[Aezelle's POV] "ORUS! ORUS! ORUS! ORUS!" Sigawan nilang lahat. Nasa kay Uno ang bola at panay dribble niya habang nakatitig nang sobrang seryoso sa mga mata ni Tito Xavier. Naka-bend ang mga paa ni Tito at naka-extend ang mga braso bilang depensa. 2, 6 "Sino ang nangunguna?" Tanong ko sa hindi ko kakilala pero mukhang freshman. "Si Uno." Si Uno? Really? He's four points ahead, I don't think magpapatalo si Tito. Nasa mid-fifty's na siya pero athletic pa rin yung built niya at hindi rin kumupas ang matibay niyang stamina. Tumingin ako sa gilid ng court at nakita ko ang iba pang mga Summoners na nakasuot ng kanilang jersey at seryosong pinapanood ang laro. Hindi ko maiwasang ma-confuse dahil sa expresyon nila. Normally, they would cheer for Uno at make fun of Tito Xavier pero iba ngay

