Heartbreakers

1008 Words
[Aezelle's POV] Panay tingin ko sa side mirror at hindi ko maiwasang mapangiti nung makitang nangunguna ako. Oh gosh, saan nga ako iikot? Sa puno? Saang convenience store? Nakita ko ang munsterrific at may puno ng mangga itong katabi kaya hindi na ako nagdalawang-isip na mag-drive paikot roon. Binagalan ko ang pag-drive nung hindi ko na makita ang mga kalaban ko. Pabalik na ako sa parking lot at napanganga nung makitang nandoon na lahat ng mga kalaban ko. "Where the f**k did you go?!" Pikon na tanong sa akin ni Uno pagkalabas ko ng crossover. "Sa puno?" Napahampas siya sa kanyang noo at napahawak sa kanyang beywang. "Aezelle, ang galing-galing mo!" "Hindi ko inakala na ganoon ka kabilis magmaneho." Napangiti ako at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga. "Salamat, kaso talo ako." "Ba't pala ang tagal mo? Kanina nangunguna ka," tanong ni Kishmar at bakas din ang pagkagulo sa mga mukha ng ibang boys. "Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay umikot ako sa puno katabi ng munsterrific." I explained and I was puzzled when I saw the shock on their faces. "Munsterrific?!" Napaatras ako nung sabay silang sumigaw. Yung mga tao ay ngumingisi matapos mapakinggan ang pinag-uusapan namin. "You are supposed to go to the east! Sa may 7-eleven, Chan." Gigil na napahilamos si Uno gamit ang kanyang palad. "I-i didn't know. Sorry." Napayuko ako dahil sa hiya. Ba't ba kasi hindi ako nakinig nang mabuti? Huhu, kinabahan naman kasi ako... "It's okay, Aez. The organization just want to see you drive. You did a great job," sabi ni Faxton at tinapik ang braso ko. "Mag-celebrate kaya tayo?" "Oo, interrogate natin si Uno at Aezelle. Balita ko ay magka-room mate sila," anunsyo ni Tyler sa lahat dahilan para mapangiwi ako. Chismoso talaga ang babaerong 'to! Nataranta ko at nakita ko ring nanlaki ang mga mata ni Uno na parang hindi niya ine-expect na sasabihin iyun ni Tyler sa iba. "The welcome race entertained me well." Biglang sumulpot ang speaker sa gilid namin at dahil doon ay hindi na naka-react yung iba sa sinabi ni Tyler. "What is your name again, young lady?" The speaker asked as he lend out his hand at me. "A-aezelle Cabrera po." "Welcome to Luci's Dungeon." Napangiti ako at nakipag-shake hands sa kanya. Agad naman akong natuwa nung nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid namin. . "Sige na, isang shot lang." Nag-pout pa si Vance habang pilit na inaabot sa akin ang isang shot ng J&B Scotch Whiskey pero agad akong umiling. "Huwag ka na ngang umarte." Pagsusuplado naman ng tuyuin na si Randall sabay tungga ng inumin niya. "Huwag ka na kasing mahiya, Aez." "It's not like we would take advantage of you or something. Takot lang namin kay Coach. Diba, Summoners?" Tanong ni Tyler nang malakasan sa iba na agad ding sumagot, "oo! tama-tama." Maliban na lang kay Griffin na nasa isang corner at natutulog. Paano siya nakakatulog sa bar kung saan maingay at amoy sigarilyo? "Huwag niyong pilitin si Chanelle. Why bring her anyway?" Biglang tumabi si Uno ng upo sa akin na ikinairap ko. "Chanelle? Si Aezelle yan, dude. Ba't mo makakalimutan ang pangalan ng room mate mo and besides, ikaw kaya ang nagdala kay Aezelle." Tumango ako at sumang-ayon sa sinabi ni Tyler. "Be a gentleman, Uno. How can you forget a lady's name? For as far as I know, Tyler is the playboy not you." Umiigting ang pangang umiwas ng tingin si Uno nung si Kuya Yvo na yung nagsalita. . "Uno, take her home safely... you know what I mean." Napalunok ako nung binigyan ni Kuya Yvo ng makahulugang tingin si Uno. Uno rolled his eyes and said, "what do you mean? That I would take advantage of her? Come on, Yvo, she's not my type. I don't like morena girls." Napakagat ako ng labi nung marinig ko iyun sa mismong bibig niya. I'm not his type... ang sakit, crush ko pa naman siya. Hindi niya ako type dahil lang sa maitim ang balat ko? Damn him. "Bye!" "Ingat kayo!" Si Vance at Faxton ay panay sigaw na parang bata. Si Tyler naman ay nakapamulsang nakangisi katabi si Kuya Yvo. Si Kishmar ay maluwag na nakangiti sa akin at ngumiti rin ako pabalik. Busy naman si Randall sa kanyang phone at ang tahimikin na si Griffin ay nahihiyang tumango lang sa akin. "The guys are awesome," sabi ko sa kalagitnaan ng biyahe. Ngumisi si Uno at mukhang sumasang-ayon sa sinabi ko. "They are... but don't get too close with those dudes. Most especially kay Tyler. Alam mong babaero iyun." "At ikaw hindi?" Panunukso ko sa kanya at natatawang iniling niya ang kanyang ulo. Deny-deny pa. "Ako yung nilalapitan ng mga babae kahit hindi na ako magpa-charming." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang aking ngiti. Mayabang talaga. Kakilig nga lang kasi naman... kami lang dalawa ni crush! Plus na nag-uusap na kami. As in, Uno freaking Navarro is talking to me. "What makes you think na sasaktan nila ako?" "They are all heartbreakers." "I never had a boyfriend and i'm willing to take a risk to have one if it means breaking my heart." Sino ba naman kasi ang tatanggi kung isa sa mga Summoners ang magiging jowa mo? Duh, I can risk my heart and soul for it. "Stupid, you sound like the other girls." "Yeah... I am one of those girls. I am also a fan girl." Simula freshman year ay iniidolo ko na sila but I never got to talk or looked at them up close. "Unbelievable. Does it mean that you have a crush on me?" Tanong niya kasabay ng paghinto niya sa sasakyan nung makarating na kami sa dorm. "H-hindi ah! Assuming mo. Inaamin ko gwapo ka nga pero hindi kita type noh!" "Okay, sabi mo yan ah." Ngisi siya bago kami sabay na lumabas ng sasakyan na ikinasimangot niya. "Oops, the door... I forgot," he just rolled his eyes before walking inside without waiting for me. Topakin din ang unggoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD