilig ko 'yon. Inabala ko nalang ang sarili sa pagtanaw sa buhos ng ulan sa labas ng taxi, sinusubukan kong iwaglit ang sarili sa mga iniisip.
Ilang araw na nang magsimulang bumagsak ang sama ng loob na kinikimkim ng langit. Natuluyan ang bagyo na nagbabadya palang nung itakbo sa ospital si Alvaro.
Kanina, nakatulog si Todd nang samahan ko siya sa kwartong inookupa ng ama. He was not talking much about his brother anymore but he didn’t seem to forgot about our conversation either. Lagi lang itong tahimik, nagmamasid habang tinatapos ko ang mga trabaho sa laptop na pinakuha nito mula sa opisina.
One time or another, I would feel his fingers lacing with mine while we were working. Sometimes, he would fall asleep without letting go of my hand for even just a second too. Parang batang takot na maiwan.
Hindi ko maiwasan ang minsang kiligin kapag ganoon. Napagsasawa ko ang mga mata ko sa mukha niya habang natutulog, para lang mapansin na nangangayayat na pala ito, at kahit sa paghimbing ay hindi parin maalis-alis sa aura nito ang bigat na dinadala.
There were some times when he would just jerk off his sleep kahit na tanghaling tapat. Kasunod noon ay ang mas lalo pang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko na.
During those moments, nararamdam ko ang namumuong koneksyon namin. Seriously, I couldn't wish for anything more kung hindi lang sana nagsimula sa pag-amin nito ng pagpatay ng isang tao ang lahat.
Iba ang sitwasyon, nakakakilig pero mas nakakatakot. Ano na lang ang mangyayari kapag tuluyan nang gumaling si Alvaro? Ipapakulong kaya nito si Todd?
‘Wag naman sana...’
Ewan ko kung ano ang estado ng relasyon namin ng boss ko. Pinapangako niya ako na hindi ko siya huhusgahan at magiging tapat ako sa kanya. Parang ganoon na din ang tema di ba? Takot siya na mawala ako – Parang kami pero wala naman siyang sinasabi.
Isang malalim na buntong hininga at pilit kong ibalik ang atensyon sa dinadaanan ng taxi. Medyo mabagal ang takbo namin dahil kasalukuyan kaming tumatawid sa mahabang tulay. Madulas din ang kalsada at wala masyadong sasakyan. Idagdag pang madilim din masyado para gumala pa kung wala naman talagang sadya dahil nga bumabagyo.
‘Dámn it, I still can't believe that he killed...
" A MAN!" I felt my gut flinched with what I saw as the vehicle passed by the bridge. "Manong ihinto niyo 'tong taxi!"
Naramdaman ko ang biglang pag-itsa ng katawan ko pahampas sa dashboard nang mabilis na apakan ni Manong Driver ang preno. Ayoko kasi magsuot ng seat belt. Dahil nga madulas ang kalsada ay ilang gewang at segundo pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang sinasakyan namin.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon nang sa wakas ay tumigil ang sasakyan. Wala na rin akong pakialam sa gulat na rumehistro sa mukha ng may edad na nagmamaneho nang bigla kong buksan ang pinto at nagmamadaling sinugod ang malakas na ulan bitbit ang aking bag. The water hitting my skin felt like splinters pero wala na akong maiisip.
Not the ice cold rain.
Not the biting wind.
Not the sound of Manong Driver shouting at the background for me to go back.
Tanging ang paghinga at maingay na t***k ng puso ko lang ang naririnig ko, habang ang mga mata ay nakatutok sa lalaking tila wala rin sa sariling nakatayo sa mismong railings ng tulay.
I couldn't see his face. His back was the only thing my blurry-from-the-rain-vision was allowing me to see. Wala itong suot na pang-itaas, nakapantalon ito ng maong at nakapaa.
Napatutok ang paningin ko sa malapad na likod niya. His muscles were flinching due to the freezing temperature making the huge wings-tattoo on his back moved like he is about to fly. Hindi ko alam kung paano ko pa nakuhang mamangha sa tanawing yon gayong hindi na nga ako magkamayaw sa pagtakbo. He was breathtakingly beautiful from where I ran.
Mula sa spine niya ay nagsisimula ang arko ng pakpak pataas sa magkabilang buto nito sa balikat, pababa yon hanggang sa parte ng bewang nito na tinatakpan ng suot na pantalon. His waist was small and his body was giving just the best justification to the coin perfect built.
Given that my lips weren’t quivering and I was not fighting to keep my pace on that slippery road, I could have believed that he was an angel sent from above to take me away.
Kaso hindi ito anghel.
At mas lalong hindi pa ako patay para magpasundo.
Ang totoo ay mukhang ito pa nga mismo ang naghahanap ng susundo dahil mukhang may balak itong magpatiwakal sa napakalalim at napakalawak na ilog.
"Sandali!" I screamed on the top of my lungs as I saw him moved his legs to make a leap. Konti na lang ang distansya ko sa kanya. Nothing was inside my head but to stop this unknown angel.. I mean man from jumping his life off. "Wag kang tatalon!"
Natigilan ito. Sandali itong hindi nakagalaw bago biglang nilingon ang kinaroroonan ko. His movements were sharp and mad. He never liked it that a stranger came running through the rain to save him.
Pero hindi ‘yon ang punto. Magpapakamatay ito. Anong klaseng kapwa naman ako kung panonoorin ko lang mangyari 'yon?
"D'yan ka lang. Wag ka gagalaw. D'yan ka lang..." hingal na sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay sa hangin at nagbibigay ng senyas para huminto siya.
Shit! If this man's going to die, ko-quota na ako sa usapang patay. Hindi malayong mabaliw ako sa trauma!
Ilang beses kong naipikit ang mga mata ko habang pinakakalma ang sariling dibdib. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa tubig ulan na humahampas sa aking mukha. Pilit kong inaaninag ang itsura ng lalaking magpasahanggang ngayon ay tila nakatitig lang din sa akin.
"'Wag ka tatalon! Sayang buhay mo! Kung gusto mo..." I buffered. s**t! Ano ba ang gusto ng mga suicidal na tao?"Kung... Kung gusto mo dalhin muna kita sa bahay namin. Inuman muna tayo. ‘Pag-usapan natin 'yang problema mo."
Holy shît! Like seriously? Iyon ang lumabas sa bibig ko? Iyon na ba ang pinakamatino kong masasabi sa isang suicidal na tao? Mag-aya ng shot-session?
Natawa ito. Pero hindi yon ang tawa na nagpapahiwatig ng kasiyahan -mas tunog nakakalungkot . Bahaw. Walang laman. Walang kaluluwa. Lalong nanlamig ang pakiramdam ko.
Nonetheless, the blooper gave me a short time to wipe the rain from my eyes and gave his face a better look.
Tangina lang sana di ko na ginawa. Kasi, pagdilat ko nakilala ko siya.
"Todd!" My voice echoed through the city.
Bigla ay naging napakabagal ng lahat sa paligid ko. Parang slow motion na umangat ang mga paa ng lalaki mula sa batong hawakan ng tulay habang nakatingin pa din sa akin. ‘Yong tinging parang hindi niya ko kilala.
"Todd!" I screamed again, bago ubos lakas na sinunggaban ang pabulusok n’yang katawan. I was praying to all gods, known and unknown to save him. My head blew out when the loud splash of water welcomed me upon reaching the handrails. Wala na akong inabot.
My heart beat in my throat. Pakiramdam ko maisusuka ko na ang puso ko sa mga susunod na minuto. Tarantang sinuyod ko ng paningin ang malakas na alon ng tubig sa ilalim ng tulay.
D*mn! I couldn't see any possibility of survival against that raging water. Napakalakas ng alon, napakadilim ng kalangitan at tiyak na napakalamig ng tubig. It was either he would die of drowning or hypothermia would kill him.
"Todd!" Wala akong pakialam kung malatiran ako ng lalamunan. I would be screaming his name until I couldn’t anymore.
Ganito na ba kabigat ang nadarama niyang paghihirap? Sapat para magpatiwakal? Pero kasama niya lang ako kanina, bakit hindi niya sinabi? Akala ko ba magkakampi kami?
Next thing I knew was that I was already losing my mind. My blood felt like freezing inside my veins.
"Todd!" I cried his name. My hands were shaking as I crawled back and forth from where he jumped off. Desperation had always been an unknown word to me until today.
"Oh my God, please... please!" My tears were mixing with the rain as it hit my face and yet I couldn't even close my eyes. Hindi lumulutang ang minamahal ko!
I couldn’t care about my knees bruising or how my hands were hurting with how I was leveraging them against the pavement.
Mababaliw ako pag hindi ko nakita si Todd. Hindi na nga ako makahinga halos ng tama nang biglang ...
.
.
‘Those who are dead,
Are not dead
They're just living in my head...’
.
.
Tumugtog ang ringtone ng cellphone kong nasa loob ng bag ko.
.
.
‘And since I fell
For that spell
I am living there as well, ohhhh.’
.
.
I
know that song! Perfectly. It was a Coldplay song . Ako mismo ang nagseset ng mga ringtone sa telepono ko para mabilis kong makilala ang mga tumatawag...
.
.
‘Time is so short
And unsure
There must be something more...’
.
.
At ang isang 'to. ‘Yong mismong tumutugtog ngayon, Ringtone ni...
"T- Todd?"
Holy Cräp!
Mabilis na pinanawan ng lakas ang katawan ko at napaupo sa kalye. Wala na kong pakialam kung magkaputik-putik man ang damit ko. I lost sense of time and space.
Wala kasing tama sa sitwasyon.
Nanginginig ang mga kamay ko nang magsimulang hagilapin ang aparatong nagdudulot ng papatid-patid kong paghinga. Mabilis na tiningnan ang screen na patuloy sa pag-andap kahit na nababasa ng malalaking patak ng ulan.
Pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko nang mabasa ang caller ID na nakarehistro.
Hindi ako nagkakamali.
Hindi lang guni-guni.
Hilam man sa luha ay nagawang pindutin ng mga nanginginig na daliri ko ang answer button at ilagay sa loud speaker ang tawag. I could feel a my goosebumps turning into a huge beast as it ate my body whole.
[Nicolette? Bakit ngayon ka lang sumagot? Nasaan ka na? Kakagising ko lang. Nakauwi ka na b-]
Naihagis ko ang cellphone ko. Before I could even control myself, Isang malakas na sigaw ang napakawalan ko nang kahit anong pilit ay hindi parin maintindihan ang nangyayari.
Shit! Paano nangyari yon? I swear I saw him jumped off this bridge! Hindi ako maaarin magkamali na siya yung hinahabol ko kanina! Pero paanong nasa telepono na siya?
Huminto ang buong mundo, pero hindi ang takot na mabilis na kumain sa katinuan ko.
Imposible!
Then just like the world suddenly thought of resuming to spin again after a long stretch of insanity, isang malakas na singhap ang napakawalan ko nang mapadako ang mga litong mata ko sa pampang na nasa di-kalayuan. I felt my throat ached with the words that came burning out, realizing how real the situation was.
"Oh my God!"
He made it!
The Angel on the Bridge made it.
Pero... Putangina, paanong nangyari ‘yon?