[Aezelle's POV]
Hindi ko maintindihan ang ginagawa ni Ymar sa akin. Make me fall in love with Griffin?
Hinayaan ko lang siyang hilahin ako papunta sa kung saan. Gulong-g**o ang puso ko. I was never like this, my life got complicatedly wrecking after I met them... the Reamwork's Summoners.
"Just watch, Elle. Griffin will make you go crazy." Nakarating kami sa Tuason Park. Puno ng motibasyon ang mga mata ni Ymar habang nakatingin sa akin.
"Why are you doing this?"
"Because I want what's best for your heart and mind."
"Sa tingin mo, darating siya?" Ngumisi lang si Ymar at inilibot ang tingin sa paligid. Matagal lang kaming nakatayo roon at kinakabahan ako na baka hindi siya dumating.
So what? Sino ba naman ako para mag-alala nang sobra si Griffin?
Mapakla akong ngumiti at yumuko. Kahit pa, kinakabahan pa rin ako. Nais ng buong sistema kong dumating siya.
"Umuwi na tayo," sabi ko kay Ymar nung ilang minuto na kaming nakatayo roon.
"Half a minute... just wait for thirty seconds, Elle–"
"Aezelle!" Nagulat ako at napalingon nung marinig ang boses na tiyak kong pagmamay-ari ni Griffin.
Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kanya. Puno ng pag-alala ang kanyang mukha at natatarantang bumaba ito mula sa kanyang bike. Naramdaman kong huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa ekspresyon niya, those eyes are screaming how worried he is. That expression that I have only seen from my Dad, not even my Mom nor Tess cared for me that way.
Napasinghap ako nung bigla na lang tumibok nang sobrang bilis ang puso ako na parang nasa karera ako. Tears escaped from my eyes as I watch him run so unbelievably fast towards us, I realized that I was already crying.
Napahagulgol ako dahil sa sobrang saya. Saya na maramdaman muli na may isang taong natatakot na mawala ako, isang taong nag-alala nang sobrang. I was invisible to everyone, no one gives a damn about what I feel as if... I didn't exist.
Umiyak ako nang sobrang lakas, isang nakakasikip-dibdib na iyak na ilang taon kong pinigilan nung makaramdam ng isang mainit at napakakomportableng braso na bumalot sa akin.
"It's okay, nandito na ako." Bulong niya at malambing na hinaplos ang buhok ko. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang damit hanggang sa kumalma na ako.
.
"I still don't get it. Why did you come?" Tanong ko sa kanya at suminghot. Nakangising nakatingin lang sa akin si Ymar habang nakahalukipkip. Si Griffin naman ay nakatabing umupo sa akin sa bench.
"I got worried when Kishmar called, but when I saw you crying, it didn't matter what the reason was. I just want to be there for you." Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Tumingin ako sa kanya at diretso lang ang kanyang tingin sa harapan gamit ang mapupungay niyang mga mata. Nakarinig ako ng tunog ng mga tambol, hindi ko alam kung paano ko ipakita ang kaligayahan na nararamdaman ko.
For once, I felt appreciated.
"Thank you. Both of you really cares for me. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon kung wala kayo, everybody turned their backs on me including my Mom and my sister."
"Don't worry, Elle. You can always rely on us... kahit anong mangyari." Napangiti ako sa sinabi ni Ymar at pabiro niya akong kinindatan.
"I suffered the same but you know what, Aezelle, someone told me before..." Napatingin kami ni Ymar kay Griffin nung magsalita ito.
"... be miserable or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice." My eyes rounded in surprisement.
Those words... I heard them before!
"S-sinabi rin sa akin yan ni–"
"Yeah, your Dad. Coach Denise Cabrera, my personal trainer. The most amazing person I have known." Parehos kami ni Ymar na napalaglag ang panga.
"T-trainer mo si Dad? Ba't hindi ko alam yun?"
"Guys, mauuna muna ako sa inyo. May pinapautos kasi si Mom sa akin eh. Griffin, pakihatid si Aezelle." Paalam ni Ymar na nakadikit ang phone sa kanyang tenga at umalis.
Hindi ko alam pero mas naging komportable ako nung maiwan ako kasama si Griffin, parang nabigyan kami ng privacy.
"Noon kasi, wala akong hilig sa sports. I'm a geek kind of person, mas gusto ko na libro ang kaharap ko pero pinilit ako ng mga magulang ko, they want me to be athletic like my cousins. I was never interested in basketball cause it needs teamwork, and I suck at that until my parents hired the most excellent basketball Coach in town."
Napangiti ako dahil sa pag-describe niya kay Dad. I have seen videos of Dad before, playing basketball. He's not a three-point shooter nor he's good at tricks, but my Father was a defender and strategic genius. Natigilan ako nung may na-realize ako.
"No way!" Biglang sabi ko nung unti-unting nag-sink in sa isip ko kung sino yung kaharap ko.
"What?"
"That's why the Reamwork's Basketball Team was consecutively crowned champion in the last four years. The game is always been planned by you right?"
Ngayon ko lang naalala kung paano maglaro ng basketball ang isang Griffin Ortiz. Halos lahat ng tao ay humahanga kay Kuya Yvo o kay si Uno dahil magaling tumira at silang dalawa ang palaging MVP. None of them realize that it was always Griffin that lends two times effort compared to the other players. He plays just like my Dad, kapag siya ang may hawak ng bola at nagco-consume muna siya ng oras para maayos yung posisyon ng bawat players, tsaka niya ibibigay sa kasama niyang bakante o sa magaling tumira ang bola.
Nakita ko na si Griffin na tumira ng bola during free throw at parating sablay ang kanyang mga tira, kaya siguro naisip ng iba na hindi kagalingan si Griffin sa basketball... he really plays like my Dad.
"Because of Coach Den, I became fond of basketball until I learnt to love it. It was Coach Den that introduced me to the Summoners during the basketball training camp and because of it, I grew a bond with the Summoners and I gradually became part of it. I just never thought I can also be good at teamwork."
"You have leadership skill, Griffin. Nakita ko iyun at nakita ko rin sayo si Dad."
"Coach Den was the only person that believed in me." Malungkot akong napangiti nung makaramdam ng pangungulila.
"We're the same. Dad was the only person that made happiness possible for me before."