Chapter 3: S.O.S
_____________________
Practice match today. Dahil wala pa si Coach Ben, si Coach Parley Tupaz muna ang magtatrain sakanila.
"Kumpleto na ba kayo girls?" tanong Coach Parley.
"Di pa Coach!" sabi ni Ella habang tinitingnan niya yung loob ng locker room.
"Babalik ako after 30 minutes. Pag wala pa yang mga yan, all of you will do suicides later... kaya itext niyo na sila" Coach Parley said at umalis na siya.
"Ay s**t! Pag ako napatakbo mamaya pag sasapakin ko yang mga yan!" sabi ni Mich habang nagbibihis siya.
"Nasaan na ba kasi si Nic tsaka si Lia?" Tanong ni Aerieal. "Si Nic lagi namang late yun, si Lia ang di nalalate, kahit matagal magbihis yun"
"Guys ganto kasi yan..." Sinimulan ni Ella habang nakaform sila ng circle. "Si Nic kasi... tsaka si Lia. Parang may issue sa isa't isa."
"What do you mean?" sabi ni Amy.
"Di naman namin sinsadyang makinig kahapon pero... narinig naming sinabi ni Ate Nic, galing talaga sakanya na may nararamdaman siya kay Ate Lia."
"Ngayon niyo lang nahalata? Naku tanungin niyo pa si Ate Gretch... dati pa nila pinagmamasdan yang si Nic at Lia" Sabi ni Kassy.
"Pero baka wala naman talaga. Tayo lang nagbibigay ng kulay" Sabi ni Tin habang nagtatali siya ng sintas ng sapatos niya
"Weh? Crush mo lang si Nic eh. Ahahah" Sabi ni Mich sakanya
"Tumigil ka nga!" sabi ni Tin at namumula.
"Ui... Baby Tin is having crush with the MVP, kung ako din naman kasi eh, Hahahaha!" Asar ni Amy kay Tin.
"Kayo talaga... Wag niyo na asarin yang si Tin, di kayo bigyan ng set niya bahala kayo" Sabi ni Kassy.
"So getting back on track. Yun na nga. Ako, Mich and Tin came into a plan... the Operation NicLia." sabi ni Ella, gaining different reactions from their teammates.
"Ano? Nababaliw na ba kayo!? Paano kung mali tayo ng hinala?" sabi ni Grace sakanila. "Parehas silang may boyfriend, baka lalong mapasama yung dalawa"
"Haay nako, Grasya kung ayaw mo di kita pipilitin. Pero kung di natin maaayos to wag kayo magexpect ng magandang play galing sa dalawang yun" Sabi ni Ella. Napatingin lahat sa pinto pag dating ni Lia. May dalang bulaklak.
"Wow? Lia kanino galing yan?" gulat na gulat na tinanong ni Ella si Lia.
"Shock ka? Malamang sa Boyfriend ko! Besh talaga" sabi ni Lia habang binuksan yung locker niya at nilagay yung flowers sa bench.
"Eh akala ko magkaaway kayo?" Tanung ni Ella Ay s**t! di niya alam na alam ko na magkaaway sila Ella took a mental note not to say too much, baka mabuking ang whole operation nila.
"Huh? Bakit mo alam? Sinabi ni Nic sayo?" sabi ni Lia at pinagpawisan ng malamig si Ella. Nakatingin kay Ella lahat ng teamates niya at yung iba kunwari walang alam. "Teka magpapalit lang ako ng uniform" sabi ni Lia at pumasok sa shower room.
"Wow Ellapots muntik ka na" sabi ni Kassy sakanya.
"Oo nga eh. Anyway so who's with me sa Operation NicLia?" Ella asked them.
"Naku bahala kayo. Muka namang masaya si Ms. Monty kay Kent eh." sabi ni Grace.
"Grasya out. Sino pa?" Tanung ni Ella. "Wala na? so lahat except sa babaeng to ok lang? Sige. Lets play Cupid Lady Eagles." sabi ni Ella at excited.
"Anung Cupid Lady Eagles??" Tanung ni Lia habang inaadjust niya yung shorts niya.
"Wala yun Besh, nilalaro namin bago ka dumating... diba girls?"
"Oo! OO NGA!" Sagot nilang lahat.
"Okay?" sabi ni Lia as she survey her eyes sa paligid "Wala pa din si Nicole? San naman kaya yun" sabi ni Lia habang inaayos niya sa tali ang buhok niya.
Biglang nagbukas yung pinto.
"Speaking of the Angel andito ka na!" sabi ni Lia at lumapit agad siya kay Nic. Pagkalapit niya binulungan niya yung kaibigan niya "Thanks kahapon Nic, Ok na kami ni Kent"
Nang sinabi ni Lia yun, Nicole trained her eyes on the spot kung saan nakalagay yung Bouquet ng flowers.
"Ah?" Napatigil si Nic. Ang aga aga, wala na bang ibang alam tong taong to kundi yang boyfriend niya? Bwisit ang aga aga. Galit na sabi ni Nicole sa utak niya.
"s**t patay na... Bagyong Nic namumuo" sabi ni Ella tapos hinawakan niya ng mahigpit kamay ni Tin.
"Ano ba kasi ginagawa ni Ate Lia, galit nanaman si Ate Nic." Sabi ni Tin.
"Good for you" sabi ni Nic. Lumayo siya kay Lia na di tinitingnan ang kaibigan niya. Nasaktan si Lia sa ginawa ni Nic. "Guys warm up tayo. Practice game today. Two teams. Rookie versus Us. We’ll hit the court in Five" Sabi ni Nic. Binaba niya yung bag niya at tumakbo sa gym.
"Ouch... patay kami sa bagyong Nic mamaya, signal no. 1 na ate Ella" Takot na sabi ni Mich.
"Bakit nagalit sakin yun?" tanung ni Lia kay Amy at sumunod na sila kay Nic papunta sa gym.
"Baka bad mood lang si MVP today. She'll get around, Dont worry" Sabi ni Amy at lumingon siya kay Marge para humingi man lang ng tulong. Pero umiiling si Marge at takot masandwich sa away ni Lia at Nic.
____________________
"Okay girls! Nasabi na sainyo ni Nicole. Team Morente versus Team San Miguel, Rookies will get the ball. Nicole right side ng court kayo", sigaw ng coach nila na halos marinig mo na sa buong gym.
"Yes coach" sabi ni Nic. Habang naglalaro sila, di makagawa ng magandang rally both teams.
Well si Nic at Lia lang.
"San Miguel!!!"Sigaw ni coach "Energy naman! Di makakapatay ng Lamok yang palo mo!"
"Oh!!! Amy!!! Net ka lang!"
"Montenegro yung bola!!! Mas mabilis pa pagong sayo!"
"Timeout!"
Sigaw lang ni Coach ang maririnig sa buong gym. Halatang halata ang tension sa loob ng court.
"Meeting muna kayo! Gawa kayo ng play. Team San Miguel ayusin niyo laro niyo!!! Nice game sa mga Rookie!"
"Okay guys, Sorry sa play ko. Bawi tayo this time ah? Patty, Amy net lang kayo ah? si Mich lang naman aattack satin diyan. Lia galingan mo naman magreceive. Di naman pwedeng lagi silang may Dalawang service ace twing service ni Mich!" Sabi ni Nic at umirap lang si Lia sakanya. "Okay team, bawi tayo. Fight!"
Back na sila sa game. Doing well na lahat except na lang kay Lia. Pumapasok na lahat ng attack ni Nic sa kabila pero medyo napapalakas naman.
"Lia! Pakiayos ng receive!" sigaw ni Nic.
"Oo na... captain!" sabi ni Lia na may pagka matigas na ulo.
"Hagupit ng bagyong Nic, signal no. 2" sabi ni Ella at narinig siya ng nakararami.
Natapos yung match at nakahabol ang team San Miguel.
"Okay, nakakahiya kung natalo pa kayo ng Rookie. Magaling ginawa niyo ngayon mga Rookie! I'll keep you all posted sa update ng schedule natin. For the mean time you all hit the showers now. Bye girls" Sabi ni Coach Parley.
Magsosorry na sana si Nic kay Lia dahil napagsabihan siya ni Ella na sumobra naman ata pagkamusingit niya. Nung hinawakan ni Nic balikat ni Lia biglang nilayo ni Lia balikat niya kay Nic.
"Magsosorry na nga ako ayaw mo pa!" sabi ni Nic.
"Ang init kasi ng ulo mo! Kanina mo pa ako pinagiinitan! Kung may problema kayo ni Jovee wag mo akong idamay o kung sino man samin!" sabi ni Lia.
"Bagyong Nic, mukang magsisignal number 3" sani ni Mich.
"Pasensya na kayong lahat okay!? Sorry. Break na kami ni Jovee. Gusto ko lang malaman niyo na naging maayos pagbebreak namin. Bad mood lang talaga ako." Sabi ni Nic at nagwalk out "Mauna na ko sa showers."
"I need air" sabi ni Lia. Lumabas din siya ng Gym.
"I think kailangan talaga nating pag ayusin tong dalawang to. Hindi maganda ang nangyayari" sabi ni Grace
"So all in favor na?" sabi ni Ella at wala ng tumutol "Yes! They need help. Napakalaking S.O.S sign ang nakasabit sa leeg nung dalawa"
____________________
***flashback***
"Nic? buti naman nakipagkita ka na sakin!” sabi ni Jovee. Niyaya ni Nic magdinner si Jovee. After nung nangyari sakanila ni Lia kanina sa gym. Nung yakap niya si Lia kanina. Di niya na mapigilan.
Kumain lang silang dalawa. Ang naririnig lang nila ay yung ingay mula sa restaurant.
"Nagkita kami ni Kent kanina." sabi ni Jovee.
"Huh? Bakit?"
"Nagyaya uminom, nagaway daw sila kanina nung bestfriend mo" sabi ni Jovee na nakatingin lang kay Nic. Napansin ni Jovee na no comment ang girlfriend niya.
Akala siguro ni Nic wala akong alam, kilala ko siya. Mahal ko si Nic pero kung iba naman na laman ng puso niya sino ba naman ako. Napag isip isip ni Jovee habang nakatingin siya sa direksyon ni Nicole.
"Iwas daw si Julia sakanya this few days. Ayaw magpahalik, tuwing hahawakan niya daw tinataboy yung kamay niya" sabi ni Jovee habang nakangiting nagkekwento kay Nic.
"May pagkabastos naman talaga yang Kent na yan. Ewan ko ba kay Lia" sabi ni Nic.
"Sabi pa nga ni Kent sakin lagi daw tulala si Lia, minsan after may mangyari sakanila alam mo na iiyak na lang bigla. Sabi ni Kent feeling niya may gumugulo sa isip ni Julia, baka may iba daw girlfriend niya" sabi ni Jovee nakatingin pa din siya sa girlfriend niya.
"Sino naman?" Tanong ni Nicole. This can't be me... she'll never fall for her bestfriend. Ako lang naman tong stupid with the stupid feelings.
Tinaas ni Jovee ang kilay niya at ngumiti "You tell me Nicky, sino kaya?"
"What do you mean?" tanong ni Nicole, confused.
"I dont know. May sasabihin ka ba sakin?" Jovee said, umiling lang si Nic "C'mon Nic, I know."
"You know what?"
"Lying game na lang ba tayo? You see Julia as more than friends right?" Jovee asked. Kinkabahan na si Nic pero parang di naman galit si Jovee "I mean, I’m supposed to be mad, but I think You and Lia would make a great couple, and girl on girl? I think its hot hahahah" pabirong sinabi ni Jovee.
"So di ka galit?"
"So inaamin mo na?"
"Inaamim na ano?"
"Nic... You're gay for Lia, or hindi lang kay Lia?" sabi ni Jovee narrowing his eyes to Nic
"Ano! Im not! Straight ako!"
"Straight? Ang straight lang sayo Ly ay iyang buhok mo..."
"Jovee..."
"Its okay. Wala naman akong magagawa kung mahal mo na siya"
"I swear, you are always been a good boyfriend to me..." sabi ni Nic at hinawakan niya kamay ni Jovee.
"Im hearing a but.. "
"But... I think I’m really attracted to girls, to Lia specifically. Im so sorry"
"Its okay. You don’t have to be sorry. You must not feel sorry for loving someone." sabi ni jovee.
Perfect boyfriend talaga si jovee. Yun nga lang best friend ko ang gusto ko. Komportableng pagiisip ni Nicole ng mailabas niya na kay Jovee yung katotohanan ng nararamdaman niya.
"I really can't imagine na sa boyfri---Ex boyfriend ko pa ako magcacame out as... gay, and fallen hard sa best friend ko" Sabi ni Nic as she took a sip sa milktea niya.
"Pero sana wag mo ko layuan Nic kahit may Julia ka na... ituloy natin tong relationship natin" sabi ni Jovee. "Lets continue this bromance..."
"Bromance?! Baliw ka talaga Jov! hahahaha" at ngayon lang ulit napatawa ng ganto si Nic. "Mukang mas magiging effective na friends tayo ah?"
"Best friends na lang pwede? I just can't lose you Nic. Malay mo. Matulungan pa kita kay Julia." sabi ni Jovee as he playfuly wriggle his brows.
"Tulungan?"
"Oo. For you to make Miss Monty swept off her feet" sabi ni Jovee
"Jov no... not yet. Di ko pa kaya. Itatago ko to hanggang kaya ko pa. For now I’m happy na nasabi ko na sa isang tao yung nararamdaman ko, and luckily ikaw un. Atleast I’m not alone taking the path I chose"
"Ang lalim ah? So Bros na tayo ngayon?"
"Whatever" sabi ni Nic. Ni walang awkward moment na nangyari sakanilang dalawa...
***End of flashback***
"So alam na din ni Pogi to at okay lang sakanya?" Sabi ni Ella kay Nic habang nakahiga sila sa kama ng kwarto ni Nic. Tumungo si Nic "Wow! Sana lahat ng lalaki katulad ni pogi."
"Swerte ko pa din sakanya" sabi ni Nic "Kay Jovee"
"Oo naman no! So you're gay?" tanung ni Ella at humarap kay Nic.
"I think I am..." sabi ni Nic
"Naku mamaya bigla mo na lang akong halikan ah!" pabirong sabi ni Ella.
"Baliw ka talaga! Di no! hahahah" sabi ni Nic.
"Yan tumatawa ka na ulit... Nakakatakot ka kaya kanina. Mukang nabagyong Nic nang matindi tindi yung mga rookie" sabi ni Ella.
"I’m gonna apologize sa mga rookie bukas... I've gone mad, bwisit na bulaklak yan"
"Sabi ko na nga ba eh! Hahaha" Sabi ni Ella "Parang gusto mung sunugin yung mga bulaklak kanina."
"Parang? Gusto ko talaga!" sabi ni Nicole. "Why are you smiling?"
"Kasi I’m so proud of you besh, naeexpress mo na sarili mo" sabi ni Ella as she grabbed her phone and send a text to her little cupids
TO CUPIDS Group Chat: Confirmed! Inlove ang Nic natin kay Monty! Wag kayo pahalata na alam niyo na ah? Next step. Operation NicLia!
Pagkasend niya ng group message. Tumingin siya kay Nic. "So you need help? Anything?"
"Pareho na kayo ni Jov nagalok sakin... Oo but not for now, I'll send S.O.S message pag di ko na kinaya, for now... Pipigilan ko muna hanggang kaya ko pa..."
"Okay. Pero kailangan mo pa ding magsorry kay Lia. You're so mean to her"
"Oo na. Ako bahala. May plano na ko para ka Lia" sabi ni Nic habang nakangiti.
Who won now? ang galing galing ko talaga! sabi ko na mapapaamin ko tong si Nic! Hahaha Pero medyo selos ako kasi si Jovee mas naunang nakaalam. Anyway I guess push na push pa din tong project namin ng mga girls... Ella thought as she smiles to herself looking at her bestfriend falling so hard to her other bestfriend.