The Paradox Of Love

1971 Words
Lesson Eighteen The Paradox Of Love                      “Wala bang nakakita sa’yo?”    - Princess Cheen –                 Pumasok ako ng tent at naupo doon. Fortunately nakabalik ako ng Euenessia ng ligtas at buo. Ng hindi nakikita ng mga kawal ng Ruwana na mahigpit na nakabantay sa loob at labas ng portal na nag-uugnay sa amin sa kabilang mundo. Sa mundo ng mga tao.               Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng nasakop kami. Ito na lang ang natitira naming pinagtataguan. Ang Abrasia. Maraming pwedeng lugar. Pero ang lugar na ito ang nagsisilbing buhay na alaala ni Xanara sa amin. Kaya dito lang kami hanggang sa mamatay kami.                     “Hindi, wala. Nagdala pala ako ng damit para kay Randall.” Iniabot ko kay Shin ang isang bag na dala ko. “Sasapat na siguro ‘yon ng ilang linggo. Hindi na natin kailangang lumabas ng Euenessia sa mga susunod na araw.”               Wanted pa kami hanggang ngayon sa reyna nila na si Arya pati na rin kay Sushame. Hanggang ngayon rin ay bihag nila ang mga magulang namin. Isa lang ang sigurado namin. Impyerno ang dinadanas nila ngayon sa kamay ni Arya.               Iyon… eh hanggang sa hindi nila isinusuko ang Shiraniyo.               Ang Shiraniyo na lang ang hindi sumusuko sa pamunuan ng Ruwana. Sa kadahilanang… naiwan ang basbas ni Xanara doon at hanggang sa hindi pumapayag si Hana Nelissa na ibigay ang basbas kay Arya upang pamunuan iyon, walang mangyayari. Hindi sila kikilalanin ng lupa, ng hangin, ng apoy at ng tubig.                    “Asan sila?” tanong ko kay Stanley na nagluluto para sa pananghalian namin. “Bakit nawawala yung mga yun?”                    “Sina Naya at Ryle nasa kabilang tent ata. Si Divina naman… nag-away ata sila ni Cyrus.”                    “Aba napapadalas ‘yan ah.”                    “Ang sabihin mo nagiging sensitive lang si Div kasi may nararamdaman na ‘yan.”                    “Eh ulol si Cyrus nagpaparamdam eh.”                    “Aba malay mo meron naman na talaga.”                    “Paradoxically impossible.”               Nag-shrug lang siya. I looked around the place and scanned for a certain person. “Sina Kreya at Shin?”                    “May sakit si Kreya, nami-miss ang Ate Xana niya. Nakabantay si Shin.”               I sighed. “Lahat naman tayo nami-miss si Xanara, hindi ba?”                    “Mm.” He answered, a hint of sadness was there when he turned around and cupped my face. “We’ll get over this, Cheen. Xanara don’t want us like this. Everything will be okay, Cheen. Trust me.”               Tumango lang ako. He kissed my forehead and there, I felt the safety. Mahalaga sa akin ang gano’ng gesture ni Stanley. Nagbibigay ‘yon ng assurance na handa siyang hintayin ako kahit na anong mangyari. Hihintayin niya akong maka-move on muna kay Xanara bago maging masaya sa piling niya. Naiintindihan niya ako dahil mahal rin naman niya si Xanara gaya ko.                    “Si… Randall? Nakakulong ba siya ulit?”               Bored siyang tumango na parang walang pakialam. Not everyone understands why Randall did what he did. Even I couldn’t. But what makes us stick to him and not kill him is the fact that he’s dying for every minute that passes by without Xanara in his arms.                    “Kailan ba siya magsasalita?”               He fell silent since that time. He was the silent type, yes. But not to the extent na hindi talaga siya nagsasalita sa loob ng tatlong buwan.                    “I doubt it. He’ll stay like that.”                    “Naaawa na’ko sa kanya. Everyone despises him.”                    “Why not? Why pity someone who killed and take away Xanara from us, Cheen?”                    “Because it was evident that he loves her.”                    “Zero loves her too but he betrayed her. Is that reason enough to forgive the both of them after they killed Xanara? No, Cheen. They aren’t suppose to feel welcome after that.”               Nakarinig kami ng ingay at paglingon namin ni Stan pumasok pala sila Randall ng tent at uminom ng tubig. Nasapo ko ang dibdib ko. He heard that. He probably heard that.      - Prince Randall –                 Heard that, Xana? They won’t let me go away with it. It was conscience I’m fighting. It was you who keeps doing this.   ***               Sixteen years ago…                    “Randall! Randall, let’s play!”               =____=                    “Leave me alone, I want to be alone okay? Ba’t kasi hindi ka pa sumama kay Hera Nelissa para mapakilala ka niya do’n sa Larissa na ‘yon! Tsk. Pampagulo ka lang eh.”               Ang nakakainis sa kanya, siya yung tipo ng makulit na bata na kahit asar-asarin mong payatot o baboy o piggy bank o kahit na ano eh tumatawa lang na parang wala sa kanya.               Gaya ngayon. Imbis na mainis eh tumabi pa siya sa’kin. “Nagseselos ka lang eh. Alam mo Randall ikaw lang talaga ang best friend ko, di kita papalitan.”                    “Ang kulit. Ayoko nga sabing maging best friend mo.”                    “Ay oo nga pala. @0@ Pasensye nemen. Gusto mo nga palang maging asawa ko bwahahaha.” xD               Salbahe. -____-++                    “Asa ka.”                    “Ay si koya oh pakipot. Ako ba ‘tong umaasa eh di ba ikaw nga? Kala mo wah. Bleeeeeh!” :P               Napabuntong hininga na lang ako at nailing. Bakit ba kasi pinalaki siyang conceited? Sa’n ka naman makakakita ng limang taong gulang na kung umasta eh parang high school? Nakakairita.                    “Umalis ka na nga.” =____=                    “Gano’n? De aalis.” Pagkatapos ay tumayo siya.               Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit automatic na umangat ang kamay ko at pinigilan ang braso niya. That earned a silly grin from her. “Oh davah? Ang bilis mong takutin. Mwahahaha, h’wag ka na kasing in denial eh. Ba’t ba napaka-bipolar mo kapag nagseselos ka? H’wag ka nga.”               Umupo siya ulit. Nag-iwas ako ng tingin at bumaling na lang sa lawa. “Ang manhid mo kasi. Tch.”                    “Sobra ka naman. Manhid kaagad? Di ba pwedeng tanga muna?”                    “De sige, ikaw na tanga.” -____-                    “Aray ah. Grabe ka na. Kung sinasakal kaya kita?”               Tinignan ko siya. Binelatan niya ako. Isip two years old. Tsk. Paano ko nga ba pakakasalan ‘tong ganto eh limang taong gulang na hindi pa rin umuusad ang utak mula dalawang taong gulang.                    “Retarded.” =____=                    “Aba! Tinawag mo’kong manhid tas naging tanga tas ngayon retarded? Sira ulo ka ah!”                    “Oo. Ako lang naman talaga ang sira ulong pwedeng magkagusto sa tangang manhid na retarded na gaya mo kaya h’wag kang magkakamaling lumandi kundi lulunurin kita sa lawa ng Abrasia.”                    “Ganda ng threat.” = 3=               Ngumisi ako at pinisil ang ilong niyang pango.                     “Aw aw aw! Randall! Ano ba masakeeeeet!” TT0TT               Natawa ako sa itsura niya. Well lagi namang nakakatawa ang itsura niya dahil nga namumula ang ilong niya kapag pinipisil.                    “HAHAHAHA!” :D                    “Osige tawa lang. Mautot ka sana.” -____-                    “Ang baboy mo. Prinsesa ka di mo dapat sinasabi ‘yan!”                    “Baboy ka rin tignan mo nga ‘yang mukha mo, baboy ka baboy. Baboy-baboy mo. Baboy.” Then she bursted in laughter na hindi ko maintindihan kung bakit. “Ang sarap palang sabihin yun noh? Wahahaha! xD Baboy baboy baboy baboy bab— HAHAHAHAHAHA!” :D               Ang babaw ng kaligayahan. (_ _")                     “Xanara.”                    “…baboy baboy baboy baboy baboy HAHAHAHAHA!” :D               =____=                     “Xana.”                    “…baboy baboy baboy baboy baboy baboy baboy WAAAAAAAHAHAHAHAHA!” :D               Haist. (_ _")                    “XANARA SAINT CLAIRE, MAG-DATE TAYO BUKAS!”               Nagtakip siya ng tenga. “Ba’t kailangan mong sumigaw? Papayag naman ako di mo naman kailangang isigaw sa tenga ko.”                    “Baboy ka ng baboy ni hindi mo nga marinig ang pagtawag ko sa’yo.” =____=                    “Mwahehehe. xD Try mo Randall, ang cute sabihin ng baboy. Wahahaha!” xD                    “Ayokong magpaka-retarded, Xanara tigilan mo’ko.” -___-                    “KJ neto. Osya sunduin mo’ko sa bahay bukas. Dala kang kotse wah?”                    “Seven years old lang ako, Xanara. Wala akong lisensya, anong gusto mong dalhin kong sasakyan? Baby cart?”                    “Sabi ko lang magdala ka. Baket sinabi ko bang ikaw ang mag-drive? Tanga. Wahahahaha! Nakaganti ako bwahahahaha!” :D               =____=               Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang ngiting di ko mapigilan. Really, she’s crazy.               Kinabukasan, si Divina ang naabutan kong nasa bakuran ng bahay nila Xanara. Nakakarinig ako ng sigawan na tila nanggagaling kay Hera Nelissa. Napakunot ako ng noo.                    “Anong nangyari?”               Nagpahid siya ng luha at napasinghot. “Kinuha nila si Xana, Randall. *x* Kinuha nila Aling Victoria si Xanara.”                    “Sinong Victoria? Paanong kinuha?”                    “Siya yung assistant ni Tito Cain. Di ba malapit si Xanara sa kanila ni Mang Hugo? Ninakaw nila kagabi si Xanara, nawawala siya. Sabi ni Naya baka raw hindi na siya bumalik.”               Napakuyom ang kamay ko. Kung alam ko lang kung saan sila hahanapin. Kung saan ko pwedeng matagpuan ang pinagdalhan kay Xanara, ginawa ko na. Ngayon din aalis ako para hanapin siya.               Pero hindi ko alam eh. Umalis siya ng hindi nagpapaalam.                    “Babalik siya. Kailangan niyang bumalik.”               As if the Gods have heard my prayer, after fourteen years of waiting it came. The chance came.                    “Randall! Congrats pala, nanalo kayo sa Nationals!” salubong ni Divina sa amin na hindi ko na pinansin.               Nagugutom na ako kaya nagdiretso ako sa cafeteria ng Saint Claire. Kasunod ko si Shin. May ilang mga cheerers na lumapit. Napalingon ako sa isang babae na may dalang juice. Cheen Saint Claire.               They didn’t know? Well if she’s here then…                    “Excuse me.”                    “AY!”               Oh s**t.               Natapunan ako ng watermelon juice. Mahirap alisin ang mantsa ng watermelon sa puting T-shirt. -___-                    “Cheen, anong petsa na! Ano ba ‘yang—”               I didn’t realized I was holding my breath the moment I saw her glanced at me. Fourteen years. All I wanna do was hug her. Xanara. I am certain she is Xanara Saint Claire. That girl. She’s that girl!                    “Crap. Look at your shirt, Randall. It’s ruined.” Maarteng sabi nung isang cheerleader.                    “No, it’s fine.” I fought the urge of stuttering. Ayokong mautal sa harapan niya, she’ll laugh at that.               I locked eyes with her. She avoided it.                    “Sorry. Sorry talaga hindi ko sinasadya. Ipapa-laundry ko na lang ang uniform mo. Sorry sa hassle.”               Kabastusan marahil na ituturing, hindi ko pinansin ang Hera ko which would be Cheen. Prinsesa siya ng Opalonia, Hera ng lupa. “Ikaw yung prefect?”                    “Yeah?”                    “What’s your name?” I wanted to hear it from her. I wanted to know if I was right. I couldn’t be mistaken, I know Xanara from head to toe.                    “Thees! Oh Cheen, anong nangyari?”               Pumasok ang apat na lalaki. Dalawa sa kanila… bampira. Ang isa… guardian ni Dalo Cain. Bumalik na rin pala sila. Mukhang nauna pa sa amin. Dapat pala bumalik na rin ako ng mas maaga. I should’ve been the one who caught her in hand at hindi ang aroganteng bampira na ‘yan.                    “Teka, Miss sandali! Xanara!” but she can’t hear it anymore. She’s gone out of the cafeteria. She changed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD