[Aezelle's POV] "Natalie?" Ipinilig ko ang ulo ko sa pagtataka nung makita ko sila sa labas ng classroom namin. "Pumapayag ka na raw sabi ni Kambal. Kaya nandito lang kami para magpapirma ng kontrata. Konti lang naman yung mga kondisyon dahil nagsisimula ka pa lamang." Nagtitiwala ako sa kanila lalo na kay Antoinette. "Kailangan pa ba ng opinyon ng magulang ko?" Kasi kung kailangan pa ay tatanggi na lamang ako. Wala akong balak na bumalik pa sa bahay at pag-initan naman ng ulo ni Mom. "Hindi na. Kayo na ni Kambal ang magkakaintindihan tungkol diyan at tsaka, personal ka namang kinuha ni Kambal para maging isang model kaya walang agency ang may pakialam sa kontrata niyong dalawa." Tipid akong ngumiti bago kumuha ng ballpen sa bag at sinimulan nang pirmahan ang kontrata. Inaamin kong

