[Aezelle's POV] "Sobrang daya mo, basketball player ka, e." Reklamo ko kay Griffin. Kanina pa kami naglalaro ng basketball dito sa timezone. Naka-tatlong laro na kami at syempre, siya palagi ang panalo. "Fair ang laban, basketball coach ang daddy mo." Napanguso ako. "Anong connect? Hindi naman niya ako tinuruan maglaro. Iba na lang kasi para patas yung laban." Nagkapustahan kami at pipili kami ng isang laro. Kung sino yung may pinakamaraming panalo ay siya raw ang manlilibre ng dinner. "Mortal Kombat tayo!" Masiglang wika ko nung may isang table na bakante para sa mortal kombat. "Akin na yung card." Agad ko namang inabot sa kanya ang card pero nalito ako kasi akala ko isu-swipe na niya para makapaglaro kami. "Hoy, sa'n ka?" "Bibili ng points." "Seryoso ka?" Halos hindi makapaniwal

