INIWASAN KO MAN ANG TAWAG... Lumusot naman ang mensahe. . . Wala pang isang minuto mula nang mabasa ko ang text ni Alexis ay natagpuan ko ang aking sarili na tumatalilis palabas ng bahay. Hawak ko ng mahigpit ang aking cellphone. Dahil nga nasa loob siya ng gusali ay hindi na sinara ni Cody ang pintuan. Ang totoo hindi pa rin alam kung bakit nga ba kinakandado ni Cody ang pintuan tuwing lalabas siya pero nagpapasalamat ako na naiwang bukas ‘yon. Daig ko pa ang magnanakaw nang makarating ako sa labas. Sinalubong ako ng malamig na tubig at hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Dang it. Umaambon na nga madilim pa ang buong paligid. Basa na nga ang mga talahib babad pa ang lupa sa putik. Ang lagkit ng tunog ng lupa sa tuwing umaangat ang mga paa ko. Nakakdiri ng konti. Nonetheless,

